"I HATE that girl," mahinang turan ni Riven sa sarili.
Una niyang nakilala si Payton Sarmiento sa freshman orientation nila mahigit tatlong taon na ang nakakaraan. Ito ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa entrance exam ng unibersidad nila. Bago pa magsimula ang orientation ay ipinakilala muna ito ng chancellor sa lahat ng freshman na nando'n. That fat guy was so damn proud na halos kalahating oras yata nitong ipinapangalandakan ang lahat ng accomplishments ng babaeng 'yon. Sa pagkakatanda niya, for the past years, the entrance exam was always dominated by scholarship students, kaya naman tuwang-tuwa ang chancellor na ang nakakuha ng pinakamataas na marka ng taon na 'yon ay hindi isang scholar. Just goes to show how much that fat guy favored rich students.
Kaya nga hindi niya talaga gusto ang matabang chancellor na 'yon, but for some unknown reason, he resented Payton Sarmiento more. Siguro dahil hindi lang talaga niya gusto ang mga kagaya nito, goody two-shoes who loved to please the people around them, mga nagpapakaperpektong tao na akala mo hindi kayang gumawa ng mali. Even though in truth, they're all nothing but hypocrites.
Or maybe, he just simply hated the way she smiles. Ang pekeng ngiting 'yon na laging nakapaskil sa mga labi nito. A smile that always lacked warmth and happiness. Hindi niya maipaliwanag pero nag-iinit talaga ang ulo niya sa tuwing nakikita niyang ngumingiti ang babaeng 'yon.
Labis siyang nagulat kanina nang ito ang una niyang nasilayan nang imulat niya ang kanyang mga mata. Akala niya nung umpisa ay nananaginip lang siya. But when her aristocrastic face remained there looking at him intently as if studying his face, agad na nagsalubong ang mga kilay niya. Sa loob ng mahigit tatlong taon nila dito sa university, mabibilang lang niya sa daliri ang mga pagkakataon na nagkaro'n sila ng interaction sa isa't-isa. Kaya talagang hindi niya inaasahan na makita itong nakatayo doon sa harapan niya.
They never really knew each other personally. Kilala lang niya ito the same way na kilala siya nito, through their reputations. She was famous all throughout the whole campus dahil sa napakadami nitong academic achievements. Bukod pa do'n, sa buong kasaysayan ng St. Griffin, ito ang pinakabatang naging presidente ng student council. It was not an easy feat, since ang kalahati ng boto para manalo sa pagiging presidente ay magmumula sa chancellor at sa mga board members. Ibig-sabihin lang, they found her very capable.
Sa kabilang banda, sigurado siya na kaya lang siya kilala nito ay dahil sa masama niyang reputasyon. He has a foul temper and he doesn't have any control over it. Kaya naman whenever he had an argument with someone, it usualy ends up into a full-blown fight. Hindi niya kasi talaga gusto when other people were forcing their own opinion on him. He doesn't like to be restrained, he doesn't like to be controlled.
Naalala niya yung sinabi ng dalaga kanina tungkol sa pag-vo-volunteer daw niya sa medical mission ng student council. Volunteer my ass, inis na singhal ng utak niya. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng pwedeng ipagawa ng professor na 'yon para lang ipasa siya nito sa subject nito, ang pagsama pa sa medical mission ng student council ang napili nito.
Naalala naman niya ang mukha ni Payton, those cold marble black eyes and that fake smile. Napailing siya. Mas gugustuhin pa niyang matulog kesa sa makasama ang babaeng 'yon. Tiyak kasi niyang minu-minuto lang siyang maiinis dahil minu-minuto rin niyang makikita ang pekeng ngiti nito.
Bakit ba hindi na lang kasi ito ngumiti ng normal? Marahas niyang ipinilig ang ulo. Why does he care anyway? Hindi, wala siyang pakialam dito. He just really hate fake people, fake people like his parents, and like her. Tama, 'yon lang 'yon. At hindi dahil sa gusto niyang makita ang tunay na ngiti nito.
Naglakad na siya at lumabas ng library, tuluyan nang nawala ang antok na nadarama.
