Kabanata 3.2

1011 Words
Mula sa kinauupuan ko ay kapansin-pansin ang paglingon ng mga tao sa bagong dating. Hindi na iyon kataka-taka dahil bukod sa kahali-halinang mga itsura, the famous ex-member of ArFa, Kuya Iñigo, was with them. Nasa mga bisig niya ang munting anak nila ni Serafina. Napalunok ako at agad iniwas ang mga mata sa kanila. Humigpit ang hawak ko sa kutsilyo’t tinidor. Brett turned to me with that serious and worried face. “Wala si Iñaki,” he told me as if that was what I needed to know that moment. I didn’t know but maybe it was. Kahit papaano, lumuwag nang kaunti ang dibdib ko sa sinabi ni Brett. Agad ko ring kinastigo ang sarili dahil sa reaksyon. Ano naman kung kasama nila si Iñaki? Saktong paglingon ko muli sa mga Villaraza, Serafina caught my eyes. Ang pagtangka niyang pagngiti ay agad napalis. Her forehead creased then her mouth fell open. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pilit na lamang akong ngumiti. “Oh, my God! Is this you, Anaddy?” Huli na para umiwas. The Villarazas came to our table - Serafina, Iñara, and Kuya Iñigo with his little Villaraza in his arms. Iñara was shocked when she saw me. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya na tila hindi makapaniwala. I gave her a smile. Time really flies fast. Mas tumangkad siya at mas gumanda. She was really beautiful when she was young. Hindi ko alam na may igaganda pa siya ngayong teenager na. Her Hispanic features were more prominent now than ever. Hindi naman ako nakaligtas sa nakakalula at nakakatunaw na titig ni Kuya Iñigo. Hindi ko mabasa ang nasa mga mata niya. Basta matiim ang titig niya sa akin. He really was the most gorgeous Villaraza. Napakurap-kurap ako nang napagmasdan ang batang hawak ni Kuya Iñigo. He was probably almost one. He looked so much like his father, grandfather, and Iñaki. Hawig na hawig niya ang anak ko! “H-hi,” I greeted awkwardly with a forced smile. “Kailan ka pa nakauwi? And, oh,” sinulyapan niya si Brett na mukhang natuod na sa pagkakaupo. “Kasama mo pala ang asawa mo.” Halos mabilaukan ako sa tinuran niya. “Just some weeks ago,” I replied. “And Brett is not my husband.” Serafina raised a brow. Mukhang hindi naniniwala. Pigil ko ang inis. This girl had always been good at pissing me off since then. She knew how to pull my strings very well! “So, totoo palang ‘di pa kayo kinakasal.” She trailed off and grinned. “When do you both plan to? I heard, malaki na raw ang anak niyo, ah.” “Serafina,” mariing tawag-pansin dito ni Kuya Iñigo. “What?” She feigned innocence. “I’m just curious!” Binalingan niya akong muli. “I hope, imbitado kami sa kasal niyo, ah.” “Serafina, please,” nakukunsuming sitang muli rito ni Kuya Iñigo at kinuha ang kamay nito. “Sorry about that. It’s nice meeting you again, Addy.” Binalingan niya si Brett. Nagtanguan sila saka kami iniwan. Ngunit mukhang hindi pa tapos sa akin ang malditang asawa ni Kuya Iñigo. Her eyes were still on me as if anticipating anything. Napabuga ako ng hangin sa inis. “You saw the kid? Kamukha ni Pocholo.” I lost track of my morbid thoughts after Brett voiced out my thinking ealier. Nilingon ko siya. Pasimple siyang nagmamasid sa mga Villaraza na ngayon ay abala sa pag-aalo sa munting Villaraza ni Kuya Iñigo. Malakas daw talaga ang dugo ng mga Villaraza. Hindi na kataka-taka. Naalala ko ang sinabi kanina ni Serafina. Asawa ko raw si Brett. Hindi ako makapaniwala! Kanino niya ba nalaman iyon? Sino ba ang nagsabi sa kanya? Diyos ko! “Calm down, wife.” I glared at Brett. Ngumisi siya sa akin at bahagyang tinakpan ang kanyang bibig. Nanggagalaiti ako rito. But he found my predicament amusing! “I’m not bad for a husband,” dagdag niya. I kicked him under the table. He winced when my stilleto hit his leg. Bigla naman akong nakonsensya. Ngunit agad ding nawala iyon nang muli siyang ngumisi sa akin. “I can’t believe her. Sino naman ang nagsabing may relasyon tayong dalawa? What the hell . . .” Pasimple akong umirap sa dako ng mga Villaraza. “And did she just insinuate, na nagli-live in tayo?” Nagkibit-balikat lamang si Brett at muling ipinokus ang sarili sa pagkain. Pinasingkit ko ang mga mata habang nakamasid sa kanya. Strange. He looked unaffected, totally opposite of the erupting rebellion in my system. Nang napansin niya ang pagtitig ko, inosente niya akong tiningnan. “You seem to be cool with it. Alam mo ba ‘to, Brett?” “Well,” tinusok niya ang dila sa kaliwang pisngi. “may mga nagtanong sa’kin  no’n about our status. I didn’t mind, though. Hindi ko alam na makakarating pala sa mga Villaraza.” Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean? You confirmed?” He looked a bit uneasy. What the hell, Brett! “Some of those who asked, I neither confirmed nor denied.  ‘Yong iba naman . . .” He bit his lower lip while looking at me. “What?” “I playfully . . .” Huminga ako nang malalim at may karahasang ibinagsak ang mga braso sa mesa. Medyo nagulat yata siya dahil bahagya siyang napatalon. “Brett!” I almost screamed his name in annoyance. He gave me a sheepish smile. “Sorry.” I looked at him with all the annoyance on my face. Now, what? Wala akong kaalam-alam na live-in partner ko na si Brett at dapat magpakasal na kami! People nowadays are just so good at assuming things. Hindi na magtatanong. Hindi na ikukumpirma. Kung ano ang narinig, iyon na. Kung minsan, dadagdagan pa. And they knew about my child. Pero akala nila ay anak ni Brett si Pocholo. Darn it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD