We alighted from the car. Agad kaming sinalubong ng ilang dating kaklase ko na karamihan ay mga architect na katulad ni Carmela.
Narito kami ngayon sa binyag ng pangalawang anak ni Jarah, a former classmate of mine. She learned about my arrival. Kaya ay inimbita niya ako kahapon na dumalo.
Tuwang-tuwa ang mga dati kong kaklase sa pagdating namin. Kaya bagama’t nagmimisa ang pari sa unahan, bahagya pa ring umingay nang tumabi kami sa kanila. Everyone wanted to hear everything from me.
Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Their faces brought back memories. All sorts, good and bad.
Ang bilis lang talaga ng panahon.
All of them were successful in their fields. May mga kagagaling lamang sa ibang bansa at umuwi para pagbigyan ang ungot ni Jarah na um-attend sa binyag ng anak niya.
Most of them were architects but some chose to pursue another career. Halimbawa na lang si Natsy. Matapos g-um-raduate with her BS Architecture degree, p-in-ursue niya naman ang gusto niya: Fashion Designing. May ilan ding nag-engage sa negosyo at nagtuturo sa kolehiyo.
“Grabe ka! Bigla-bigla ka na lang nawala! Kung ‘di pa namin nabalitaan sa kapatid mo, wala kaming kaide-ideya kung ano nang nangyari sa’yo.” It was Jarah while her daughter was in her arms.
Nasa reception na kami ngayon. Maraming tao at ganundin ang handa. Namumutakti rin sa kulay rosas ang lugar.
Magmula nang dumating kami rito, hindi na nila ako tinigilan sa pag-uusisa. Lahat sila ay kuryuso sa biglaang pagkawala ko, ganundin sa naging buhay ko sa loob ng halos anim na taon.
Naging maingat ang pamilya ko’t maging mga kaibigan tungkol sa naging buhay ko sa nakalipas na panahon. Apart from that, I shut down all my social media accounts. Kaya wala talaga akong komunikasyon sa kanila. Ang tanging alam lamang nila ay sa ibang bansa ako nanatili, which Keiffer provided.
Wala akong ibang nagawa kundi ang humingi ng paumanhin. Medyo nakonsensya rin ako sa mga reklamo nila sa akin. Kahit papaano, they were part of my life before I left. They at least deserved my goodbye.
“Journalist ka na raw pala.” It was Franco. Architect na rin siya. Ngiting-ngiti siya sa akin. “Who would have thought the former top of our class pursued a different career, huh.”
“Buong akala ko talaga, magiging architect ka. You were the best in class that time. Your designs and plates were amazing,” sabi naman ni Tim. “Bakit ka nga pala nag-journalist?”
I smiled. “Childhood dream.”
Naalala ko ang dahilan kung bakit ako kumuha ng Architecture gayong hindi naman iyon ang pangarap ko. I shook my head languidly, still with a smile. I was stupidly in love.
Isang importanteng aral ang natutunan ko sa loob nang halos anim na taon – pagmamahal sa sarili. We get so busy earning trust and love from others that we tend to forget ourselves, our identity. Iyon ang nangyari sa akin. Sa kagustuhang paluguran ang minamahal, nakalimutan ang sarili.
Hinding-hindi na iyon mangyayari sa akin. I learned my lesson, the hardest way.
You are what you are. Walang puwedeng magdikta kung sino ka at ano ka. A love that is true should even encourage you to improve your craft not the other way around.
Ipinakilala sa amin ni Jarah ang asawa niya: si Alex. Magaan ang mga ngiti nito at mukhang mabait. Isa siyang engineer. They dated when I left and had their first child when Jarah was still in college. Malaki na rin ang panganay nilang lalaki at napakakulit!
“Wala ka bang boyfriend ngayon, Addy?”
Halos masamid ako sa iniinom sa biglaang tanong ni Natsy na nakangisi sa akin ngayon. Lahat ay napatingin sa akin maging ang mga naging kaklase kong lalaki na nasa kabilang table. They looked at me curiously, as if they had been waiting for someone to ask the same question.
“Oo nga. Hindi kayo nagkatuluyan ni . . .”
I saw Carmela nudged Jarah. The latter looked clueless but realized something later on. She threw me an apologetic look. I smiled at her.
Matagal nang nangyari iyon. His name no longer affected me anymore. Nilimot ko na ang mga nangyari. Nakapag-move on na ako.
“Wala,” I answered nonchalantly.
Just like that, everyone on our table diverted their eyes to the adjacent table where the boys were. Mukhang nagulat sila sa biglaang akto ng mga kasama ko.
Okay, what was happening?
“Tim, Carlos, Franco.” It was Jarah, looking at the guys in squinted and teasing eyes. “And you, too, Xian.”
Napangisi ako at napailing-iling.
“They’ve been liking you for a long time now, Addy,” ani Carmela na mukhang tuwang-tuwa sa nangyayari. “Huwag na kayong mag-deny! Your love for her has been long overdue! She’s here! Umamin na kayo!”
“Hoy! W-wala namang ganyanan!” Carlos stuttered.
Muling nagkagulo sa puwesto namin. Pilit na ipinapaamin ng mga babae ang mga lalaking matagal na raw may gusto sa akin. Pangisi-ngisi lamang ako at patawa-tawa habang nakamasid.
Medyo nagulat ako sa nalaman. I didn’t know how to react. Ni hindi sila nagpalipad-hangin o nagbigay ng hint sa akin . . . o baka naging busy lang ako sa pag-ibig ko noon at hindi ko na napansin ang iba.
“I have a girlfriend now. Cut it out, girls,” natatawang awat ni Franco sa walang tigil na pang-aalaska.
“Selosa rin ‘yong nililigawan kaya, please . . .” nakatakip ang mukhang pakiusap ng natatawa ring si Xian.
“Seryoso? Hindi mo talaga alam na gusto ka nila? Eh kami nga, halatang-halata na namin noon pa . . .” Si Edelyn, na hindi makapaniwala sa pag-amin kong wala akong ideya na may gusto pala ang apat na lalaki sa akin.
“She was busy with someone back then. Kaya paano niya pa mapapansin ang mga ‘yan . . .” Carmela said while drinking her iced tea.
The four guys, minutes later, warmed up. Dahil napansin din siguro nila na wala naman sa akin ang nangyayari ay panay na ang pagkukuwento nila sa pagkakagusto nila sa akin noon. I only smiled and laughed at them.
“We had a brawl once,” salaysay ni Franco. “That was when we found out we liked the same woman.”
Nanlaki ang mga mata ko. Franco looked satisfied with my reaction, kaya ipinagpatuloy niya ang pagkukuwento. The others seemed very curious about it. Halos maupos naman ako sa kinauupuan ko. May mga nagsusuntukan na pala noon dahil sa akin tapos wala akong kaalam-alam.
“Pero bakit ni isa sainyo walang nanligaw kay Addy?”
Now, that caught my attention. Nilingon kong muli ang apat na lalaki na bahagyang natigilan sa tanong ng isa sa amin.
Pumalatak si Carlos. “Iñaki.”
Napakurap-kurap ako, hindi makapaniwala. Anong kinalaman ni Iñaki sa . . .
“He threatened us. Kapag niligawan daw namin si Addy, sisiguraduhin daw niyang pagsisisihan naming.” Si Xian. “He’s a Villaraza. Kaya natakot kami. Ang alam ko, si Tristan, ‘yong may gusto rin no’n kay Addy, binugbog niya at b-in-lackmail.”
“He had a s*x video that time. Kaya napilitan si Tristan na ‘wag na ngang manligaw. Iñaki blackmailed him. Na oras daw na ligawan niya si Addy, ia-upload daw ni Iñaki ‘yong video sa internet.”
“Actually, I know a lot of guys who liked Addy back then but backed out before they could even make a move because of Iñaki. Wait. Do you, guys, remember Jake? He also had a thing for Addy and Iñaki learned about it . . .”
Napalunok ako. I didn’t know all of these! Kaya pala noong may mga naglakas-loob manligaw sa akin noon, isa o dalawang beses lamang nakapagparamdam sa akin. Iyon pala ay may tumakot!
“That guy . . .” Umiling-iling si Franco habang nakangiti.