Princess Juliana's Point of View "PRINCESS!!" Biglang tawag saakin ni Justin mula sa likod ko. "Justin?" Saad ko, onti onting lumapit si Justin saakin bago magsalita. "Princess may ibibigay lang ako sayo." Sabi niya. "Ano yon?" Tanong ko naman, bigla niyang kinuha ang isang papel sa kanyang bulsa at inilahad ito saakin. Nagtaka ako kung ano iyon kaya napatingin ako sa kanya na may kunot sa mga noo. "Ahh ticket sa Enchanted Kingdom tara punta tayo." Hiyang sabi niya, bigla siyang napahawak sa kanyang leeg at tumingin sa ibang lugar upang iwasan mapatingin saakin at hindi ko makita ang nahihiya niyang mukha. Tinignan ko si Jenelle at grabe na ang titig niya dito ng masama. Siniko ko si Jenelle upang hindi na niya ipagpatuloy ang masamang tingin kay Justin. "Uy ano ba yang ginagawa mo Jenell