KASALUKUYANG nasa clubroom ng student council si Payton at inaayos ang forms na kailangan para sa medical mission nila. Sa susunod na buwan na kasi 'yon kaya kailangan na niyang gawin ang mga kailangang ipasa sa Office of Student Affairs, pati na rin ang permit na kailangan nilang papirmahan sa munisipyo ng lugar na balak nilang puntahan. Hindi lang 'yon, kailangan din niyang asikasuhin ang insurance ng mga student volunteers. Hindi naman kasi sila pwedeng pumunta sa isang malayong lugar ng wala man lang insurance ang mga estudiyanteng sasama.
She arranged the papers in front of her properly at saka binalingan ang ilan pang officers na nando'n at kasama niya. "Nasaan na nga pala 'yong mga waiver ng student volunteers? Kailangan ko na rin 'yon today."
"Kinokolekta na ni Kaelyn," sagot ng head ng finance committee na si Lisa.
Halos pigilan niya na mapakunot ng noo dahil sa naging sagot nito. "I thought ikaw ang inutusan ko na gawin 'yon."
"Nagpumilit siya na siya na lang daw eh, so ayun, hinayaan ko na."
What a load of bullcrap, nasaisip niya.
Si Kaelyn Anzures ang secretary ng student council. She was a painfully shy girl who if ever given a choice ay baka mas piliin pa nitong manatili na lang sa bahay kesa pumasok sa eskwelahan. Ganoon ito kamahiyain. Kung hindi nga lang siguro ipinilit dito ang posisyon bilang secretary ay malabong magkusang-loob ito na sumali sa student council. The chancellor was the one who insisted on giving Kaelyn the position, anak kasi nito ang dalaga.
Maliban sa pagiging sobrang mahiyain nito ay wala naman siyang maiireklamo sa trabaho nito bilang secretary. 'Yon nga lang kadalasan ay kinakawawa ito ng ilan pang mga officers, inilalabas kasi ng mga ito dito ang frustrations ng mga ito sa chancellor. Ang problema pa, ni hindi man lang nito kayang ipagtanggol ang sarili. Kaya naman sa bandang-huli ay naging secretary/errand girl na ang naging trabaho nito sa student council. Sinubukan niya itong tulungan nung umpisa, pero nagsawa na rin siya. Wala naman kasi itong ginagawa para mabago ang trato dito ng iba.
Kaya sigurado siya na ipinasa dito ni Lisa ang trabaho nito. Napabuntung-hininga na lang siya. Tumayo siya sa kinauupuan at nagplano nang umalis.
"Saan ka pupunta, pres?" tanong ng isa.
Lumingon siya dito at ngumiti. "Pupuntahan ko lang si Kaelyn."
Pagkawika no'n ay lumabas na siya ng clubroom nila. Kung hahayaan niya si Kaelyn na mangolekta ng waiver, baka abutin na sila ng isang taon ay hindi pa rin ito tapos. Ang mga waiver pa naman ang pinakaimportante sa lahat ng kailangan niyang ipasa. Bawat isang student volunteer ay binigyan ng tig-iisang waiver, kailangang papirmahan ng mga ito 'yon sa kanya-kanyang magulang o guardian ng mga ito. Ang isang waiver na may pirma ng magulang ay nangangahulugan na pinayagan ang student volunteer na sumama sa medical mission nila.
Hindi pa man siya nakakalayo sa clubroom nila ay nakita na niya ang hinahanap. Nakatalungko ito at isa-isang dinadampot ang mga nagkalat na papel sa paanan nito, nasa harapan naman nito si Jax at tinutulungan ito. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ang binata doon. Agad naman siyang lumapit sa mga ito at tumulong.
"S-salamat," wika ng dalaga matapos nilang ibigay ni Jax dito ang mga papel na dinampot nila. Agad itong nagbaba ng tingin, kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Pinipilit ko kasi siya na ako na lang ang magdadala nung mga dala niya, kaya ayan, nalaglag tuloy yung mga papel dahil sa pag-aagawan namin," sagot ni Jax.
Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ng kaibigan. "Hindi mo dapat pinilit si Kaelyn."
"N-no," umiiling na wika ni Kaelyn. "Masyado na siyang madaming naitulong sa 'kin ngayong araw, a-ayoko lang na maabala pa siya."
"Don't say that," mabilis na wika ni Jax na agad na bumaling sa dalaga. "Masaya ako na natulungan kita, and I just want to help you more."
Kung mapula na kanina si Kaelyn ay mas lalo pa itong namula dahil sa sinabi ni Jax. Napailing na lang siya. Masyado talaga itong mahiyain. "Sinabi sa 'kin ni Lisa na ikaw daw yung nangolekta ng mga waiver, meron na bang student volunteer na nagpasa sa 'yo?" tanong niya kay Kaelyn.
Sa pagkabigla niya ay marahan itong tumango. Buong akala pa naman niya ay wala itong nakolekta ni isa man lang na waiver. "T-tinulungan ako ni... ni J-jax."
Bumaling siya sa kaibigan, abot-teynga ang pagkakangiti nito. So ito pala yung tinutukoy kanina ni Kaelyn na tinulungan daw siya ni Jax. Kung tinulungan ito ng binata, hindi malabong nakumpleto na nito ang mga waiver. "I see. Then, may I assume na kumpleto na ang lahat ng waivers?"
"Almost, well, I mean may isa pang kulang," wika ni Jax na siya nang sumagot sa tanong niya. "And I think kaya mo nang hulaan kung kanino ang kulang na 'yon."
Isang marahas na buntung-hininga ang pinakawalan niya. Yes, kilala na agad niya kung sino pa ang hindi nagpapasa ng waiver. Sa sobrang abala niya nitong mga nakaraang araw, nawala na sa isip niya ang isa pang bagay na dapat niyang problemahin. Si Riven De Guzman. Alam naman niya na hindi ito agad makikipag-cooperate sa kanila, but she was already given the task of making that guy join their medical mission at wala na siyang ibang choice kundi gawin 'yon. Muli na lang siyang napabuntung-hininga.
"Okay, ako na lang ang bahala do'n. Kaelyn, pakidala na lang ng mga waiver sa clubroom," aniya.
"S-sige." Sinulyapan muna nito si Jax bago sila nito tuluyang iniwan.
Bumaling siya sa kaibigan. "Bakit tinulungan mo si Kaelyn na kolektahin yung mga waiver? Don't get me wrong, hindi ko naman sinasabi na mali ang ginawa mo, nagtataka lang ako. I mean, I know na matulungin ka pero hindi ikaw yung tipo na mag-e-exert ng gano'ng kahabang time para lang tulungan ang isang tao. And believe me, alam ko na natagalan kayo sa pangongolekta ng mga 'yon."
Nagkibit-balikat lamang ito. "I have my reasons. So, gusto mo ba na tulungan din kita na kunin kay Riven yung waiver niya? I'm kind of friends with him."
Hindi na lang niya pinansin ang halatang pagbabago nito sa usapan at nagwika, "You're friends with everyone. Anyway, kaya ko na 'to. But you can tell me kung saan ko siya makikita para naman hindi ko na siya kailangan pang hanapin."
"I don't really know, but why don't you try the greenhouse. I think madalas siyang nando'n kapag may klase siya na ayaw niyang pasukan."
"And you know this, why?"
Isang malawak na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "My friend, I know a lot of things."
Naiiling na iniwan na lamang niya ito at tinahak na ang daan patungo sa greenhouse.
MAY ISANG greenhouse ang St. Griffin, karamihan ng mga halaman na nando'n ay mga exotic plants na nagmula pa sa iba't-ibang parte ng mundo. Napahinto si Payton sa paglalakad nang makarating siya sa tapat ng naturang lugar. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya sa kung ano ang posibleng ginagawa ni Riven sa loob ng lugar na 'to. Pero ano nga bang pakialam niya sa kung anong ginagawa nito? He can be on outer space and she wouldn't give a damn. At nagpasya siyang pumasok na lang sa loob.
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Ang tanging nakikita lang niya ay ang napakadaming mga halaman at mga bulaklak. Naglakad pa siya papasok, patungo sa mga malalagong na halamanan, until she saw those particular shoes. Natagpuan na niya ang hinahanap. Agad siyang naglakad patungo doon, and then she saw him, lying there without any care in the world.
