Kabanata 1

2008 Words
Gumising ako nang maaga. Hindi pa ganoon kaliwanag at kitang-kita ko ang hamog sa labas. Pagkababa ko mula sa second floor ay naabutan ko ang isang kasambahay namin na nasa kusina at abala sa mga hugasin. “Ako na po ang bahala sa breakfast,” nakangiting deklara ko. Ngumiti naman sa akin ang katulong bago ako iniwan. Inilapag ko ang cell phone sa countertop at sinimulang ipunin ang mga ingredient. I was busy mixing the flour and eggs when I saw my little prince walking to me. Kinukusot niya ang kaliwang mata. Nang nagtama ang mga paningin namin ay ngumiti agad siya. His teeth was forming a rectangle. Dali-dali siyang lumapit sa akin at umakyat sa isang upuan sa dining table. “Good morning,” malambing na bati ko sa kanya at kinintalan siya ng isang halik sa noo. “How was your sleep, sweetheart?” “I flew above the clouds, Mommy!” masiglang sagot niya habang nakataas ang mga braso. Tumawa ako at hinalikan siya sa pisngi. “A beautiful dream, indeed!” Tumango-tango siya. Then, his eyes went to my business. Nanlaki ang mga mata niya at naghugis-bilog ang bibig. “Pancakes for breakfast!” Pumalakpak siya sa galak. Nakangiting pinagmasdan ko lamang siya na manghang-mangha sa ginagawa ko. When his eyes went to me again, I kissed him again on a cheek. “Why are you up so early?” tanong ko sa kanya matapos kong isalang ang unang pancake. Ngumuso siya. “I didn’t see you when I opened my eyes . . .” Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang ulo. “I’m just making your favorite breakfast so I woke up early. Were you worried that I left you?” Dahan-dahan siyang tumango-tango. “Hinding-hindi kita iiwan kahit anong mangyari, naiintindihan mo? Mommy will always be wherever you are. Kaya wala kang dapat ipag-alala,” I assured him. His pitch black eyes were hopeful. Kumikinang ang mga matang iyon habang nakatunghay sa akin. Ang bilis nga ng mga taon. Parang noon lang, hindi pa nakamulat ang mga mata niya habang dinuduyan ko siya sa mga braso ko. Ngayon ay maglilimang taong gulang na siya. I loved that I got to see him grow up. But whenever I realized that he grew up too fast, natatakot at nalulungkot din ako. Palapit nang palapit na ang panahong nanaisin niyang umalis sa lilim ko. He was the most priceless gift He had given me. And just the thought that I had to let him go one day was enough to bring tears in my eyes. “Ang aga-aga pa, ah.” Napalingon ako sa nagsalita. It was Mommy. Ngiting-ngiti niyang nilapitan si Pocholo na bukang-buka na ang mga braso para sa kanya. “Ba’t ikaw ang nand’yan? Nasa’n ang mga kasambahay?” she inquired while carrying my little prince. “I want to personally prepare our breakfast, Mom.” “Mommy makes the best pancakes in the world, Grandmommy!” pagmamalaki ni Pocholo na ikinatawa ko. “Really? Wait till I make you some pancakes!” At tumawa rin si Mommy saka hinalikan nang matunog sa pisngi ang anak ko. “Ang guwapo-guwapo mo! Huwag kang gagaya sa uncle mo na magaling bumasag ng mga puso paglaki mo, ah?” I chuckled when I saw confusion etched on Pocholo’s face. “Glass ba ang heart natin, Grandmommy?” Humalakhak si Mommy at pinupog ng mga halik ang munting prinsipe. He just giggled. “Oh, anong kaguluhan ‘to?” It was Daddy. His eyes went to me. “Ba’t ikaw ang nand’yan? Nasa’n ang mga maid?” “Hayaan mo na. Naglalambing ang anak mo’t gustong ipagmalaki ang pancakes niya.” “Mom . . .” Umirap ako sa kanya nang pabiro. “Granddaddy, Mommy makes the best pancakes in the world!” pagmamalaking muli ni Pocholo. “Right, Mommy?” “‘Sus! Mas magaling ako riyan magluto sa Mommy mo. Mas masarap akong gumawa niyan . . .” biro