Prologo

2223 Words
Ilang taon na ba akong tumatakbo? Mag-aanim na taon na pala. For the past years, I tirelessly ran. Hindi ako tumigil. Hindi ako nagpahinga. It only takes minutes for a thief to steal. And I couldn’t afford a minute or even a second to risk. Ngunit naabot ko na ang pinakahangganan. A massive wall was in front of me, mightily gazing down at me. Hinahamak ang pagod ko. Minamaliit lahat ng pinagdaanan ko. Hindi ko kayang sirain. Hindi ko kayang akyatin. I needed to face the other way now. Kailangan ko nang bumalik dahil naabot ko na ang hangganan. For those years, I knew where I was heading. Alam ko kung saan ako patutungo at alam kong may saysay ang bawat sugat na matatamo sa pagtakbo. Ngunit ngayong tumatakbo ako pabalik, hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ko — kung karapat-dapat ba ang bawat galos na matatamo ko. “Careful, baby,” nakangiting puna ko sa aking munting prinsipe nang kamuntikan na siyang madapa. Ibinaling niya ang ulo sa akin at ngumiti. Ibinalik ko naman ang atensyon sa unahan at napabuntong-hininga. Wala nang atrasan ito. Napangiti ako nang nakita ang pamilya ko sa hindi kalayuan kasama si Brett. Nag-uusap-usap sila. It was Keiffer who saw us first. Hinigpitan ko ang pagkakahawak kay Pocholo. “Mommy! Mommy! It’s Grandmommy and Granddaddy!” pakli ng aking anak habang nakaturo sa mga magulang ko. Napalingon na rin sila sa amin. Gulat na gulat pa ang ekspresyon ni Mommy habang ngiting-ngiti naman si Daddy. Nakamasid lamang sa amin si Keiffer at kinindatan naman ako ni Brett. Nakangiting inirapan ko ang huli. “Grandmommy!” tuwang-tuwang sambit ni Pocholo saka siya kinarga ni Mommy. “I missed you!” Napangiti ako. Mommy looked pleased with my child’s words that she rained kissed on his face. My prince giggled. “Kumusta ang biyahe?” Daddy inquired and kissed me on my forehead. I smiled at him and hugged him tight. “It was alright.” Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. “I missed you, Dad.” Matapos noon ay ibinaling na niya ang atensyon sa kanyang apo. Pocholo liked the attention he was getting so he kept acting cute and all. Tinanguan naman ako ni Keiffer. Napatawa ako dahil doon at niyakap siya nang mahigpit. Pa-cool pa, eh gusto rin naman akong yakapin! Nabaling naman sa huli ang atensyon ko kay Brett. Ngiting-ngiti siya. Maliwanag na maliwanag ang mukha niya na nagpapaalala sa akin sa araw. Ibinuka niya ang mga braso niya. Ngumuso ako, pinipigilang mapangiti, saka pumaloob doon. “I missed you.” I could feel him smiling. Mas niyakap ko siya. “Na-miss din kita.” Kinuntento na lang namin ni Pocholo ang mga sarili sa pag-i-Skype sa kanya at pagtawag. He was a part of our lives. Kaya nang umalis siya ay nahirapan kami ng anak ko. “You cut your hair, huh?” Ngumisi siya sa akin at hinawakan ang buhok kong hanggang leeg na lamang. “Pina-rebond mo rin.” I hissed. “Bakit? Bawal?” Humalakhak lamang siya at binalingan na si Pocholo. Tuwang-tuwa ang anak ko pagkakitang-pagkakita sa kanya. Habang nasa biyahe kami ay hindi ko napigilang pagmasdan ang mga nadaraanan. I smiled to myself. Maraming nagbago ngunit nanatili ang aking pakiramdam. It still felt home. Bagama’t ang tagal kong nawala, ang daming nangyari, hindi ko lubos maisip na niyayakap ako ngayon ng bansang ito. “Kailan mo aasikasuhin ‘tong pananatili niyo rito, Addy?” tanong sa akin ni Daddy habang nilalaro niya sa ibabaw ng kanyang mga hita ang apo niya. “Hindi ko pa po alam sa ngayon. Magiging busy ako sa mga susunod na araw, Dad.” He nodded. “If you have free time, mag-out of town tayo at nang maipasyal mo si Cholo rito sa’tin.” “Eh, ako, Dad?” Ngumiwi ako sa pagsabat ni Brett. Hindi na siya nangingimi sa pagtawag ng ‘daddy’ o kaya ‘dad’ sa ama ko. “Can I come?” “Of course!” Ngumiti si Daddy. I glared at Brett. Ngumisi lamang siya sa akin. Kinurot ko ang kanyang tagiliran. Pinigilan niyang mapadaing. “P’wede po sa resort namin sa Batangas,” he suggested. “Maganda roon.” “Oh, sige . . .” Mas naging malapit sina Daddy at Brett sa isa’t isa. Maayos-ayos na rin naman ang pakikitungo ni Mommy sa kanya ngunit may barikada pa rin. Magkasundo na rin sila ni Keiffer lalo na sa sports. They both loved basketball. In short, Brett was really getting along with my family. Pagkarating namin sa bahay ay nagulat ako. May welcome party para sa amin at karamihan sa dumalo ay mga kamag-anak namin at family friend. Tuwang-tuwa ako nang salubungin ako nina Carmela at Michelle. Nagyakap kaming tatlo. “Oh, my God! You cut your hair!” puna ni Carmela sa aking buhok at hinawakan iyon. “Hindi ba bagay?” alanganin kong tanong. She shook her head. “No. It suits you well.” Nang nakita nila si Brett na karga-karga ang aking prinsipe ay dali-dali silang lumapit. They gushed over Pocholo. Pangiti-ngiti lamang ang anak ko at pakusot-kusot ng kanyang mga mata. Mukhang inaantok na. We reunited two years ago. They were so furious when they found out I kept secrets from them. Tandang-tanda ko pa ang naging iyakan namin noon at gigil nila sa akin, lalo na nang nalaman nila ang tungkol kay Pocholo. “Ihahatid ko lang muna sa taas si Pocholo, Anaddy.” paalam sa akin ni Brett. Tumango lamang ako. Naging abala ako sa pag-entertain sa mga tao. Lahat ay nagtatanong kung kumusta ako. Alam kong alam na nila noon pa man na may anak na ako. Hindi nga lang nila alam kung sino ang ama. But when they saw Pocholo, I knew some of them had drawn their conclusion. Hindi mahirap mapagtanto dahil kamukhang-kamukha ng anak ko ang kanyang ama lalo noong bata pa ang huli. “Sigurado ka bang friends lang kayo niyan ni Brett?” pabulong na tanong sa akin ni Michelle. “Oo nga . . .” pagod na sagot ko. “Ilang beses niyo na ba ‘yang tinanong sa’kin . . .” Sumimangot siya at inilapit ang bibig sa bunganga ng kanyang baso. “Ilang taon kaya kayong magkasama!” Ngumiwi ako. “Bakit? Hindi ba p’wedeng gano’n? Hindi ba p’wedeng hanggang do’n lang talaga kami?” “Ang lalaking tulad ni Brett, ‘di lang ‘yan kinakaibigan. Sinosyota ‘yan!” Sabay ngising-aso ni Carmela. “Hindi mo talaga siya gusto? As in?” Michelle threw me a suspicious look. “Hindi nga.” Sumimsim ako sa aking baso. “And he has a girlfriend, okay?” Napasinghap at nagkatinginan ang dalawa — tila hindi makapaniwala. Ngumisi na lamang ako at kinuha ang isang clubhouse. “Sino?” tanong ni Carmela. Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko kilala, eh. Ang alam ko lang, Filipina rin siya.” “Oh, damn.” Carmela looked frustrated. “And we thought he likes you!” “Hindi nga kasi.” Pabiro ko siyang inirapan. “We’re just friends. At hindi na ‘yon lalampas do’n.” They must have misinterpreted his concern towards me and Pocholo. Mabait na tao si Brett. He was a good friend of mine. Ang mga ginawa niya para sa amin ng anak ko ay parte ng aming pagkakaibigan. “Oo nga pala.” May kinuha sa kanyang bag si Carmela at inabot sa akin. “This is an invitation. May high school grand alumni homecoming tayo sa susunod na buwan.” My lips pursed as I perused the content of the invitation card. Nalalanghap ko ang bango noon. Nakakaengganyo rin ang mga disenyo. “Maraming nag-aabang sa’yo,” dagdag niya. “Everyone wants to see you. They missed you so bad! Ang tagal mo rin daw inactive sa social media. Kaya nang nalaman nilang uuwi ka, tuwang-tuwa sila.” “Alam ba nilang umuwi ako ngayon?” tanong ko saka binuklat ang card. “May mga nasabihan ako . . .” I raised a brow at her. Ngumiti lamang siya. I chose to keep our arrival discreet. For now. Gusto kong maging payapa ang mga unang linggo namin dito ni Pocholo. Hindi pa alam ng mga ka-batch ko na may anak na ako. Hanggang ngayon ay kakaunti pa lamang ang nakakaalam kay Pocholo. Hindi ko naman na siya sinisikreto. Ngunit hindi ko rin naman ipinapangalandakan. “So,” tumikhim si Michelle. “you plan to introduce Cholo to his father?” Bahagya akong natigilan. Nakita kong pinandilatan ni Carmela ang kaibigan namin. “Y-yeah.” I bit my lower lip. “Karapatan nilang makilala ang isa’t isa. Hindi ko habambuhay na maitatago kay Iñaki ang anak ko. At hindi rin habambuhay ay mapapaniwala ko ang anak ko.” Gusto kong magkakilala na sila dahil ayokong magkakumplikasyon sa hinaharap. Wala pa akong konkretong plano kung paano ko sila ipapakilala sa isa’t isa o kung kailan. Marami akong isinasaalang-alang. Marami akong tinitimbang. Pagak na tumawa si Carmela. “O-oo nga naman. CEO na pala ‘yon si Iñaki. Siya na ang namamahala sa kanilang imperyo.” “And he’s very single.” Sabay tango-tango ni Michelle. Ngumuso ako. Kung makapagsalita sila ay parang itinutulak nila ako sa ex-best friend ko. Kanina lang ay kay Brett! “Good for him.” Ngumiti ako. “He deserves all the good things.” Nagtagal pa nang ilang oras ang mga bisita. Kahit pagod ay patuloy ang pag-e-entertain ko sa kanila. Kaya nang nagpaalam silang uuwi na ay grabe ang pasasalamat ko! “Kailan ka maglalakad-lakad ng mga business mo rito?” tanong sa akin ni Carmela habang isinusuot ang kanyang boyfriend jacket. “Sa susunod na linggo.” Tumango siya. “So let’s bond after you’re finished with those.” Ngumiti ako at tumango. Carmela became an architect. Nagtatrabaho siya sa isang malaking architectural firm. Si Michelle naman ay mechanical engineer na rin. Nakakatuwa lang isipin na ito na kami ngayon. “Bye!” Bineso ako ni Michelle. “And welcome back again!” Ngumiti ako at kumaway sa kanila. “Tulog na tulog si Kuya Brett sa kuwarto mo,” sagot ni Keiffer nang tanungin ko siya kung nasaan ang kaibigan ko. Tumango ako at humikab. “Sina Mommy at Daddy?” “Nasa garden.” Habang paakyat sa hagdan ay palingon-lingon ako sa paligid. Ibang-iba ang bahay naming ito roon sa dati kung saan kapit-bahay naming ang mga Villaraza. Mas malaki ito at mas metikuloso ang disenyo. May ilang haliging salamin at makinang din ang marmol na sahig. Malalaki ang chandelier at halos lahat ng appliance ay bago. Huminga ako nang malalim at ipinagpatuloy ang paglalakad. It took me a while before I finally found my new room. Halos ganoon ang disenyo sa dati kong kuwarto. Only that this one was bigger and with some baby stuff for Pocholo. Napangiti ako nang nakitang tulog na tulog si Brett at ang aking anak. Patagilid at nakayakap si Brett kay Pocholo. Tumatama ang ilong niya sa pisngi ng munting prinsipe. Dahan-dahan akong lumapit sa kama. Naupo ako sa paanan at matiim na pinagmasdan ang dalawa. Pagod na pagod nga ang anak ko sa biyahe. Gumalaw si Brett at unti-unting idinilat ang mga mata. He looked around and his eyes found mine. Ngumiti ako sa kanya. Ibinalik niya iyon at naupo nang maayos, careful not to wake Pocholo. “Tapos na ang party?” His voice was hoarse. Tumango ako. “Oo. Dito ka na lang matulog sa’min. Ipapahanda ko ang guestroom—” Hinawakan niya ang aking kamay nang akma akong tatayo. Napakunot-noo ako. “Huwag na. Uuwi rin ako.” “Sigurado ka?” tanong ko at naupong muli. “I saw you had some shots earlier.” “Kaunti lang ‘yon, ano ka ba. Hindi pa ‘ko lasing.” I hissed and crossed my arms. “Yeah, right. Amoy-alkohol ka!” Nakangiting umiling-iling siya. “I’m glad you had the courage to go back, Anaddy. I’m very proud of you, princess.” I smiled. “Thank you for giving me the courage I needed.” Ngumuso siya at iniwas ang mga mata sa akin. “Nakausap ko ang anak mo kanina.” “What did he say?” “Sabik na sabik talaga siya sa tatay niya.” Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang anak ko. “That’s inevitable. Hahanapin at hahanapin niya talaga sa’kin ang tatay niya.” “Your dad’s scared.” Muli kong ibinaling ang mga mata sa kanya. “Ayaw niya nang muling mapalapit ka kay Iñaki. Dapat daw ay ang anak niyo lamang ang koneksyon niyo sa isa’t isa.” “I know. And I don’t intend to be with him, if that’s what he’s scared of.” Tama na ang isang beses na nasunog ako sa apoy na iyon. I had learned my lesson the hard way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD