MATI
"Ma'am Mati, dito ba mag hahapunan ang daddy mo?" tanong ng kusinera nilang si manang Carla pag sapit ng alas sais.
She turned away from the window. "Sana alam mo ang sagot niyan manang Carla."
"Wala namang sinabi ang daddy mo ma'am." sagot ni manang Carla. "Kayo lang ba ng mga kapatid mo ang kakain?"
"Ipaghanda mo nalang kami ng dinner manang." she said firmly, then turned back to the window.
An hour passed.
And then another.
Nagreklamo na nga si manang Carla na baka ang hinanda nitong roast chicken sa hapunan ay magiging goma na. Sinabihan na lamang niya ang kanilang kusinera na iligpit nalang nito ang hinanda nitong hapunan dahil kung magugutom man siya at hindi pa rin bumabalik ang daddy niya at si Trust ay sandwiches nalang ang kakainin niya.
Sa wakas, bago maghating-gabi ay siyang pagdating ng kanyang dad.
"Dad, saan ka nanggaling?" Mati demanded as she took in her father's disheveled appearance. "Nasaan si Trust?"
Hindi siya sinagot ng kanyang dad at sa halip ay nilagpasan siya nito habang papunta ito sa kanyang mini bar. Nagsalin naman ito ng alak sa baso.
"May makakain pa ba sa hapunan ang daddy mo?"
Inignora lamang niya ang tanong ng kanyang ama. "Nasaan si Trust, daddy?" malakas na pagkakasabi niya sa ama.
"Tinanggal mo na ba siya? Kailangan niya ang trabahong to, dad! Kung tinanggal mo nga siya, I'll never--"
Her father raised his hand. "Wala na si Trust, anak."
"Hindi ako makapaniwalang ginawa mo yon!" She threw her hands in the air in disgust. "Tinanggal mo siya sa trabaho dahil sa akin, diba?"
"Anak, makinig ka muna."
"Ayokong makinig." she began to pace the room. "Saan ba siya ha? Tawagan mo siya ngayon din at sabihin mo sa kanya na nagkamali ka lang."
"Hindi ko magagawa yon." mahinang sabi ng kanyang ama.
"Of course you can do that," she snapped. "Hindi siya basta-bastang mawala nalang."
"Umupo ka muna, anak."
"Hindi!" she quickened her pace, at dumistansya ng konti sa ama. "Malaki na ako daddy, hindi na ako yong little girl mo. I thought you knew that."
Inilapag ng kanyang daddy ang hinawakan nitong baso ng alak at lumapit ito sa kanya.
"No," umatras naman siya patungo sa pinto. "I don't want to hear this, daddy. Please don't."
"Wala na si Trust anak, at hindi na siya kailanman babalik."
"Hindi totoo yan! Mahal niya ako. Gusto pa nga niya akong pakasalan eh. Hindi siya aalis kung hindi ako kasama."
Tinapik naman ng ama niya ang kanyang balikat. "Umupo ka muna, anak." sabi nito.
Nanginginig ang tuhod niya kung kaya't inalalayan na lamang siya ng kanyang dad na makaupo.
"May sinabi ka sa kanya, tama ba ako daddy?" mahinang saad niya.
"Hiningi ni Trust ang kamay mo anak, pero hindi ako pumayag."
Her temper flared. "Walang makapagpigil sa amin, dad. Oo, gusto namin ang basbas mo, pero siguro hindi na namin iyon kailangan. Magpapakasal pa rin kami sa ayaw at gusto mo."
"Nakapag-usap na kami." her dad went on, ignoring her outburst. "Papaalis na talaga si Trust anak sa araw na ito."
Pati mga kamay niya ngayon ay nanginginig na rin. I don't want to hear this. Please don't make me hear this...
"Kaninang umaga pa siya umalis, anak."
"Siguro umalis lang siya para magpalamig, dad. Alam kong babalik siya dahil pinangako niya sa akin na pakakasalan niya ako."
"Hindi, Mati." malungkot na saad ng kanyang dad. "Hindi na siya babalik."
"Hindi mo lang alam, dad. I know him better than anyone in the world. Alam kong babalik siya para sa akin."
Her dad crouched down in front of her and gathered her shaking hands between his. "Ayoko sana tong sabihin sayo, anak."
"Pwes, wag!" hysterical niyang sabi. "Don't say it...don't say it."
"May aksidente kasing naganap.."
"Wag naman sana daddy, please.."
"Sa may airport.."
"I don't want to hear this..Please, I don't.."
"Wala na si Trust, anak. I'm sorry, pero patay na siya."
"Nagsisinungaling ka lang." sabi niya kahit alam pa niyang ang lahat ng sinasabi ng kanyang ama ay pawang katotohan. "Sinabi mo lang yan para ilayo kami."
Her father looked anguished, as if the weight of the world and all of its problems had settled on his shoulders.
Binuksan ng kanyang daddy ang television at nakita niya sa balita na may aksidente ngang naganap sa airport.
"Hindi.." hagulgol niya. "Oh God, it's not true."
Parang sinaksak naman ng matulis na patalim and dibdib niya, and then she began to break down.
*****