Justin Tyler's Point of View Habang kumakain ako, nagtataka ako kung saan pupunta si Princess ng ganong oras. "Jenelle alam mo ba kung saan pupunta si Princess?" Tanong ko kay Jenelle, pero nag kibit balikat lang siya at itinuloy ang kanyang ginagawa. "Bakit Justin may problema ba?" Tanong saakin ni Jd, tumingin ako sa kanya ng may halong kaba. "Wala lang para kasing may mali eh." Saad ko sa kanya. "Baka naman mag babanyo lang ito naman wag kang kabahan, para namng may gagawin siyang masama eh." Sabi sakin ni Jd, lumayo siya saakin at muling bumalik sa kanyang ginagawa. Inubos ko ang pagkain na binigay ni Princess saakin bago ko ito itapon sa basurahan. "Justin pwede ba ako pakuha ng design sa room sa taas? May nakalimutan pa kasi ako doon eh." Saad ni Jana, tumango ako sa kanya

