Prologue
PROLOGUE
RINIG NI Neo ang tunog ng mga speedboat na naglilibot sa karagatan, malimit itong mag-flashlight sa iba't ibang direksyon na tila may hinahanap. Sa bawat mahahagip si Neo ng ilaw na 'yon ay inilulubog niya ang ulo upang itago ang sarili, mahigpit ang hawak sa malaking piraso ng kahoy na siyang tanging gamit niya upang lumutang.
Madilim na, at mahirap na sipatin ang paligid, ngunit hindi pa rin umaalis ang mga speedboats na ito, ayaw tumigil sa kung ano man ang kanilang layunin.
“Hanapin niyo! Naririto lang ang lalaking 'yon at imposibleng makalayo! Ayusin niyo ang trabaho niyo, shoot to kill, naiintindihan niyo?!”
“Yes, boss!”
Shoot to kill. Hindi na kailangang magsayang pa ng oras para isipin kung sino ang nais ng mga taong ito nai-shoot to kill. It was Neo, they wanted him dead. As for the reason, Neo wasn't clear about it yet. Basta ang dapat niyang pagtuunan ngayon ay ang makaalis sa lugar na ito upang hindi maispatan ng grupong ito na nais pumatay sa kaniya.
Ikinampay niya ang mga kamay habang nakapatong ang parteng taas ng kaniyang katawan. Hindi niya mapigilang mapaimpit sa sakit noong masagi niya sa kahoy ang sugat kung saan bumaon ang isang bala. Manhid na ang mga paa ni Neo dahil sa pinaghalong sakit ng tama ng bala, at ang malamig na temperatura ng tubig.
Subalit kahit nahihirapan ay pinilit niyang igalaw ang mga kamay upang makalayo, dahil sa bawat segundong nananatili siya rito'y gano'n din ang bawas nito sa posibilidad na makita siya ng mga taong ito.
He doesn't fear death, but that doesn't mean he's willing to die.
Marami pa siyang hindi napapatunayan hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa kaniyang pamilya. He still haven't inherited his father's empire yet, still haven't made a name for himself, he's nothing yet—so it's not the right time to pass away.
Lalo pa't hindi rin niya alam ang rason kung bakit nais siyang patayin ng mga taong ito. Heck! He at least wanted to know why they harshly demanded his life!
Nagtagis ang mga ngipin ni Neo sa poot na nararamdaman, ipinapangako sa sarili na kapag nakaligtas siya'y papahirapan niya ang mga taong gumawa nito sa kaniya, hindi lang double kundi sampong beses kung ano ang pinagdaanan niya. Thus, he needed to make it out alive. He needed to avenge himself.
Patuloy pa rin ang pag-ikot ng mga speedboat, maya't maya ay nakikita ni Neo ang pagpa-flashlight nito sa bawat direksyon. Siguro dahil kinaawaan pa rin siya ng diyos, bigla na lang umulan ng malakas, kasabay ang hangin na siyang nagpalakas sa puwersa ng mga alon.
Hindi kinontra ni Neo ang alon at hinayaan itong dalhin siya sa nais nitong lugar. Kita niya ang isa-isang pag-alis ng mga speedboat at ang galit na pagmumura ng lider ng mga ito. Noong tuluyan itong nawala ay tila nakahinga ng maluwag si Neo.
Isinaalang-alang na niya sa diyos kung ano man ang plano nito sa kaniya. Bahagyang nilamon ng pagod ang buo niyang sistema, kahit anong laban niya ay hindi pa rin niya napigilan ang pagsara ng mga talukap ng kaniyang mga mata. Unti-unting bumigay ang kaniyang sarili sa kadiliman, at bago siya tuluyang nawalan ng malay, muli niyang naalala ang mga mukha ng mga taong tinuturing niyang mahalaga sa kaniyang buhay.
“Thanks for inviting me here, Mr. Vallente. It's been a long time since I boarded a cruise ship with such nice ambiance.” A man in black suit patted Neo on his shoulder.
Neo replied with a polite smile, “Of course, Mr. Rodriguez. I hoping that it suits your taste. Since we have made the deal, this cruise ship is yours.”
Halakhak ang iginawad na sagot ni Mr. Rodriguez kay Neo. May pagkasabik sa mga mata habang hinihimas ang bigote nito. “'Yan ang gusto ko sainyong mga Vallente. Hindi lang kayo may isang salita, may pagkatuso rin.”
Tuso? That's underestimating him and his family. Hindi lang sila tuso, at 'yon ang dahilan kung bakit nanatili pa rin ang kanilang pamilya bilang isa sa pinakamakapangyarihan pagdating sa negosyo. Matinik, at higit sa lahat ay mabagsik.
That's why their family crest was a snake; silent, careful and full of venom.
Isa lamang si Mr. Rodriguez sa mga nagsabi nito kay Neo, at hindi rin siya ang magiging huli. “Gano'n talaga, Mr. Rodriguez. Ngayong pag-aari mo na ang 15% shares gaya ng utos ko, hindi naman puwedeng hindi kita bigyan ng papremyo.”
Ngumisi si Mr. Rodriguez, “Kung gayon, malugod ko itong tatanggapin. Happy cooperation, Mr. Vallente. Cheers!” Itinaas nito ang baso at saka tinungga ang laman ng baso. Gano'n din ang ginawa ni Neo habang nakatingin sa malawak na karagatan.
“Happy coopera—”
Naputol ang sasabihin ni Neo ng makarinig sila ng sunod-sunod na putok, sumunod ro'n ay malalakas sa sigawan galing sa mga pasahero nitong cruise ship.
Agad puminta sa mukha ni Neo ang pagdududa, hindi niya na hinintay pang magsalita si Mr. Rodriguez at agad tumawag sa kaniyang mga tauhan.
“Ano'ng nangyayari?!” He demanded.
Patakbong lumapit sa kaniya ang isa sa kaniyang tauhan at garalgal na sumigaw.
“Maraming mga armadong lalaki sa loob, meron silang bomba sa kamay at hawak nila ang ilan sa mga pasahero!”
May kung anong takot na agad bumalot sa dibdib ni Neo ngunit hindi niya ito ipinahalata. Tumingin siya sa gulantang na si Mr. Rodriguez. “Have him escape. Don't let anything happen to Mr. Rodriguez!”
Tumango ang kaniyang tauhan bago dali-daling iginiya si Mr. Rodriguez sa secret emergency exit na si Neo at mga tauhan niya lang ang nakakaalam. Nang makita ito ni Neo ay agad siyang bumalik sa kaniyang kuwarto at kinuha ang kaniyang dalawang baril.
Rinig niya sa earpiece ang mga tauhan. “How many?”
“30 people, sir. Ten at the atrium, 5 at the theater, 5 at the cafeteria and 10 at the casino.”
“How many hostages?”
“7 people, sir.”
Neo closed his eyes and tried to calm down, “Listen to what I say, this is the plan…”
PAMAMANHID ng katawan ang unang naramdaman ni Neo noong imulat niya ang mga mata. Kumikirot ang kaniyang ulo dahilan upang mapasapo siya ng noo, sinusubukang imasahe ang sarili sa sobrang pagkaliyo.
“H'wag ka munang gagalaw, baka mabuksan ang mga sugat mo.”
Agad na tumingin si Neo kung saan nanggagaling ang boses, tumambad sa kaniya ang isang babae na naka-upo sa gilid ng kama habang kalmadong nakatingin sa kaniya.
Pagkamangha ang unang naging reaksyon ni Neo matapos pasadahan ng tingin ang babae na nakasuot ng mumurahing daster na kahit mukhang cheap ay 'di pa rin natakpan ang natural na ganda ng babae. Idagdag pa ang mala-anghel na boses nito, hindi alam ni Neo kung dapat na ba siyang matakot dahil mukhang nasa langit na siya sa mga oras na ito.
“Y-You are?” Tanong ni Neo nang mahanap ang sariling tinig. Muli niyang pinasadahan ito ng mainit niyang tingin dahilan upang tumingin palayo at mag-init ang pisngi ng babae.
“Ako dapat ang magtanong niyan sa‘yo, sino ka, ano'ng nangyari sa‘yo at bakit ka napadpad rito sa isla ko.”
Neo suddenly caught something in her words. “Isla mo?”
“Yes, my private island. I saw you floating by coincidence habang nagsu-swimming ako, and had my helpers take you back. Akala ko nga patay ka na, pero noong pakinggan ko ang pulso mo, tumitibok pa naman ang puso mo kahit medyo mahina na ito. Buti na lang dahil naagapan pa ng doktor ko.” Salaysay nito at saka iniunat ang kamay upang hawakan ang noo ni Neo.
Noong dumampi ang malambot nitong kamay sa kaniyang noo, tila nag-crash ang sistema ni Neo. Nanigas ang kaniyang katawan at may hindi maipaliwanag na antisipasyon sa kaniyang dibdib.
Ngunit iba ang naging interpretasyon ng magandang babae sa kaniyang ikinilos. Natigilan ito bago inalis ang kamay sa noo ni Neo. Tumayo ito, sumulyap-sulyap sa kaniyang mga sugat bago tumikhim.
“H'wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan. If I have any intention of hurting you, ginawa ko na sana noong hindi ka pa nagigising. Don't be afraid, and let me take care of you para mas madali kang maka-recover at maka-uwi saan ka man nanggaling.”
“Alam kong hindi mo ako sasaktan, maraming salamat sa pag-aalaga sa akin while I'm unconscious.” Mariing sabi ni Neo. Voice laced with respect and gratefulness. He doesn't treat women with this much respect, but this woman is his lifesaver. She deserve this from him.
Ngumiti ang babae at saka humalukipkip sa ilalim ng dibdib dahilan upang mas lalong naging prominente ang malulusog nitong regalo, dito agad napako ang tingin ni Neo ngunit agad niyang iniwas ang tingin. Kapag sanay talaga ay hindi mapipigilan, kahit sa anong klaseng sitwasyon.
Humgikgik ang babae at saka lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina pagilid, dahilan upang tuluyang pumasok ang init ng araw na bagong sikat pa lamang. “Dapat lang na magpasalamat ka. You've been unconscious for 7 days, sa‘yo naubos lahat ng medical resources na natatago ko rito sa isla.” Walang halong paninisi sa boses ng babae, sa katunayan ay may maliit itong ngiti.
Neo smirked. His usual playfulness showing once again, “Don't worry, Miss Ganda. Once I recover, I will pay you back tenfold.”
Tila hindi inaasahan ng babae ang biglaang patutsyada ni Neo, namula ito ngunit walang nagbago sa kalmado nitong tindig. “It doesn't have to be tenfold. Actually, isang thank you lang ay sapat na sa akin, pero ikaw ang bahala. Basta noong iniligtas kita, hindi papremyo ang habol ko, at tanging layunin ko ay iligtas ka. That's all.”
There's a throb inside Neo's chest, a feeling he had never felt before. What is this? It's weird.
“Sige, magpa-init ka muna sa araw, marami 'yang bitamina. Ihahanda ko lang ang almusal at mga gamot mo.” Hindi na nito hinintay ang tugon ni Neo at saka kalmadong lumabas sa kuwarto. Bago ito tuluyang makaalis ay nagtapon ito ng isang marahan at magiliw na ngiti.
Innocent. Kind. Soft.
Bumuntong-hininga si Neo at saka pumikit sa ilalim ng sikat ng araw. Ninamnam niya ang init na pakiramdam niya'y ilang araw niya nang hindi nakikita. He's asleep for seven days, and that woman has been taking care of her. D*mn, he suddenly felt so regretful not regaining consciousness earlier on para nakita niya sana kung gaano siya alagaan ng babae.
Wala siyang masyadong maalala sa kung ano ang nangyari, basta't alam niya ay sumabog ang sinasakyan nilang Cruise Ship at may mga taong nais pumatay sa kaniya. Napadpad siya sa islang ito dahil sa malakas na alon ng dagat.
Neo thought he would die, at hindi niya na rin inaasahang gigising pa siya. Ang hiling lang niya bago siya nawalan ng malay ay mahanap sana ng pamilya niya o mga kaibigan niya ang kaniyang katawan. Para naman kung sakali ay mabigyan siya ng pormal na burol at libing.
But apparently, God still loves him. Even if he was such an a*shole before.
Iminulat muli ni Neo ang mga mata, at saka napagdesisyunang imbestigahan ang kaniyang kinaroroonan. Ang babae ni Miss Ganda, pagmamay-ari niya raw itong isla. She doesn't look like a woman who came from a poor family. The way she talks and her bearings screams nobility and wealth, na madalas lamang makita ni Neo sa kaniyang ina at mga tita.
Sinipat ni Neo ang kuwarto, at agad siyang nakumbinsi na mayaman ang kaniyang tagapagligtas. Carpeted ang sahig, king sized bed na halatang mamahaling quality, mga furnitures na gawa sa matitibay na kahoy, idagdag pa ang mga greek god statues sa bawat sulok ng kuwarto.
That woman is hella rich, not sure kung gaano siya kayaman pero may hinala si Neo na kapantay lamang ng yaman ng babae ang yaman na meron ang kaniyang pamilya. Maybe isa siyang Doña, kaya may sariling isla.
Neo reminisces about his savior's looks, his thoughts couldn't help but to turn towards the woman's perfect chest. He couldn't help but to mock himself for being lewd and pervert all the time.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng disgusto para sa sarili, bagay na hindi pa niya kailan man naramdaman habang ikinakama ang sino mang babae na matipuhan niya.
I don't know her name yet. Might as well ask her later when she comes back.
*
UMALIWALAS ANG mukha ni Izabelle noong makitang handa na ang porridge na ipinapaluto niya kay Manang Conchita. Nakalagay na rin sa tray ang mga gamot at tubig na dadalhin na lang sa guest room kung saan naroon si Neo.
“Narito na ba lahat ng gamot, Manang?” Marahan niyang tanong sa nakakatandang katulong. Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Manang Conchita bago ito tumango sa alaga.
“Lahat ng gamot nand'yan na. Nagising na ba siya?” Kyuryoso nitong tanong, nais malaman kung may malay na ba ang bisitang pinaglaanan ng pagod at oras ng kaniyang alaga. Bagay na matagal na niyang hindi nakikita rito.
Ngumiti si Izabelle na tila masayang-masaya kumpara nitong mga nakalipas na mga araw. “Sa wakas, nagising na rin ho. Mabuti naman, halos hindi na ako makatulog sa kakaisip, ayoko namang mamatay siya habang nasa puder ko siya.”
“Mabuti kung gano'n. Natanong mo na ba ang pangalan niya o katauhan? Sigurado akong hindi siya simpleng tao, mamahalin 'yung relong suot niya. Iilan lamang na tao ang kilala kong may ganoong relo.” Puna ni Manang Conchita bago muling minasa ang basang harina.
Nagsalubong ang kilay ni Izabelle. “Importante pa ba 'yon, Manang? Aalis din naman siya rito kapag gumaling na siya. He wouldn't make that much impact in our lives, so why bother knowing his name?”
Manang Conchita paused, as if thinking of something. “Sinong nakakaalam?” Bulong nito.
Dahil mahina ang boses ay hindi ito narinig ni Izabelle, she tried asking the older woman but she just shrugged. “Ang sabi ko, baka nagugutom na bisita mo. O siya, lumakad ka na.”
“Hm, okay. Bye, Manang.”
Kalmadong tinahak ni Izabelle ang koridoryo papunta sa pinakadulo kung nasaan ang guest room. Hindi mapigilan ng babae na muling alalahanin kung paano niya nakita ang estranghero.