bc

Knowing Little Miss Perfect

book_age0+
4.3K
FOLLOW
31.6K
READ
badboy
goodgirl
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Payton Sarmiento is the president of St. Griffin University's student council. She is smart, pretty, and a natural leader. Halos lahat ng estudiyante sa unibersidad nila ay hinahangaan siya. Everyone thinks she can't do anything wrong. Everyone thinks she's perfect. But that's where they're wrong. Dahil para sa kanya ay isa lang siyang de susing manyika na hindi gagalaw kung hindi sususian. She's nothing but a fake and a fraud.

Riven De Guzman is a delinquent with a temper that can even rival that of a mad dog's. Hindi pumapasok sa klase, hindi nagdadalawang-isip na pumasok sa gulo, at iniiwasan at kinatatakutan ng iba pang estudiyante. A natural rule-breaker. That's him. But beneath his tough exterior lies a sad boy who just needs love and understanding. A boy who is full of anger and hate.

Dahil sa isang hindi maiiwasang pangyayari, napilitan si Payton na bantayan si Riven. Kahit pa nga pareho nilang hindi matagalan ang isa't-isa. Payton hates his irresponsible nature, Riven hates her fake smiles. Pero sa kabila no'n, hindi man nila sinasadya, they still found sanctuary with each other's company. They found the peace that they were always looking for. Pero anong gagawin nila kung pati ang nararamdaman nila para sa isa't-isa ay unti-unti na ring magbago?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
NGALI-NGALI nang simangutan ni Payton ang chancellor ng unibersidad na pinapasukan. Nando'n siya ngayon sa opisina nito at nakikinig sa walang basehan nitong mga demand.  "With all due respect, sir, I think what you're asking of me is quite impossible," aniya. "Considering kung sino po ang pinag-uusapan natin dito."  "Yes, I know Mr. De Guzman can be quite a handful pero naniniwala ako that with the right guidance, he can learn to be responsible."  Responsible my ass. Mas malaki pa yata ang tsansa na bumagsak siya sa isang subject kesa sa maging responsable ang lalaking 'yon. And that's already saying something. Because she never fails and that's a fact.  "Kailangan mo lang naman siyang isama sa medical mission program ng student council," dugtong pa nito.   "Pero sir, lahat po ng kasama sa medical mission na 'yon ay mga student volunteers. I highly doubt na mag-vo-volunteer siya para sumama sa 'min."  "Hindi mo na kailangan pang alalahanin 'yon. One of his professors last semester already made this a requirement para maipasa niya yung subject nito, kaya naman hanggang ngayon nananatili pa ring incomplete ang grade niya para sa subject na 'yon. So if he will not abide, then wala nang magagawa pa ang professor niya kundi ibagsak siya. So, all you have to do is guide him and everything will be fine."  She almost snorted at that. Huminga muna siya ng malalim bago binigyan ng isang matamis na ngiti ang chancellor. "Yes, kagaya po ng sinabi niyo, magiging maayos lang ang lahat. I'll make sure of it."  "Maaasahan ka talaga, Payton. Then I'll leave everything to you."  Pagkatapos magpaalam ay lumabas na siya kaagad ng opisina nito. She let out an exasperated sigh. Kung siya lang ang masusunod ay isang malaking 'hindi' agad ang isasagot niya sa chancellor. Wala namang kaso sa kanya kung isa lang ordinaryong estudyante ang gusto nitong ipasama sa medical mission nila, in fact matutuwa pa nga siya because they really needed all the help they could get. But no, they were talking about Riven De Guzman, ang self-proclaimed delinquent and all-around badboy ng buong university.   Nangunguna siguro ito pagdating sa mga tao na hindi man lang marunong sumunod sa mga school rules. Minsan lang ito kung um-attend ng klase at madalas rin niya itong nakikitang nakikipagtalo sa ibang estudiyante. Hindi rin alintana sa kanya ang mga bali-balitang madalas itong napapaaway sa mga estudiyante ng ibang University. Ang nakakainis pa do'n, he can get away with all of that because of the simple fact na anak ito ng isa sa mga board members. Ang pamilya nito ang isa sa mga nagbibigay ng pinakamalaking donasyon sa unibersidad nila kaya naman sa kabila ng lahat ng problema na dinadala nito ay hindi pa rin ito ma-expel-expel.  She really hated people like that. Mga spoiled brat na gumagawa ng sarili nilang problema para lang masabi na may problema sila. Dapat magpasalamat na lang sila na pinanganak silang mayaman. Hindi ba nila alam kung gaano sila kaswerte? Other people would die just to be rich. Don't get her wrong, wala naman siyang galit sa mga taong mayayaman. In fact, her family was quite well-off. Nagmamay-ari ng isang pribadong ospital ang pamilya nila. Naiinis lang talaga siya sa mga tao na hindi na lang makuntento sa kung anong meron sila. A bitter smile crossed her lips. O baka naman naiinis siya because she used to be like them. Isang spoiled brat na gagawin ang lahat para lang makuha ang atensiyon ng mga magulang.   Muli na naman siyang napabuntung-hininga. Sa puntong ito, wala na talaga siyang magagawa kundi sundin na lang ang pinapagawa ng chancellor. Ano pa bang iba pa niyang pagpipilian? Saying 'no' to the chancellor would only ruin her perfect image. Her image as a perfect student and a perfect daughter. Kapag may narinig ang nanay niya na kahit isang bagay na hindi maganda tungkol sa kanya, tiyak na magwawala na naman ito. And that's the last thing she needed right now.  Nagdesisyon na siyang lumabas ng building.   St. Griffin University ang pangalan ng unibersidad na pinapasukan niya. It was located on a vast landmass in Sta. Rosa, Laguna. Isa 'yong pribadong unibersidad na tanging mayayaman lamang at may-kaya sa buhay ang nakakapasok. Because they're the only ones who can afford it. Ang halaga ng tuition fee nila sa buong semestre ay maaari nang magpakain ng libu-libong nagugutom na Pilipino. Pero wala naman siyang mairereklamo sa klase ng edukasyon na ino-offer nito. Despite being expensive, it's still one of the best university in the country.  Kumpleto ito sa mga state of the art facility, an olympic size swimming pool, a football field, a tennis lawn, a large gymnasium, isang malaking cafeteria at mga computer lab, lahat ng kailangan nila ay nandito na. Kung meron man siguro siyang maiireklamo, it's the unspoken rule here in this university. Money is everything. Ang lahat ng bagay dito ay pinapatakbo ng pera. The richer you are, the more respect you get. Kaya nga nagagawa ng Riven De Guzman na 'yon ang lahat ng gustuhin nito.  Kung siya ang tatanungin, the people who desserved more respect were those scholarship students. Pero sa eskwelahang ito, sila pa 'yong mas kawawa. Kaunti lang ang nakakatagal sa mga ito dahil na rin sa pam-bu-bully ng ibang mga estudiyante. The teachers turned a blind eye on it, wala ni isa man sa mga ito ang gustong makialam. She's really no better than them. Dahil sa kabila ng posisyon niya bilang student council president, wala din siyang magawa para tulungan ang mga ito.  Because the simple fact was, despite everything, she's nothing but a coward. PAGKAGALING ni Payton sa opisina ng chancellor ay dumiretso siya sa library. May tatlong oras pa kasi bago ang sunod niyang klase, kaya nagdesisyon muna siya na gawin ang scientific paper niya para sa Botany class niya. She was taking up B.S. Biology, nasa ikahuling taon na siya at sa susunod na semestre nga ay ga-graduate na. Then she will go to Med School at kapag nakatapos na siya at nakapasa sa board exam, she will work at their family's hospital. And someday, she will be the one running that hospital. Nakaplano na ang lahat, all she had to do was to follow the plan.  Ipinilig niya ang ulo, pilit na itinutuon ang pansin sa librong binabasa. Kung patuloy lang niyang iisipin ang mga bagay na naiisip, tiyak na malulungkot lang siya. Maiisip lang niya ang kawalan niya ng kontrol sa sariling buhay and that her mother controlled everything. Kasalanan naman niya kung bakit humantong siya sa ganito. Kung bakit humantong sila sa ganito ng ina. Wala siyang ibang magagawa kundi gawin at sundin ang bawat gustuhin nito. And to never make her disappointed. Because if she did otherwise, walang pakundangan nitong ipapaalala sa kanya ang isang kasalanan na habang buhay na yata niyang pagbabayaran.   Naputol ang kanyang pag-iisip nang may bigla na lang humila sa upuan na katabi ng sa kanya. Lumingon siya at umupo sa tabihan niya ang tanging tao sa mundong ito na itinuturing niyang kaibigan. Si Jacinto Legazpi o Jax para sa malalapit nitong kaibigan. Pawisan ito at nakasukbit sa likudan nito ang isang tennis bag. Mukhang kagagaling lang nito sa PE class nito.  "Sabi ko na nga ba at nandito ka lang. Kanina pa kita tinatawagan hindi mo naman sinasagot," wika nito.  "Naka-silent ang phone ko," sagot niya. "May kailangan ka ba sa 'kin?"  "Nothing in particular. Yayayain lang sana kitang mag-lunch."  "I'm kind of busy here, iba na lang ang yayain mo. I'm sure madaming magkakandarapa d'yan na makipag-lunch sa 'yo."   Totoo naman 'yon. Ito na yata kasi ang pinaka-friendly na tao na nakilala niya. People just flock to him like bees. Partikular na ang mga kababaihan. Well, hindi naman niya masisisi ang mga ito. Nobody can really resist his boyish charms. Even she fell prey to that, because once upon a time, she too had a huge crush on him. Pero hindi naman nagtagal 'yon, dahil naisip rin niya agad na ang paghanga na nararamdaman niya para dito ay platonic lang.  They've been friends ever since she can remember. Sa iisang village lang sila nakatira at ang bahay ng mga ito ang pinakamalapit sa bahay nila. Mula elementary hanggang ngayong kolehiyo ay sa iisang paaralan lang sila pumasok. Kaya naman malapit talaga siya dito. Dito lang niya nagagawang ipakita ang tunay na siya. The real Payton and not the perfect daughter and model student everyone thought she was.  "Ikaw ang niyayaya ko, kaya halika na. Kanina pa 'ko nagugutom eh," pangungulit nito.  "Jax, wala ako sa mood na makipagkulitan sa 'yo. Kaya kung nagugutom ka na, then feel free to leave."  Sa halip na umalis ay nangalumbaba lang ito at mataman siyang pinagmasdan. "May nangyari ba nung ipatawag ka ni chancellor kanina kaya wala ka sa mood ngayon?"  Napabuntung-hininga siya. "You don't know the half of it." At natagpuan na lang niya ang sarili na ikinukwento dito ang napag-usapan nila ng chancellor. "Imagine, sobrang busy ko na nga with my subjects and the student council work tapos kailangan ko pang i-baby sit ang troublemaker na 'yon. Not to mention, I need to do that on one of my most important project. Sino bang hindi mawawala sa mood?"  Simula nang maging presidente siya ng student council, ang medical mission na ang isa sa naging pinakaimportante nilang activity every semester. Pumupunta sila sa mga liblib na lugar at mahihirap na communities para magbigay ng mga medical supplies pati na rin ng mga canned goods, bigas, at iba pang mga amenities. They also bring doctors para sa libreng check-up. And all of those were paid by the student council's fund, na mula mismo sa pera ng mga estudiyante ng unibersidad. Kasama kasi sa tuition nila ang pagbabayad para sa fund na 'yon. Well at least kahit paano may napupuntahang maganda ang perang binabayad nila.  The medical mission was like her legacy. Siya ang nagpasimula no'n at sigurado siya na kahit grumaduate na siya ay magpapatuloy pa rin ang activity na 'yon. Because thanks to their medical missions, unti-unti nang nawawala ang snob image ng university nila. Na hindi lang sila mga elitista, that they actually have hearts to give back to the less fortunate. Kaya natitiyak niya na hindi papayag ang chancellor na matigil ang mga isinasagawa nilang medical missions. Because apparently, maintaining a good image was very important to their chancellor.   Pero ngayon, she will definitely risk everything just by letting that Riven De Guzman join them. Hindi kasi malabo na gumawa na naman ito ng gulo. Ano na lang ang mangyayari kapag nangyari 'yon during their mission? It will definitely piss the hell out of her. She can't have a temper outburst. At 'yon ang mas ikinakatakot niya.  "Bakit naman kailangan pang sumama ni Riven para lang pumasa siya? He's been passing his subjects kahit pa nga hindi naman siya pumapasok, so what's the difference with this one?" takang tanong ni Jax.   "Because it's a new professor. Unang semester pa lang dito sa university nung prof niya sa subject na 'yon at apparently, he doesn't like lazy people. Kaya ibinagsak niya si De Guzman dahil madalas itong absent sa klase niya. But, as usual, hinikayat ng magaling nating chancellor yung professor to change his mind. And that's how they ended up with that deal. Na hindi niya ipapasa si De Guzman sa subject niya unless sasama ito sa medical mission."   "Wow, you're really in a bind."  "Tell me about it."  "Then I guess, I will leave you here to your suffering. Kakain na muna ako dahil kanina pa talaga nagrereklamo 'tong tiyan ko," wika nito na agad nang tumayo.  "Hey, pagkatapos kong sabihin ang problema ko sa 'yo ni hindi mo man lang ako babahagian ng kahit kaunting words of encouragement?"  "As if you ever listen to me. At isa pa, kailan ka pa nagkaro'n ng problema na hindi mo nagawang lusutan?"  Umarte siya na waring nag-iisip, then tumingala siya dito and gave him a cocky grin. "True enough."  Napatawa na lang ito at tuluyan na siyang iniwan.   Nagtagal pa siya sa library hanggang sa matapos niya ang ginagawa niyang paper. Then inayos na niya ang mga gamit niya, she picked the Botany book she took from one of the shelves at tumayo na para ibalik ang libro sa lagayan nito. Aalis na sana siya matapos niyang ibalik ang libro nang may mapansin siya. Mula sa kinatatayuan niya, he saw a pair of shoes sticking out behind the last bookshelf. Na para bang kung sinumang may-ari no'n ay nakahiga at nagtatago sa likudan ng naturang bookshelf.  She should just leave but her curiousity got the best of her at natagpuan na lang niya ang sarili na naglalakad palapit sa bookshelf. And when she got there, hindi niya malaman kung ano ang dapat na maging reaksiyon nang mapagsino niya ang taong nakahiga doon at prenteng natutulog. With his black hair that reached past his shoulder and clad with leather jacket and tattered pants, it was none other than Riven De Guzman.  Dapat ay umalis na siya pagkakita pa lang dito, pero sa halip ay nanatili lang siyang nakatayo doon. Para bang ipinako ang mga paa niya sa kinatatayuan at hindi niya magawang ialis ang mga mata sa natutulog na lalaki sa harapan. Ngayon na nagkaroon siya ng pagkakataon na mapagmasdan ito, she must admit, the bastard was really good-looking, in that rougish kind of way. Matangos ang ilong nito, has high cheekbones, and a sexy cleft chin. Sa katunayan nga, mukha itong isang anghel sleeping innocently like that but she knew he was the exsact opposite of it. A devious little bastard na walang ibang alam kundi maghanap ng away and make a mess out of everything. Tiyak na wala itong magandang gagawin sa medical mission nila. Sa isiping 'yon ay muli na namang umahon ang inis na nadarama niya.   Balak na sana niyang iwan ito nang bigla na lang nitong iminulat ang mga mata. Napalunok siya nang magtama ang kanilang mga mata. Agad namang nagsalubong ang mga kilay nito pagkakita sa kanya. Dahan-dahan itong bumangon at bumaling sa kanya.  "Were you just watching me sleep?" tanong nito sa iritadong tinig.  Pilit naman niyang kinalma ang sarili bago nagwika, "Of course not, I'm just here to return a book to this shelf. Hindi ko naman akalain na nandito ka pala at natutulog."  "Talaga lang ha?" he smirked. "Then why do I feel like little miss perfect is lying?"  A muscle on her face twitched dahil sa terminong ginamit nito sa kanya. She absolutely hated it when other people call her that. Calm down Payton and count to three. One, two, three... And then she smiled at him. "Please, don't joke around. Kung gusto mong ipagpatuloy ang pagtulog mo, then I suggest humanap ka na lang ng ibang lugar. Baka kasi may makakita sa 'yong teacher dito," malumanay niyang wika dito. "Oh by the way, nasabi na nga pala sa 'kin ni Chancellor na nag-volunteer ka daw for our medical mission. Thank you for doing that, we really need all the help we could get. I hope we can work well together. Sige, maiwan na kita." Muli niya itong nginitian bago ito tuluyang tinalikuran.   Naglakad na siya palayo dito. Ang ngiti sa kanyang labi ay agad na naglaho and was immediately replaced by a deep scowl. Mas nadoble pa ngayon ang inis na nadarama niya. No, she was in fact seething in anger. Kung simpleng ganito pa lang ay halos pigilan na niya ang sarili para lang hindi magwala, paano pa kaya kapag nasa medical mission na sila? Napailing siya. It will definitely be a disaster, no doubt about it.  Pero habang palabas siya ng library, hindi niya magawang alisin sa isipan niya ang natutulog na mukha ng binata. That perfectly angelic sleeping face. Lalo lang siyang napasimangot at agad niyang pinalis ang iniisip. "I hate that guy."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
248.4K
bc

Taz Ezra Westaria

read
110.9K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.7K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook