(NOW PLAYING: SOFA BY JUNGKOOK) Princess Point of view Ang daming mga tanong na gumabagabag saakin ngayon. Ngayon lang nag sink in saakin ang lahat ng nangyari saamin ni Justin kanina. "Uyy ano ba yan kakain ba kayo o hindi?" Biglang tanong ni Jenelle sakin, napaangat ang ulo ko at nakita ko si Justin na nakayuko lang habang sila Jenelle at Jana ay kumakain. "Kanina pa kayong ganyan, ano bang nangyari?" Tanong ni Jana saamin, umuling iling nalang ako sa kanila sabay kumuha ng plato para kumain. "Justin ikaw? Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Jenelle kay Justin. Biglang umangat ang ulo niya at bigla akong sinulyapan, napaiwas ako sa tingin niya at tumuon nalang sa pagkain sa harapan. "Hindi muna siguro, wait may kukunin lang ako sa taas." Sabi ni Justin, tumayo siya sa kinatatayuan niya