ni Mommy sa anak ko. Napailing-iling na lamang ako habang nakangiti. Umalis sila mayamaya sa kusina at lumabas sa bakuran. Mula sa glass wall ay nakita ko ang aso naming si Shinichi na tuwang-tuwa nang ipatong ni Pocholo ang kamay sa ulo nito. Then, the child giggled and hugged the animal. “Nagbabalak ka na raw mag-apply-apply,” sabi sa akin ni Daddy matapos ang ilang minutong pagkaabala sa pagkain. “Opo, Dad,” I replied and wiped away the maple sauce on Pocholo’s cheek. “Why the rush? You don’t have to work right away. Mag-enjoy muna kayo rito ni Cholo nang walang iniisip.” Nakangiting napailing-iling ako. “Dad, may I remind you. Your daughter is an adult now.” “Hayaan mo na, Dante.” It was Mommy. “Matanda na ‘yang anak mo. Alam na niya ang ginagawa niya.” But Daddy was still indifferent with my decision. Gusto ko rin naman. But things had changed. Hindi na ako bata. Nanay na ako. As much as possible, I wanted to provide my little prince everything from my hardwork. “Oo nga pala.” Mahinang tumawa si Daddy at binalingan ang apo niya. “May malapit na palang mag-birthday!” Mula sa pagkain ay umangat ang mukha ni Pocholo. I smiled and patted his head. “Excited ka na ba for your birthday, Cholo?” nagniningning ang mga mata na tanong ni Mommy. Ngumiti nang pagkalawak-lawak ang anak ko dahilan upang masilayan namin ang parihaba niyang bibig. “Yes!” “Anong gusto mong regalo, Cholo?” tanong dito ni Keiffer. “Do you want a bicycle, apo?” Bakas ang galak sa mukha ni Daddy. Umiling si Pocholo. “Toys, Cholo?” It was Mommy. Ngunit umiling lamang ang anak ko. “Shoes, then?” “No . . .” Nakanguso na ang anak ko. “Anong gusto mo kung ga no’n, anak?” marahang tanong ko sa kanya. “Tell Grandmommy and Granddaddy. Para ibigay nila sa’yo.” “I want my daddy.” Napakurap-kurap ako. Suddenly, the atmosphere became awkward. Malakas ang tambol ng aking dibdib. Nagbukas-sara ang bibig ko. Hindi ko ito napaghandaan. Just like whenever he asked about his father, lagi pa rin akong nagugulat. “Mommy.” His sad yet hopeful eyes went to me. “You said I’ll meet Daddy when we go home. We’re here na. Where is he?” My eyes went to my parents’. Parehas silang tahimik. Mommy’s eyes were on my child. Bakas ang awa niya para kay Pocholo. Malamig naman ang anyo ni Daddy. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. “B-baby . . .” I tried my best to smile. “Napag-usapan na natin ‘to, ‘di ba? That, he’s . . .” Napapikit ako nang mariin, nakokonsensya. “He’s a really busy man. Don’t worry! I-I will do everything for him to meet you—” “I hate lies, Mommy.” Napalunok ako. Kahinaan ko ang galit sa mga mata ng munting prinsipe. It was Keiffer who broke the ice. “W-well, is it time for your favorite cartoon, Cholo?” “No . . .” bulong niya at iniwas ang tingin sa akin. Wala kaming nagawa nang bumaba siya sa kanyang kinauupuan. It was Keiffer who assisted him and brought him outside for distraction. Napabuntong-hininga ako. He had been looking for his father since he learned about the concept of family. He was very curious of him. Lagi niya akong itinatanong kung bakit wala ang ama niya. And I, just being a good mother, told his father was a great guy and was providing for us while working far away. Ngunit habang lumalaki siya, mas nagiging komplikado at masuri ang mga tanong niya. He remembered every little thing I told him about his father. Ganoon siya kakuryuso sa tatay niya. I indeed promised him, na oras na umuwi kami rito sa bansa ay ipapakilala ko siya sa kanyang ama. And I really, really intended that to happen. It was just that I didn’t know when. I still needed to consider