bc

Awakening of Darkness

book_age16+
174
FOLLOW
1K
READ
adventure
princess
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Minsan nang nalagay sa gulo ang mundo ng mga Lumen Wizard, ang Magus World, nang sakupin ito ng mga tinatawag nila na Dark Wizards. Salamat na lamang sa Lumen Princess na si Shanel at ang mga kaibigan nito, nagbalik ang kapayapaan sa mundong ito.

Naging mapayapa ang Magus World sa loob ng ilang taon. Ngayon ay masaya ng namumuhay sina Shanel ang Lumen Princess at Kyle sa mundo ng mga tao kasama ang anak nila na si Sabria. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na may isang wizard ang nabuhay at nananalaytay dito ang dugo ng isang lumen at dark wizard. Dahil sa wizard na ito ay muling lalaganap ang dilim. Panibagong digmaan ang magaganap at panibagong mga nilalang din ang makikilala. Mga hindi pangkaraniwang wizard na may bukod tanging kapangyarihan ang makikilala at muli ay maglalaban-laban para sa kapayapaan ng Magus World.

chap-preview
Free preview
Prologue
After defeating the Dark Princess ay bumalik na sa ayos ang lahat. Everything fall to their right places. Si Shone Glacies na ngayon ang namumuno sa Glacies Kingdom at nalalapit na rin ang kasal nila ni Elysse. Habang ang Lumen Princess na si Shana Angelica Glacies ay kasama si Kyle Gallens na tahimik na namumuhay sa mundo ng mga tao. Doon nila napiling mamuhay ng normal dahil na rin sa gusto ni Shanel na masilayan ng kanilang anak ang mundong kanyang kinalakihan.   Lahat ay masaya dahil tahimik ng muli ang dalawang mundo. Wala ng mga dark wizards na magbabanta sa kanilang buhay. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na may isang dark wizard ang nabuhay. Isang Dark wizard na isinilang, pitong buwan bago pa matapos maglaho lahat ng mga dark wizard. Tanging ang Dark Lord lamang at ang ina nito ang nakakaalam ng ihim na iyon.   Ibinalot ng babae ng kumot ang hubad na katawan at hinanap ang lalaking kanyang minamahal. Sa may balkonahe ay nakita niya itong nakatanaw lamang sa labas. Mula sa likod ay niyakap niya ito.   "She's doing great. Hindi maikakailang anak ko talaga siya." Napatingin ang babae sa ibaba. Doon ay nakita niya ang Dark Princess na nag-eensayo. Hinarap siya ng Dark Lord.   "Wala pa bang laman?" tanong ng nito sa babae.   "Bakit ba gusto mo akong mabuntis? Mahal mo na rin ba ako?" ngumisi sa kanya ang Dark Lord.   "Hindi mawawala sa puso ko si Diana. Siya lang ang minahal ko." Nasaktan ang babae pero hindi niya iyon ipinakita. Tanga na kung tanga pero hindi niya iiwan ang dark lord hanggat sinasabi nito na kailangan niya siya.   "Buntis na ako." Tinitigan siya ng Dark Lord. Ngumiti siya ng maluwag at ganoon na lamang gulat niya ng bigla siya nitong buhatin at pinaikot-ikot habang tuwang tuwa.     "Hindi kita iiwan!" pero umiling lamang ang Dark Lord sa kanya. Nandito sila ngayon sa balon na siyang lagusan patungo sa mundo ng mga tao.   "Kailangan mong magtago. Sa oras na malaman nila na dinadala mo ang anak ko ay siguradong papatayin ka nila at hindi ko hahayaang mangyari iyon.  Hindi ko hahayaang mawala ang anak ko!" napaluha siya.   "Natatandaan mo yung naging vision mo na matatalo ang mga dark wizards? Ang anak natin ang tanging paraan upang muling magbalik ang mga dark wizards sa mundong ito!" wala siyang nagawa kaya naman sinunod niya ang utos nito na umalis sa magulong mundong iyon at manirahan sa mundo ng mga tao.   "Sandali." Pigil ng dark lord sa kanya.   "Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Nagawa mong pagtaksilan ang kapatid mo at si Diana kahit pa ibinigay nila ang buong tiwala nila sa iyo. At ngayon ay ikaw ang nagdadala ng isang anak ko pa." ngumiti ito sa kanya at binigyan ng huling halik sa labi bago lumisan sa mundong iyon.   Sa mundo ng mga tao ay doon niya ipinanganak ang isang sanggol na lalaki na posibleng magbalik sa mga dark wizards.   Dahil sa sekretong ito, anong mangyayari sa Magus World? Sa pagkagising ng kapangyarihan ng isa pang anak ng Dark Lord, muli nga bang mabubuhay ang mga dark wizards? Muli nanaman bang gugulo ang mundo ng lahat? -

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
324.1K
bc

Want You Back (Filipino)

read
227.9K
bc

My Master and I

read
136.2K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.7K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.7K
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.7K
bc

The Last Battle

read
4.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook