Princess Juliana's Point of view
Nang makarating ako sa school ng 5am, kinuha ko kaagad ang aking cellphone at binuksan ang flashlight dahil walang ka ilaw ilaw sa school tanging nga spotlight lang sa 3rd floor ang may ilaw kaya dumuretso agad ako sa studio dahil sa takot ko. Habang papunta sa nay studio nakita ko na may anino sa may 3rd floor para akong napahinto dahil sa gusto kong malaman kung tao ba yon o multo.
"Bogshhhhh!!" Nagulat ako ng biglang may bumagsak galing sa third floor na parang ang bigat niya. Nawala ako sa sarili ko dahil sa narinig ko kaya dali dali akong tumakbo papunta sa studio para hindi makita kung ano ang bagay na iyon. Napahinto ako dahil nakita ko ang daan papunta sa studio ang madilim na library, sabi sabi nila dito may nagmumulto daw tuwing madilim, dahil sa gusto ko ng makaalis kaya dahan dahan akong naglakad at tinawid ang 3 room na haba ng aming library. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad nakarinig ako ng isang tunog na nagbukas ng pinto kaya dali dali akong tumakbo papasok sa studio. Nang makapasok ako agad kong sinarado ang pinto at sumandal dito. Hinawakan ko ang aking dibdib at damang dama ko ang kaba na aking nararamdaman kanina pa.
"Princess." Napatumba ako dahil sa kaba ng hawakan ako ni coach at tawagin ang pangalan ko. "Ayos ka lang ba namumutla ka na?" Tanong niya. "Ok lang po ako kinabahan lang nakakatakot kasi sa may library eh." Sabi ko sakanya. "Bakit hindi ka dumaan sa kabilang pintuan mas maliwanag." Sabay turo niya sa pintong bukas. "Eh coach iikot pa ako edi mas madilim doon." Sabi ko sakanya. Natawa nalang siya saakin dahil para daw akong naubusan ng dugo dahil sa kaba.
"Oo nga pala Princess asaan pala si Jenelle?" Tanong ni coach. Lumingon lingon ako para hanapin siya pero hindi ko siya nakita. "Akala ko andito na siya ehh teka lang coach i tetext ko lang po siya." Sabi ko sa kanya pumunta ako sa may upuan at kinuha ang akinh cellphone at dali dali ko siyang tinext.
To:Bes❤❤
Bes asaan kana hinahanap ka dito
From:Bes❤❤ (ang bilis mag text daming load haha charot)
Di ako makakarating ngayon ehh may sakit ako ehh ikaw muna mag isa kaya mo na yan byeee bukas nalang
Napayuko ako dahil sa hindi siya makakapasok, nakakainis naman mag isa lang ako dito ang hirap kayang walang kasama sa loob kasi para kang tanga na nagsasalita, tanga na nga sa lovelife tanga pa sa pakikipag usap sa loob. Huminga ako ng malalim at tumayo ako at lumapit sa coach namin.
"Coach di po makakapunta si Jenelle kasi po may sakit siya ngayon." Sabi ko kay coach. "Ahh ganon ok its fine I understand sige na Princess pumasok kana sa loob meron ka ng kapartner doon para makapag start na." Sabi nito. Kinuha ko lang ang mga gamit ka kakailangan ko sa loob at pumasok na.
Pag pasok ko sa loob nakita ko na may nakaupong lalaki na nakasuot ng headphones, agad akong lumapit sa upuan ko at umupo. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya saakin. Hindi ko masyadong maaninagan ang kanyang mukha at ayaw ko naman na tumingin sa kanya baka ano pang masabi niya saakin. Agad niyang tinanggal yung headphone niya at humarap saakin. "Hi." Panimula niya humarap ako sa kanya at nag bow. Nang makita ko siya hindi ko siya matitigan ng maayos kasi nakaka attract yung itsura niya baka mamaya pag nagtagal pa sabihin niya may pagnanasa ako sa kanya.
"So simulan na natin?" Sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. "Saan ba?" Kabang tanong ko. "Sa pag bo broadcast diba yun yung gagawin natin?" Sabi niya, tumango tango nalang ako sa kanya at umiwas ng tingin, hindi ko alam kung anong naiisip ng utak ko pero isa lang ang masasabi ko ipaahamak ako ng utak ko. Humarap ako sa mikropono at kinuha ang headphone na gagamitin ko. Pero bago ko ito masoot. Bigla siyang nagsalita.
"Ah ano nga pala ang pangalan mo?" Biglang tanong niya saakin. "Ahh Princess Juliana , ikaw?" Tanong ko naman sa kanya. "Justin Tyler" sagot niya napangiti nalang ako sa kanya. "Ang ganda name." Sabi ko sakanya. "Ikaw din." Nagtaka ako sa sinabi niya kaya napaharap ako sa kanya. "I mean your name is also beautiful." Sabay soot niya ng headphone at himarap sa mikropono.
Justin Tyler Point of View
Habang naglalakad ako sa third floor nakita ko ang isang babaeng nag lalakad papasok sa school I never saw her before, kaya nagtaka ako pero hindi ko nalang siya pinansin. Kinuha ko ang mga speakers na naiwan ko kahapon dahil hindi ko na din kasi kayang dalhin.
Pababa na ako sa 3rd floor ng biglang may nakaharang palang isang karton sa dadaanan ko kaya nahulog ang hawak kong speakers sa baba at dahil sa lakas ng impact nag cause iyon ng malakas na sound. Agad ko naman akong nakarinig ng boses na sumigaw sa baba. Naisip ko na baka yung babaeng nakita ko kanina, kaya dali dali akong bumaba para makahingi ako ng sorry sa kanya.
Pagbaba ko nakita ko ang speakers kong basag na dahil sa paghulog at ang hinahanap kong babae ay nawala na din.
"Ayst nakakainis lagi nalang nababasag to dapat talaga ipatingin sa department yung laging nakaharang na mga karton eh palibahasa takot kaya iiwan nalang dito." sabi ko sa sarili ko. Napag-isipan kong pumunta sa studio para makapanood ng mga nag bo broadcast. Nakita kong madilim sa daan papunta sa main door ng studio dahil narin sa walang ilaw ang tatlong sakop na room ng library kaya napag isipan kong dumaan sa isang pintuan kung saan shortcut palabas para makapunta sa back door. Pag bukas ko bigla namang yumangitngit ang ang pinto at dahil sa katahimikan ng lugar napakalakas nito at dahil doon narinig ko nanaman ang sigaw ng babae. Tumakbo ako para makita siya pero ang naabutan ko lang ay ang pagsara ng pinto ng studio, bumalik nalang ulit ako sa pinto at pumasok doon para makapunta na sa likuran ng studio.
Pag kapasok ko nilakbay ko kaagad ang aking paningin upang hanapin ang babaeng sumigaw pero bigo ako makita siya dahil madami ding babae sa loob nakakahiya naman kung tatanungin ko pa sila isa isa. Hindi pa nag tatagal biglang lumapit saakin ang coach ng broadcasting team. "Justin andito ka pala, pwede ka bang maging broadcaster ulit, dont worry this time may kasama kang dalawang babae para namaj makita ko kung kaya mong makipagsabayan sa kanila." Sabi ni coach. "Sige po coach pero sino po ba yung mga kasama ko?" Tanong ko sa kanya. "Nako intayin mo magagaling yung mga yon sila nga ang panlaban ko dito dahil magagaling sa pagbibigay ng advice, kwela at kaya pang mag batuhan ng mga hugot, kaya ang challenge ay kayanin mong sumabay sa kanila ok." Nakaramdam ako ng onting pressure sa sinabi niya saakin pero tumango nalag ako sa kanya dahil gusto ko din namang maka experience na may kasamang mga magagaling sa advice at hugutan. Binaba ko muna ang bag ko at kinuha ang mga kailangan na kagamitan at naglakad papasok sa loob.
Pagpasok ko sa loob agad akong umupo sa upuan at inadjust na ang volime at hinanda nadin ang mga tugtog kung sakaling kailanganin ng tugtog mamaya. Kinuha ko muna ang aking telepono at nag f*******: muna.
Maya maya bigla nalang bumukas ang pinto. Binitawan ko na ang aking phone at hinintay nalang silang umupo. Nagulat ako na may umupong babae sa tabi ko, tinignan ko ang itsura niya pero siya inaayos lang ang lugar niya, tinignan ko kung may kasama siya pero wala naman akong nakita gusto ko sanang tanungin siya pero nakakahiya. Kaya agad kong tinanggal ang headphone ko at himarap sakanya.
"Hi." Sambit ko sa kanya tumingin siya saakin at nag bow tapos bumalik nanaman sa kanyang ginagawa, nagulat ako sa kanyang ginagawa, gusto nya ba ako iwasan?
"So simulan nanatin." Sabi ko sakanya. "Saan ba?" Tanong niya, tumingin ako sakanya ng nagtataka. "Sa pag bo broadcast diba yun yung gagawin natin?" Sabi ko sa kanya tumango naman siya at humarap na sa kanyang mikropono at kinuha ang kanyang headphone, bago niya pa maisoot iyon agad ko siyang tinanong. "Ah ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. "Ahh Princess Juliana , ikaw?" Biglang tanong niya saakin "Justin Tyler" sagot ko naman napangiti nalang siya saakin at bumalik sa kayang ginagawa.
Mga ilang segundo din na deadair lang kami kaya para maputol ang awkward bigla siyang nagsalita. "Ang ganda name." Sabi niya saakin. "Ikaw din." Bigla siyang napatigil sa kanyang ginagawa at hindi alam ang gagawin kung siya ba ay haharal saakin o hindi. Kaya agad naman akong nagpaliwanag para maputol ang awkward nanamamagitan saaming dalawa. "I mean your name is also beautiful." Sabay soot ko ng headphone para hindi na kami mag usap at matigil ang ilangan saaming dalawa.
Nagsimula na siyang magsalita.
"Magandang magandang umaga ngayon mga bes kasama ko si..."
"Ano ba screen name mo?" Agad siyang humarap saakin at bumulong. "Ah Dj Tyler." Sabi ko sakanya. Humarap ulit siya sa kayang mikropono at sinabi ang aking pangalan.
"Ngayon mga bes kasama natin si Dj Tyler para sa ating pag tulong sa mga nag mahal nasaktan nagpakatanga binati mo ulit at pinaasa ka nanaman, alam nyo mga bes pag ganyan na ang nang yayari aa inyong dalawa mas mabuti pang hiwalayan mo na siya kasi kung hindi naman pala mag wo work ang relationship ninyo mas mabuti pa sigurong mag let go na kayo, mag cool down oh maghanap ng iba pero kung ikaw lang ang lumalaban sa pag mamahalan ninyong dalawa wag mo nang saktan ang sarli mo. Sabi nga sa kanta hanggan kailan aasa, hanggang kailan ka aasa na sana mahalin ka din niya hanggang kailan ka aasa na sana maging kayo balang araw diba may mga bagay na sauna lang natin kaya pero pag dating sa huli tayo pa ang nasasaktan." Sabi niya, namangha ako sa paghuhugot niya dahil I never saw ang isang taonh on the spot mag-isip ng hugot at agad agad ito ibabato sa mga audience ng walang pagaalinlangan if there is a mistake.
"Kaya kung may mga nararamdaman kayo niyan i share ninyo saamin dito upang kayo ay aming matulungan pero sa ngayon ito ang kanta na handog namin sayo" sabi niya ulit. Sabay pindot ng button para magpatugtog ng kanta.
Now Playing: Sana Maulit muli by Gary V.
Nang matapos ang kanta agad namang nagsalita si Princess. "Muli po tayong nag babalik para tayo ay mag bigay saya sa ating natutulungang tao so ito ang ating caller" at pinindot ang tawag mula sa kanyang phone.
"Hello po Dj yana at dj tyler meron po akong problema" sumilip ako sa labas ng broadcasting area at nakita ko ang isang babae na may hawak hawak na telepono at nagkikipag usap sa kung sino.
"Ano ang ating Problema" sabi niya.
"Kasi po yung friend ko po recently friend may gusto ako sa kanya pero ang problema po di ko na nasabi sa kanya ang gusto kong sabihin kasi po may minahal na syang iba at ang masaklap pa po lagi akong 3rd ng pag mamahalan nila ano po ba ang maipapayo ninyo saakin"
"Madali lang yan sabi nga nila nasa dulo na ang pag sisisi pero wala na ehh i think you go to moving forward kasi wala na ehhh yung puso niya may bumihag na"- princess
"Oh di kaya naman mag confess ka kung masaktan ka man its ok kasi its a part of your soul parte yan ng pag katao mo kung masaktan ka man ganon talaga kasi isa lang yan pagsubok na kailangan nating i solve so sa lahat ng gagawin mo kailangan mo ng mathematics kaya wag kang mag alala sa mga gagawin mong desisyon kaya ito ang kanta na handog namin sayo" sabi ko naman.
Now Playing: Help me Get over you by Jonah
Isang mahabang training ang ginawa saamin at tanging inom lang ang pagpapahinga naming dalawa. Nang matapos lumabas na kami ni Princess, it's already 3 pm dahil narin sa dami ng pinatawag at mga advices na ibinigay namin.
Habang naglalakad nagtanong ako sa kanya ng isang bagay. "Princess ganon ba talaga dito na kayo kayo lang ang magtatawagan." Nakita kong tumawa siya saakin. "Haha syempre saan ba tayo kukuha ng caller ehh hindi naman tayo naririnig sa labas ng school diba." Sabi niya saakin. Mga ilang minuto din na tahimik habang naglalakad. Agad ko siyang kinausap para ayain.
"Princess tara sa cafeteria lets eat gutom na ako eh." Saad ko sakanya, tumango siya na ibig sabihin ay sumasang ayon siya. Nag lalakad na kami malapit sa cafetiria ng biglang may sumigaw sa likod namin.
"PRINCESS!!!!"
DARKNIGHTDJ20
EDITED...