Of course he's sleeping again. Muli ay hindi na naman niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito. It's been, what, a week since their last encounter in the library? At kagaya nung huling beses, hindi na naman niya mapigilan na ikumpara ang natutulog nitong mukha sa isang anghel. Pero mabilis din niyang pinalis ang iniisip. Balak na sana niyang tumikhim ng malakas para gisingin ito, pero bago pa niya magawa 'yon ay agad nang bumukas ang mga mata nito. As if he sensed that she was there.
Kagaya ng inaasahan, nagsalubong na naman ang mga kilay nito. He stood up lazily and smirked at her. "Is it becoming a hobby of yours to watch me sleep? Because let me tell you, that's really weird. Even for you."
Inaasahan na niya ang gagawin nitong pambubuska sa kanya, kaya naman hindi na siya masyadong naapektuhan sa sinabi nito. "Of course not. May nakapagsabi sa 'kin na nandito ka daw, so I went here to ask you kung napapirmahan mo na yung waiver mo para sa medical mission. Para naman makuha ko na and maipasa na namin. So, do you have it?"
Ipinasok nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito. "What? That piece of crap? Sa tingin ko naitapon ko na 'yon sa kung saan," parang wala lang na wika nito. "You should know by now na wala akong balak na sumama sa walang kwentang medical mission na 'yan. So why don't you just scram off and leave me the hell alone."
Nagpanting naman ang teynga niya dahil sa sinabi nito. Walang kwenta? Madaming natutulungang tao ang medical mission nila tapos sasabihin lang nito na walang kwenta 'yon? She was starting to see red because of that. Calm down Payton, count to three and calm down. One, two, three... "Don't say that. Requirement mo para maipasa mo yung isa mong subject last semester ang pagsama sa medical mission, right? You will surely be held back a year if you will not abide," malumanay niyang wika. "I'm sure you don't want that," dugtong pa niya, pilit na umaasa na sasang-ayon ito sa kanya kahit pa nga alam niya na imposible yung mangyari. Well, it wouldn't hurt her to try. "Kaya bakit hindi ka na lang makipag-cooperate?" nakangiting tanong niya dito.
Sa pagkagulat niya ay bigla na lang nitong ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. She felt a sudden jolt of electricity because of the sudden contact. Waring naglakbay 'yon mula sa mga palad nito patungo sa pisngi niya and then it traveled down her body. Dagli siyang nanigas sa kinatatayuan. Wala siyang ibang nagawa kundi tumitig dito. Dahil sa pagkakalapit nila ay noon lang niya napansin ang kulay ng mga mata nito. An impossible brown and she can't even look away from it.
Bigla ay noon lamang niya napansin ang ekspresyon ng mukha nito. He was angry. At sigurado siyang sa kanya nakadirekta ang galit na 'yon. Kung bakit, ay hindi niya alam.
"Don't you ever smile at me again," wika nito, his voice dripping with anger. "Dahil kung hindi, sa susunod, I will definitely wipe it off of your face."
Kahit hindi niya gusto ay bigla siyang nakaramdam ng takot, because he was unmistakably threatening her. Nabasa siguro nito ang iniisip niya dahil bigla na lang itong humagalpak ng tawa.
"Oh don't worry, wala akong balak na saktan ka. Kahit naman ganito ako, hindi naman ako nanakit ng babae. All I'm going to do is," inilapit nito ang bibig sa teynga niya and whispered, "to kiss the hell out of you until you don't ever want to smile again."
Binitiwan na nito ang mukha niya at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.
Bigla naman siyang napaupo, tuluyan nang bumigay ang mga tuhod niya. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Natitiyak niyang pulang-pula na ang mukha niya ngayon. Her heart was beating furiously inside her chest to the point na pakiramdam niya ay sasabog na 'yon. All because that guy said those crude things to her. Napapikit siya at pilit na kinalma ang sarili. Pero kahit na anong gawin niya patuloy pa rin sa pagwawala ang kanyang puso.
She clenched her teeth in anger. "I really hate that guy!"