circumstances. “Kailan mo ba balak ipakilala ang anak mo sa ama niya?” Nilingon ko si Daddy. He looked serious. “H-hindi ko pa po alam, Dad,” halos pabulong na sagot ko. “I don’t care if Iñaki won’t accept my grandchild, Addy. Sapat na sa’kin na ibigay niya ang apelyido niya kay Cholo.” “Dante, Iñaki is a good man. He’ll accept him,” Mommy said, a bit reprehensive. Hindi umimik si Daddy. His lips were in a grim line. He was always like this whenever we touched this subject. “If he doesn’t accept Pocholo, it’s fine. Hindi ko ipagpipilitan ang anak ko sa kanya,” I said. “Kayang-kaya kong buhayin mag-isa si Pocholo.” Truthfully, I wasn’t expecting anything. I just wanted them to meet. I just wanted to satisfy Pocholo’s curiosity of him. Gusto ko lang din alisin ang guilt sa akin, knowing Iñaki didn’t know about his son with me. Bali-baliktarin man ang mundo, siya ang ama ni Pocholo. If he wouldn’t want Pocholo, bukal sa loob na tatanggapin ko iyon. At katulad nga ng sabi ni Daddy, kahit apelyido niya na lang ang ibigay niya ay ayos na sa akin iyon. Buong araw na hindi ako pinansin ni Pocholo. Whenever I tried to near him, bigla na lang siyang tatakbo. O kung makalapit man ako, hindi siya magsasalita at busangot na busangot ang mukha. Parang tatay niya. Matampuhin. As days passed by, mas lalong nagiging kamukha at kaugali ni Pocholo ang ama niya. Mahirap itanggi na isa nga siyang Villaraza. He acquired almost all of the Hispanic features of his father. Ngunit ganunpaman, alam kong paglaki niya, even if he looked a lot like his father, mas magiging guwapo siya sa ama. Of course, he was a Fortalejo, too. “Kailan mo ba balak kausapin si Iñaki?” Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko pa talaga alam, Car.” Sure, I went home planning everything in my head. Pero ngayong narito ako, ang hirap pala. Ganoon naman talaga. Madaling magplano ngunit minsan mahirap isakatuparan. I didn’t know where to start. I badly wanted my child to get to meet his father. Dahil iyon na ang naging kagustuhan niya noon pa man. But then, as I had said, it wasn’t easy. Iñaki and I never met for the past years since I left the Philippines. Ang huli ko ngang balita ay ang pag-take over niya sa kanilang imperyo. Napakabata niya pa para panghawakan ang mga negosyo nila. But I knew Iñaki. He was brilliant. At hindi kataka-takang kayang-kaya niyang pamalakaran ang mga iyon. “Alam mo, don’t say anything to Iñaki. Just tell him to meet up and bring Cholo with you. Kahit ‘di ka magsalita, he’ll figure it out himself. Cholo looks exactly like him,” nakangising sabi ni Carmela at sinulyapan ako. “Napakaguwapong bata. Well, he was born from beautiful parents. Kaya ‘di na talaga kataka-taka.” I smiled proudly. “Of course.” “Pero ano kaya ang magiging reaksyon niya . . .” I bit my lower lip. We parted ways with scarred hearts. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may maglilimang taon na siyang anak sa akin. I could only imagine his shock and rage. Ang sabi ko nga, wala akong inaasahan. If he would accept Pocholo, mabuti. Ngunit kung hindi, sa akin ay ayos lang din naman. Walang kaso iyon sa akin dahil kayang-kaya kong suportahan ang anak ko. But then, Pocholo . . . Just imagining my child learning years from now his father didn’t want him broke my heart. I hoped he would have the heart to accept my little prince. Kahit apelyido niya lang, kahit pagpapanggap, tatanggapin ko. Para sa anak ko. Then, I would just have to explain things to Pocholo when he got older. Hindi na rin siguro magtatagal iyon dahil matalino ang anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD