Chapter 1: First Heartbreak
Princess Juliana's Point of view
"Asaan ka na ba Romeo ba't ang tagal mo kanina pa ako nandito oh." Pakikipag usap ko sa sarili ko habang inaantay boyfriend ko sa basement.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa tagal ko ng nakatayo dito ehh ni mukha ni Romeo ay di ko pa nakikita.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan siya ngunit bago ko magawa iyon nakita ko siyang nag mamadaling tumakbo papunta sa akin. Napakunot ang aking noo dahil hindi ko malaman kung ano ang dahilan kung bakit siya nag mamadali na para bang mayroong gustong takbuhan.
"Alam mo ang tagal mo kanina pa kita iniintay alam mo ba iyon," sambit ko sa kaniya. Napatingin ako sa kaniyang at nakita ko ang malungkot niyang emosyon.
"Ba't ka nakabusangot huy ano na?" biglang tapik ko sakanya pero wala parin siyang imik at tumitingin lang kung saan saan.
"Babe ano kanina pa ako nagiintay dito hulas na ako babe," sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang panyo ko para magpunas.
"Babe.." Pagtawag niya sa akin. Tumingin ako sa kanya ng nakangiti.
"Yes?" Sagot ko sa kanya
"Hindi lo alam kung tama pa ba ito," saad niya. Napakunot ang aking noo dahil sa aking narinig. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang sinasambit at hindi ko din naiintindihan ang kaniyang mga tinuran.
"Ano bang pinagsasabi mong hindi mo naiintindihan?" tanong ko sa kaniya.
"Yung ganito, yung tayo," saad niya, "hindi ko alam kung kaya ko pang tagalan ka... kasi, nagsasawa na ako," sambit niya. Napakunot ang aking noo dahil sa aking mga naririnig. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaniyang mga sinasabi.
"Huh? Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan," sagot ko sa kanya na may luhang tumutulo sa aking mata.
"Sumagot ka! Ano bakit ka makikipag hiwalay saakin ano ganon ganon!! Nalang yon ha hindi mo ba alam kung gaano kita kamahal ahhh kasi masyado kang manhid alam mo yon!!" hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil tumataas na ang aking dugo sa mga sinasabi niya.
"I explain-" bigla niyang sagot. Pero agad ko siyang binigyan ng isang malakas na sampal upang ipadama sakanya ang aking galit. Hindi ko alam pero matinding galit at inis na ang aking nararamdaman. Matagal ng sinasabi ni Jenelle ang mga bagay na ito sa akin pero hindi ako nakikinig sa kaniya.
"So tama nga yung sinabi sa akin ni Jenelle," Mahinahon kong sabi sa kaniya, "hindi ko alam kung ano pa dapat ang tama kong sasabihin sa iyo kasi ngayon pa lang gustong-gusto na kitang saktan. Hindi ko alam kung ano pa bang kulang sa akin pero sa dalawang taon na iyon hindi naman ako nagkulang diba, wala akong pagkukulang kaya hindi ko maintindhan kung bakit mo nagawa ang bagay na iyon," saad ko sa kaniya. Nabagsak ko ang kanina ko pang hawak na gamit dahil sa hindi ko makaya dalhin ang sakit na aking nararamdaman.
"Sorry," saad niya sa akin. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kaniya.
"Bakit pa?" tanong ko sa kaniya, "tapos naman na tayo kaya gawin mo na lahat ng gusto mo dahil pinapalaya na din naman kita," sambit ko. Napahinga ako ng malalim bago tumingin sa aking cellphone. Tumingin ako sa kaniya sabay naglakad papalayo.
"Wait," saad niya sa akin.
"Wag mo na akong susundan kasi ngayon pa lang pinuputol ko na kung ano ang ugnayan nating dalawa," saad ko sa kaniya bago naglakad papalayo sa kaniya.
Dahil sa sama ng loob na aking nararadaman ay naisipan ko na lamang na dumiretso sa studio kung saan namin ginagawa ang pagpa-practice kung paano maging isang DJ.
Pag pasok ko sa loob ay biglang napatingin sa akin si Jenelle at dali-dali akong sinalubong.
"Oh Princess nandito kana pala tara na saan kaba galing ha?" tanong ni Jenelle.
"Jan lang," ngiti kong sabi sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya dahil para ba siyang may inuusisa sa akin.
"Ano'ng klaseng tingin ba iyan Jenelle?" tanong ko sa kaniya.
"Wala para kasing ang lungkot-lungkot mo ngayon," sambit niya sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim sabay napatingin sa kaniya.
"Alam mo tigilan mo na ako sa kakaganiyan mo para kang detective na inuusisa kung ano ang mali sa akin," saad ko sa kaniya.
"Wala inaalam ko lang kung ano ba talagang nangyayari sa iyo, kasi kanina maayos ka naman pero ngayon parang ang lungkot-lungkot mo," sambit niya, "alam mo tara na sa loob para naman makapag-practice na tayo, kanina pa kasi ikaw hinahanap kung saan-saan ka nagpupupunta," sambit niya sa akin.
"Oo na tara na nga," sambit ko sa kaniya. Sumunod na lang ako sa kaniyang paglalakad papasok sa loob ng studio. Pagpasok namin sa loob ay pumunta agad kami sa upuan sabay kinuha ang headset at isinuot.
"Start na ba tayo?" tanong ni Jenelle sa akin. Tumingin ako sa kaniya sabay napatango-tango bilang sagot sa kaniyang sinabi.
"Magandang umaga sa inyong lahat! Sa ating mga bes jan na nag mahal nasaktan nakinig dito saating istasyon ako po si DJ Cha," pagsisimula niya. Napangiti lang ako habang nakikinig sa kaniyang sinabi.
"Anoo kaya ang masasabi ng ating DJ Yana sa ngayon dahil parang wala siya sa mood ngayon," sambit ni Jenelle sa akin. Napatingin ako sa kaniya ng nagtataka dahil sa kaniyang sinabi.
"Trip mo nanaman akong pag-trip-an," patawa kong sambit sa kaniya, "well easy lang naman ang mga pangyayari sa mga araw na ito sadyang trip lang ako ng moodswing ko ngayon," nakangiti kong sambit.
"Don't worry later bilhan kita ng comfort food mo para naman mawala na 'yang moodswing mo," sambit niya sa akin. Agad naman niyang kinuha ang flashcard upang maumpisahan na namin ni Jenelle ang topic na pag-uusapan namin sa araw na ito.
"Alam mo, ito talaga ang pinaka magandang part ng practice na ito malalaman natin ang pinaka problema ng iba't ibang tao," sambit ni Jenelle, "pero minsan hindi ko din alam kung bakit ito ang pinaka-problem ng tao, hindi ko nilalahat pero makikita natin na ito ang pinaka problema nila lalo na sa mga edad natin," saad ni Jenelle.
"Pero ikaw ba DJ Yana did you felt this kind of pain?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi sa akin. Napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.
"Ako?" tanong ko sa kaniya.
"Sino pa ba? Tayong dalawa lang naman ang nandito," saad niya sa akin.
"Well sa akin, siguro meron na din akong naramdaman na ganiyang feeling," sambit ko sa kaniya, "minsan kasi meron sa parte natin na hinahanda natin yung sarili natin para sa oras na iwan na tayo eh hindi na masakit pero yung totoo... masakit pa din naman," saad ko sa kaniya at onti-onting luha angtumulo sa aking mga mata.
"Pero sa akin yes," saad ko, "wala naman sigurong tao ang hindi pa nakakaranas na masaktan hindi ba?" sambit ko sa kaniya at ngumiti. Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at napatingin sa akin.
"Tama ka naman, wala naman sigurong taong hindi masasaktan hindi ba?" saad niya sa akin, "pero minsan ba sa sarili mo na nagmakaawa ka sa taong mahal mo para lang hindi ka niya bitawan?" tanong niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang tanong sa akin.
"Bakit pa?" tanong ko sa kaniya, "I know my worth at kahit naman mahal ko siya kung alam ko naman na ayaw na niya bakit ko pa ipagpipilitan hindi ba?" saad ko.
"Kung alam ko naman in the end na hindi din siya magiging masaya bakit ko pa pipilitin na mahalin ako kung masaya na siya sa iba," saad ko.
"Wow matindi din pala ang pinagdadaanan ni DJ Yana," sambit niya sa akin, "alam ninyo totoo din naman ang sinabi ni DJ Yana hindi ba. Dahil lahat naman tayo alam dapat natin ang worth natin kasi in the end din naman kung ipagpipilitan talaga natin ang mga bagay na iyon in the end tayo lang din ang mahihirapan," sambit ni Jenelle.
Nakita naman namin nagsenyas ang coach namin ng thumbs up na senyales na tapos na ang aming practice.
"At doon na nga nagtatapos ang ating usapin sa mga oras na ito, alam ko na madami pa ding mga tao na nasasaktan at it's part of our life at kahit masaktan tayo dapat alam pa din natin sa sarili natin ang worth natin," sambit ni Jenelle, "masakit sa una pero in the end naman meron naman tayong matutunan sa mga bagay na iyan," huling sinabi niya bago nag off-air. Napahinga ako ng malalim sabay napangiti sa kaniya bago ko tinanggal ang headset.
"Mukhang may pinaghuhugutan ah," sambit niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napangiti.
"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya.
"Kanina, yung mga sinabi mo," saad niya sa akin, "ano ba talagang nangyari?" tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang tinanong sa akin.
"Wala 'yun," saad ko sa kaniya sabay tumayo sa aking inuupuan at lumabas sa loob ng studio.
"Ano merong problema sa inyo ni Romeo no?" tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya sabay natawa dahil sa kaniyang sinabi.
"Uh, ano'ng sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya.
"Mhh you can't to me," saad niya sa akin, "para saan pa't naging kaibigan mo ako at hindi ko alam ang mga bagay na iyan?" wika niya. Napahinga na lang ako ng malalim sabay tumingin sa kaniya.
"Well siguro it's time for you to know," sambit ko sa kaniya, "yeah nagka-problem-a kami ni Romeo and guess what siya pa yung nakipaghiwalay sa akin," saad ko sa kaniya. Napahawak na lang si Jenelle sa kaniyang noo ng marinig niya ang aking sinabi sa kaniya.
"Sabi ko naman sa iyo eh na g*go yang lalaki na iyan," saad niya sa akin.
"Hayaan mo na nga iyon," saad ko sa kaniya.
"Ano'ng hayaan eh sinaktan ka na nga hahayaan mo pa," saad niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya habang nakatingin sa kaniya.
"Ayos na iyon Jenelle, isa pa kaya ko lang naman sinagot si Romeo para pang-iwas kay Richard that's all," sambit ko sa kaniya.
"Eh bakit ganiyang ang nararamdaman mo?" tanong niya sa akin, "dalawang taon din kayo nagsama ni Romeo, imposible na hindi mo siya minahal no," saad niya sa akin. Napapunta ako sa aking bag sabay kumuha ng tubig at uminom.
"Kaya nga diba nung una pa lang sinasabi ko na sa iyo na layuan mo iyan dahil hindi naman na maganda ang nagiging epekto sa iyo," dugtong niya, "kahit naman sabihin natin ginagamit mo lang siya para lumayo si Richard sa iyo eh nakikita ko nga na nagkakagusto ka na sa mokong na iyon," sambit niya.
"Tapos na nga diba," saad ko sa kaniya, "kasalanan ko na nga eh hindi ako nakinig kaya ayan nabiktima si gaga," wika ko. Napahinga na lang siya ng malalim sabay napailing-iling.
Maya-maya naman ay biglang lumapit ang coach sa amin upang sabihin ang mga point niya kanina.
"Good job girls," sambit niya sa amin. Napangiti naman kami sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.
"Alam ko na malaki ang magiging execution ninyong dalawa pag kayo ang nagsama I know that," sambit niya sa amin.
"Pagbutihin ninyo pa yung mga gingawa ninyo dahil lahat ng student eh humahanga na sa mga pinapakita ninyo, I know magiging malaki ang chance natin na manalo," saad niya sa amin. Napangiti naman kami ni Jenelle dahil sa kaniyang sinabi.
"Thank you, coach," saad namin sa kaniya.
"Basta aralin ninyo lang yung mga piece na binibigay ko sa inyo para sa next event ng school," saad niya sa amin. Napatango-tango kami ni Jenelle bilang sagot sa kaniyang sinabi.
"Hindi ko expected na maganda ang magiging performance natin," saad ni Jenelle. Napangiti naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Naglakad kami palabas ng studio upang tumungo sa cafeteria.
"Lagi naman eh," saad ko.
"Ay sama ka ba mamaya?" tanong niya sa akin. Napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi.
"Saan naman?" tanong ko sa kaniya.
"Edi saan pa sa dating lugar, sa broadcasting studio ng school na maririnig sa buong manila," saad niya sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniya sabay napailing-iling.
"Madami pa akong gagawin sa bahay mamaya. Isa pa diba meron tayong practice diba," saad ko sa kaniya. Napakunot ang kaniyang noo dahil sa aking sinabi.
"Practice? Ano'ng practice?" tanong niya sa akin.
"Alam ko meron, wait puntahan ko lang si coach para tanungin kung ano'ng oras tayo sasalang bukas," sambit ko sa kaniya. Ibinigay ko sa kaniya ang aking bag at nagmamadali na tumakbo pabalik sa studio.
Pagpasok ko sa loob bigla akong napahinto dahil napakatahimik sa loob dahil kasalukuyan na naka-on air. Dahil sa oras na naka-on air kailangan tahimik lang sa paligid dahil merong chance na maririnig sa loob ang lahat ng ingay sa labas.
Hindi ko naman alam pero bigla na lang akong napahinto ng marinig ko ang kakaibang tinig na ngayon ko lang naririnig. Pumasok ako sa loob ng studio at isinarado ang pintuan sabay sinilip kung sino ang tao sa loob.
Pero kahit ano'ng gawin ko ay hindi ko makita ang tao dahil merong harang na siyang pumipigil kung sa akin na makita ang tao sa loob.
"Oh, andito ka Princess, may nakalimutan ka ba?" bulong na taning niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya sabay napailing-iling.
"Ay meron lang po akong itatanong kung ano'ng oras po kami ni Jenelle bukas?" tanong ko sa kaniya.
"Oo nga pala nakalimutan kong sabihin, pumunta kayo bukas ni Jenelle ng five am," saad niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Bigla naman akong napatigil nang biglang kumanta ang lalaki sa loob na siyang umagaw ng atensyon naming lahat.
"Ah coach may tanong lang ako, sino po yung tao sa loob?" tanong ko sa kaniya, "ngayon ko lang po siya narinig dito," sambit ko.
"Bago lang siya dito," sambit ni coach sa akin, "actually hindi ko pa alam ang pangalan niya dahil surname lang naman ang binigay niya sa akin something like San Jose, yeah San Jose ang surname niya," sambit sa akin ng coach. Napatango-tango naman ako sabay napatingin doon.
"Alam mo meron siyang potential sa ganitong bagay, ang kaso mahiyaing bata. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pang mahiya kung merong ganong kagwapo na looks at ganiyan ka ganda ang boses," sambit niya sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniya sabay napatango-tango.
"Ikaw nga ang s'yang hanap-hanap~ Kay tagal na ako ay nangarap~ Lumuluhod, nakikiusap~ Ako ay mahalin mo, sinta~ Ikaw nga ang s'yang magbabago~ Sa akin, sa aking buhay~ Handang iwanan ang lahat~ Upang makapiling ka, sinta, oh~"
Kanta na naririnig ko sa kaniya. Hindi ko alam pero ang ganda ng boses niya, parang kahit sino kayang-kaya niyang bihagin gamit lang ang boses niya.
"Hahanga ka talaga sa kaniya pag nakilala mo siya in person. Sobrang bait," saad niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi sa akin.
"Sige po, I'm looking forward to meet him," saad ko sa kaniya, "una na po ako coach," saad ko sa kaniya at naglakad paalis. Ngunit bago ako umalis napatingin muli ako sa lugar kung asaan siya.
Feeling ko babaero 'yang ganiyang mga lalaki, mabilis maka-fall eh.
Natawa na lang ako dahil sa aking naiisip sabay naglakad palabas ng studio at pinuntahan si Jenelle.
Habang naglalakad ako sa papalapit sa cafeteria nagulat ako na padami nang padami ang mga tao sa paligid na para bang maykaguluhan sa loob. Hindi ko naman alam kung ano'ng meron pero gumawa ako ng paraan para makadaan papasok sa loob ng cafeteria at makita kung ano ang nangyayari.
Nang makapasok ako sa loob nagulat na lang ako ng makita si Jenelle na hawak-hawak ang isang baso habang nakatingin kay Romeo. Nanlaki naman ang mga mata ko na makita ko si Romeo na basang-basa.
"Masaya ba?" tanong ni Jenelle. Napalunok ako at dali-daling pumunta sa kanila.
"Hindi ko naman alam na iyan lang ang ipag papalit mo sa kaibigan ko," sambit ni Jenelle.
"Jenelle enough," sambit ko sa kaniya. Bigla naman napatingin sa akin si Jenelle dahil sa aking sinabi.
"Andito ka na pala Princess, tignan mo 'tong boyfriend mo... I mean ex-boyfriend hindi ko naman alam na papatol pala iyan sa kambing," saad ni Jenelle sabay tingin sa babae na katabi ni Romeo.
"Ganon ba talaga ang pagmamahal mo sa akin Princess?" tanong niya sa akin.
"Excuse me?" biglang sabi ko sa kaniya.
"Hindi ko alam pati ang kaibigan mo kailangan mo pang ipasugod sa akin dahil lang sa nangyari sa ating dalawa. Diba in the first place ikaw naman yung nagsabi sa akin na ayaw mong sundan kita," saad niya sa akin.
"Alam ko, pero hindi ko sinabi kay Jenelle sa sundan ka dito para sa ganong bagay ang kapal din naman ng mukha mo," saad ko sa kaniya, "isa pa wala naman na akong paki kung mas mahal mo 'yang babae na iyan. I'm done with you," sambit ko sa kaniya.
"Tara na Jenelle," saad ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay ni Jenelle at hinatak siya paalis sa cafeteria. Bigla naman akong napahinto ng makita ko sa kabilang daanan si Richard na nakatingin sa akin at nakangiti.