CHAPTER FOUR

2445 Words
NAGSALUBONG ang mga kilay ni Riven dahil sa matagal na pananahimik ni Payton. Gano'n ba talaga kalakas ang pagkakabagsak nito at bigla na lang itong natahimik? Hindi naman niya sinasadya na mapalakas ang pagkakahatak niya sa braso niya na bigla na lang nitong hinawakan. Hindi lang kasi niya talaga gusto na bigla-bigla siyang hinahawakan.   "Hoy, ayos ka lang ba?" tanong niya dito.  Tatapikin na sana niya ang balikat nito nang bigla na lang umigkas ang kamay nito at mabilis na kumonekta ang palad nito sa pisngi niya. Parang biglang naalog ang utak niya dahil sa nangyari. Pakiramdam niya ay muntikan nang humiwalay ang ulo niya sa kanyang leeg dahil sa lakas ng pagkakasampal nito.  "What the fu--"  Hindi na niya naituloy ang kahit na ano pa mang sasabihin dahil bigla na lang nitong hinigit ang kwelyo ng suot niyang leather jacket. Ibinaba niya ang tingin at hindi siya makapaniwala sa nakikita. Payton has a scowl on her face and her usualy cold eyes were now burning with anger.   "Listen up, you jerk. Sa tingin mo ba gusto ko na sinusundan-sundan kita para lang pilitin ka na sumama sa medical mission namin? Of course not. Kung ako lang ang masusunod, hinding-hindi ako papayag na sumama ka sa amin, because you will just make a mess out of everything. At para sa kaalaman mo, wala akong pakialam sa 'yo. I don't give a single s**t on what you do. Pumatay ka man ng tao sa harapan ko ngayon, I won't give a damn. But sadly, malaki ang pakialam ko sa sarili ko. I won't let you jeopardize me dahil lang sa mga hung-ups mo sa buhay. Now, kung hindi mo papapirmahan ang waiver na 'to, then I will just do it myself."  Pabalang nitong binitawan ang kwelyo ng leather jacket niya at walang lingon-likod siyang iniwan. He was too stunned to move or even talk. Parang lahat ng salitang gustong lumabas sa bibig niya ay naipit na lang sa kanyang lalamunan. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng nakausap niya was the same Payton Sarmiento. That Payton who always do things perfectly, ang babae na akala mo hindi kayang gumawa ng mali. And that same girl just slapped him and cursed at him.  Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maging reaksyon ng mga oras na 'yon. Pero isa lang ang sigurado niya, he liked the raging female with her marble black eyes burning rather than the aristocratic little miss perfect that he was used to. Muli niyang naalala ang galit na galit na mukha ng dalaga. Napahawak siya sa pisngi na sinampal nito at hindi na niya namalayan ang pagsilay ng isang kakaibang ngiti sa kanyang labi.   At natagpuan na lang niya ang sarili na sinusundan ang tinahak na daan ng dalaga. PAYTON bit back a curse. She's done it. She really had done it. She had a temper burst, and of all people nanyari pa 'yon mismo sa harapan ng walanghiyang Riven na 'yon. Ipinagpapasalamat na lang niya na oras ng klase at mabibilang lang sa daliri ang mga estudiyante na nasa labas ng mga school building. Dahil kung nagkataon na may iba pang tao na nakakita sa ginawa niya kanina, tiyak na katapusan na niya talaga.  "s**t. Ano nang gagawin ko ngayon?" wala sa loob na tanong niya sa sarili.  "Why don't you start by telling me what the hell was that?" wika ng isang tinig sa may likuran niya.  Hindi na niya kailangang lumingon para lang malaman na sa lalaking kinaiinisan nagmula ang tinig na 'yon. Napapikit siya ng mariin. Bakit ba kailangan pa siya nitong sundan? "Go away," she grumbled at nagpatuloy na lang siya sa paglalakad.  Pero hindi pa man siya nakakalayo ay humarang na ito sa daraanan niya. "Baka nakakalimutan mo, you just slapped me."  Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ito ng masama. "And you rightfully deserved it."  Ilang sandali rin siguro siya nitong tinitigan bago nagwika, "Bipolar ka ba?"  Napatanga siya dito. "What?"  "Kung hindi mo kasi napapansin, you just did a complete 360 on me. Sinampal mo ako, sinigawan, minura, and now you're telling me that I deserved to be slapped. So unlike the little miss perfect everyone knows," wika nito na hindi man lang inaalis ang tingin sa kanya. Then he bent his head a little para magpantay ang tingin nila. Alam niyang hindi 'yon ang oras para mamula siya, but she did blush dahil lang sa nagtama ang mga mata nila. Ngali-ngali na niyang murahin ang sarili dahil do'n. "But perhaps, that feisty girl earlier was your true nature."  Napabuntung-hininga na lang siya. Kahit na sino naman kasing nakakita at nakarinig sa mga ginawa at sinabi niya kanina, ay iisipin na 'yon talaga ang tunay niyang ugali. Na nagpapanggap lang siyang laging kalmado para isipin ng mga tao that she have everything under control.   "So what if it is?" wika na lang niya, wala na rin namang saysay kung tatanggi pa siya. She will only make a fool of herself if she do.   Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi nito. "Then ano kayang iisipin ng mga estudiyante dito kapag nalaman nila that their esteemed student council president was just only pretending to be perfect?"  She can't help but to smirk, hindi makapaniwalang tinatakot siya nito. "Be my guest, go ahead and tell them. As if naman maniniwala sila sa isang kagaya mo."  Nakita niya ang pag-galawan ng mga muscles sa mukha nito, tanda na hindi nito nagustuhan ang mga sinabi niya. "At least I don't deceive anyone just to be liked and respected."  Para namang patalim na tumama sa kanya ang mga salitang binitiwan nito. Hindi naman sa gusto niyang linlangin ang mga tao sa paligid niya. Natutunan lang niya na itago ang kanyang emosyon to keep her temper at bay. Wala naman kasing magandang maidudulot kung paiiralin niya ang emosyon. Base na rin sa karanasan niya, her temper outburts ussualy do more harm than good.   "Piss off." Tinulak niya ito at nilampasan para maipagpatuloy ang paglalakad.  "Saan ka pupunta?" habol na tanong nito.  "I'd say it's none of your business pero dahil may kinalaman naman 'to sa 'yo, then I'll you." Nilingon niya ito bago nagpatuloy, "Pupuntahan ko ang mga magulang mo para pirmahan na nila itong waiver na ayaw mong papirmahan sa kanila. Kapag kasi aasa lang ako sa 'yo, baka abutin na tayo ng isang taon, hindi mo pa rin 'to napapapirmahan."  "Nagbibiro ka ba?"   "Mukha ba akong nagbibiro?"   "Akala ko ba wala kang pakialam sa 'kin? Then why are you so set on making me come to that stupid medical mission?" naiiling na tanong nito.  "Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ko sa 'yo kanina? Wala nga akong pakialam sa 'yo pero malaki ang pakialam ko sa sarili ko. Dahil sa ayaw ko man o sa gusto, ako ang maaapektuhan kapag hindi ka sumama sa medical mission namin," sagot niya gamit ang tono na para bang nagpapaliwanag siya sa isang bata. "At oo nga pala, the next time you call our medical mission stupid," tiningnan niya ito ng masama bago nagpatuloy, "I will beat the crap out of you."  Halata namang nagulat ito sa huli niyang sinabi, pero mabilis din naman itong nakahuma. "I don't think I can get used to that whole bipolar thing you're doing."  "Pwede ba, tigilan mo ang pagtawag sa 'kin ng bipolar?" inis na wika niya. Sa halip na sumagot ay bigla na lang nitong hinablot ang hawak-hawak niyang waiver. "What are you doing? Give that back!"  "Why should I? Hindi naman kita pwedeng hayaan na puntahan ang mga magulang ko para lang sa bagay na 'to."  "Sabi nang akin na 'yan eh!"  Sinubukan niyang bawiin dito ang waiver pero itinaas lang nito 'yon. At dahil di hamak naman na mas matangkad ito sa kanya, hindi niya magawang makuha 'yon dito. Tiningnan niya ito ng masama at isang nakakalokong ngiti lang ang binigay nito sa kanya. Lalo lang tuloy siyang nainis. Tumalon siya para hablutin dito ang papel pero mabilis lang nitong tinago 'yon sa likudan nito. Sinubukan pa rin niyang bawiin ang waiver hanggang sa mapansin niya na halos magkayakap na sila dahil sa pilit niyang pag-abot sa bagay na tinatago nito sa likudan nito.  Kusa siyang napatigil sa ginagawa at dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha hanggang sa tuluyang nagtama ang mga mata nila. Wala na ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito, instead he was now looking at her intently with those brown eyes. Bigla ang pagrigodon ng puso niya. She was now completely aware of how close their bodies were. She could faintly smell his scent, musky with a little twinge of sweat. Unti-unti na niyang nararamdaman ang pag-iinit ng pisngi niya. At bago pa nito makita ang kanyang pamumula ay agad na niya itong itinulak.  Tinalikudan niya ito. "Fine, don't give it back. There's still a lot of copy of that where it came from."  Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito. "Then I'll tell you this now, hindi mo gano'n kadaling mahahagilap ang mga magulang ko. But since mukhang ikaw naman 'yong tipo na hindi titigil hangga't hindi nagagawa ang mga dapat niyang gawin, then I'll just make it easy for you. Ako na mismo ang magpapapirma sa kanila."  Marahas siyang napabaling dito dahil sa narinig. That devilish smile was back on his face again. And she immediately knew na walang magandang lalabas sa bibig nito. "Of course I won't do it for free."  "Anong ibig mong sabihin?"  "Papapirmahan ko 'tong waiver, I will even go to that medical mission without a fuss. But you have to do something for me in return."  Hindi niya talaga gusto kung saan hahantong ang usapan nilang ito. "At ano naman 'yon?"  Umarte ito na parang nag-iisip. "Hmm, pag-iisipan ko muna. Sasabihin ko na lang sa 'yo bukas kung ano ang magiging desisyon ko."  "And how would I know that you will keep your end of the bargain?"  "Well, you don't. You just have to trust me I guess."  Yeah right, gugunaw muna ang mundo bago niya gawin 'yon. Pero wala naman siyang pagpipilian sa sitwasyong ito. Dahil sa totoo lang, she just said na siya na lang ang magpapirma ng waiver sa mga magulang nito out of impulse. Wala naman siyang ideya kung paano gagawin 'yon. Kaya wala na siyang magagawa kundi umasa na gagawin nga nito ang sinabi. Ang problema lang, ano naman kayang balak nitong hingin sa kanya bilang kapalit.  "Fine," wala na niyang nagawang wika.  "Then kita na lang tayo bukas, miss president," wika nito with that hateful smirk on his face. At iniwan na siya nito doon.  Somehow, she really has a bad feeling about this. TAHIMIK na nagbabasa ng ilang mga pepeles sa clubroom ng student council si Payton. Mamaya pang alas-tres ang susunod niyang klase kaya naman she decided to do some student council work. She tapped the pen she was holding on the table habang binabasa ang mga papel na nasa harapan. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi na niya napigilan ang mapabuntung-hininga. Sumandal siya sa kinauupuan at tumitig na lang sa kisame.  Wala naman kasi sa binabasa niya ang isipan. All she could think about ay kung napapirmahan na ba ni Riven ang waiver sa mga magulang nito. Bukas na kasi ang deadline para maipasa niya ang lahat ng waiver sa Office of Student Affairs. Iniisip niya kung tutupad ba ito sa usapan nila o sinabi lang nito ang mga sinabi kahapon para lang mapigilan siya nito na puntahan ang mga magulang nito.  Naputol ang pag-iisip niya dahil sa biglang pagbukas ng clubroom nila. Lumingon siya at muntikan na siyang mapatayo nang makita ang taong pumasok sa loob. Si Riven. Sa kamay nito ay nando'n ang isang nakarolyong papel.  "Ganito pala ang itsura ng loob ng clubroom ng student council," wika nito while looking around uninterestingly. Bumaling ito sa kanya and smirked, "Ang boring."  "Wala akong pakialam sa opinyon mo. Just give me the waiver already and get the hell out of here."  "And the bipolar president appears," anito na dahan-dahan nang lumapit sa kanya. "Hindi ka man lang ba kahit paano magpapanggap na mabait sa harapan ko?"  "At bakit ko naman gagawin 'yon?" inis na wika niya.  Sa pagkagulat niya ay bigla na lang nitong inabot ang dulo ng ponytail niya at dinala 'yon sa mukha nito, as if smelling it. "Oo nga naman. Pero sa totoo lang, I prefer seeing you like this."  Awtomatiko ang pagbilis ng t***k ng puso niya dahil sa ginawa nito. Dagli niyang tinabig ang kamay nitong nakahawak pa rin sa buhok niya at umiwas ng tingin dito para hindi nito mapansin ang pamumula niya. Inilahad niya ang kamay dito. "Yung waiver."  Naupo ito sa upuan na katapat ng sa kanya at nagwika, "Bago ko 'to ibigay sa 'yo, gusto ko munang marinig mo ang naging desisyon ko."  Nagtatakang tiningnan niya ito.  "Hey, don't tell me nakalimutan mo na 'yong napag-usapan natin kahapon? Papapirmahan ko 'tong waiver at sasama ako sa medical mission but in return, you need to do something for me."  Oo nga pala, sinabi nga pala nito 'yon kahapon. "Then tell me what you decided para matapos na 'to."  Tiningnan muna siya nito ng mataman bago nagwika, "Kailangan mong sundin ang lahat ng ipapagawa ko sa 'yo for the next month."  Napatayo siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito. "What? Do you really expect na sasang-ayon ako d'yan sa sinabi mo?"  Nagkibit-balikat ito. "Not really but you really don't have a choice, do you? Because for some reason na hindi ko maintindihan, importante na maisama mo ako sa medical mission niyo, tama ba? Then I'm telling niyo, this is the only way." Tiningnan siya nito ng nakakaloko. "So anong desisyon mo, miss president?"  Naikuyom niya ang kamao. Sumusobra na talaga ang bwisit na lalaking ito. Pero tama naman ito, wala siyang ibang pamimilian dahil kailangan niya talagang maisama ito sa medical mission nila. "Sinasabi ko na sa 'yo ngayon, I will not do anything stupid."   "Don't worry, wala naman akong balak na gawin 'yon. Hindi ko naman gusto na masira ang perpektong imahe mo sa mga estudiyante dito. All the things that I will ask you to do," tiningnan muna siya nito and grinned devilishly bago nagpatuloy, "will purely be for my own entertainment." Nangalumbaba ito at inilahad na sa kanya ang waiver. "Then I will be in your care for the next month, Payton."  Nakagat niya ang pang-ibabang labi because a shiver just ran down her spine dahil sa simpleng pagbanggit nito sa pangalan niya. Pansamantala ay nawala sa isipan niya ang mga maaring kahinatnan ng napag-usapan nila. Pabalang niyang kinuha dito ang waiver at walang lingon-likod itong iniwan.  I absolutely hate that guy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD