
[BILLIONAIRE MAFIA ASSASSIN SERIES COLLABORATION #2] THE MAFIA'S TRAP
Magkababata at magkaibigan sina Javi, Tiago, at Gan. Silang tatlo ay ulirang lubos na sa mga magulang. Ngunit ‘di ito naging hadlang para ‘di matupad ang kani-kanilang mga pangarap. Ang bahay ampunan ang naging tahanan nila no’ng sila’y mga sanggol pa lamang. Dito sila nangarap na balang arraw ay maging matagumpay sila sa buhay. Sa paglipas ng panahon, naunang inampon si Javi sa kanilang magkakaibigan. Sumunod si Tiago, at ang pang-huli ay si Gan. Malungkot man ang naging hatid sa kanilang pagkakaibigan pero ‘di ito naging balakid upang ‘di nila ipagpatuloy ang nasimulan. Pinaglayo man sila nang tadahana, pero alam nila sa isa’t isa na balang araw ay magkakasama ulit sila. Ngunit ang ‘di nila alam ay susubukin sila ng panahon para patunayan kung hanggang saan ang kanilang pagkakaibigan.
Ilang dekada na ang nakakaraan ay ‘di pa rin makalimutan ni Gan ang mga dating kaibigan. Tinuring niya ang mga ito bilang kapatid at pamilya noon sa bahay ampunan. Ito ang naging inspirasyon niya upang magpatuloy sa buhay. Ilang beses niya itong ipinahanap ngunit walang bakas ng mga ito ang nakita kung saan na ang dating mga kaibigan. Inampon si Gan ng mag-asawang Russo. Nangunguna ito sa larangan nang kahit na ano anong mga negosyo. Mapa-illegal man o, legal na aspeto. Dinala siya ng mga ito sa Italia upang mag-aral at mag-insayo. Dahil siya ang hahalili sa kaniyang tinuring na Ama bilang maging bagong leader ng organisasyon pinatayo nito. Upang ipagpatuloy ni Gan ang mga negosyo ng mga Russo. Pinalitan ng mag-asawang Russo ang kaniyang dating pangalan na ngayon ay makikilala siya bilang Fagan Cash Russo. Ito ang simbolo niya upang mapalitan rin ang kaniyang pagkatao.
Sa ilang taong paghahanap nila sa bawat isa. Ay sa kasamaang palad pa nagkaharap ang tatlong magkakaibigan. Hindi nila kilala ang bawat isa sa kanila dahil sa kaniya-kaniyang nilang katayuan sa buhay. Nagkaharap silang tatlo ‘di dahil sa kanilang pinagsamahan, kundi dahil sa kanilang hidwaan. Pinaglayo sila ng panahon noon na siyang pinagtagpo nang tadhana ngayon. At huli nang malaman nilang tatlo ay magkababata sila noon.
Anong mangyayari sa kanilang pagkakaibigan dahil nagkaroon sila nang matinding hidwaan. Ipagpatuloy pa ba nila ang dating pagkakaibigan o, hindi na dahil sa walang awa nilang digmaan?
