PRESENT
MATI
She was halfway to the country club nang mapansin niyang wala pala siyang suot na stockings. Nasanay na kasi siyang nakasuot ng stockings pag naka dress siya.
An omen, she thought. Kahit ang pagsusuot ng stockings ay nakalimotan niya pa.
She leaned forward and tapped John, her dad's limo driver, on the shoulder. "Manong John, pwede mo ba akong idaan muna sa shopping mall? Bibili lang ho ako ng stockings."
"Pero late ka na, Mati." sabi pa ni manong John. "O sige, pero magmamadali ka ha kung ayaw mong magsimula ang engagement party mo na wala ka."
"Hindi naman po sila magsisimula kung wala ako." aniya pa. "Ako yata ang pinakamasayang bride-to-be, di po ba?"
Ang totoo, hindi naman talaga siya masaya sa arranged marriage na to. Di bale na sanang maging matandang dalaga siya kaysa naman makasal siya sa taong hindi niya mahal.
Nang makarating na sila sa isang shopping mall, agad naman siyang bumaba sa sasakyan. "Dito ka lang manong ha, hindi naman ako magtatagal."
"Ayaw mo bang samahan nalang kita? naku delikado baka makidnap ka pa."
Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba si manong John sa sinabi nito. Eh sino naman kayang mapangahas na pumasok sa shopping mall para lang mang kidnap?
Nagmamadali na siyang pumasok sa shopping mall, buti nalang at nasa ground floor lang ang mga display ng stockings. Hindi na siya nahihirapan pang maghanap.
Nang nakapila na siya sa may counter, napansin naman niya ang lalaking nasa tapat lang. Samantalang di naman niya maintindihan ang sarili kung bakit nahihirapan siyang mag iwas ng tingin dito.
Quit staring at him, Mati. Engaged women aren't supposed to ogle strange men.
Hindi naman siya ganito kung makatitig ng lalaki ah. Siya yata ang unang mag-iwas ng tingin pag may makatitigan siyang lalaki.
Wala na rin siyang panahon sa mga lalaki na yan. Itinuon na nga lang niya ang lahat ng oras sa pamamahala ng kanilang pawnshops. Hanggang sa ipinagkasundo nalang siya ng ama sa anak ng business partner nito.
But this, it was different. She had no control over it. She couldn't have turned away from him at that moment, kahit pa yata pasabugan siya ng bomba sa harapan niya.
The man was leaning against the ATM booth, pinagkrus ang mga braso nito at parang may hinihintay.
Matagal na kasi ang panahon simula nang makatitig siya ng ganito sa isang lalaki. Siguro kung nandito lang ang mga kapatid niyang sina Frances at Sab, baka kikiligin lang ang mga ito.
But all she could do was stare at him.
The man was tall, dark, hmmp..nevermind.
Hindi naman talaga ito gwapo, malakas lang talaga ang s*x appeal ng katawan nito. Kung titigan mo nga siya sa malapitan ay mapanganib ang aura nito. He topped six feet by an inch of five, and had the kind of lean, sinewy build that she'd always found particularly devastating.
Pero hindi ibig sabihin na attracted na siya nito dahil nga sa devastating ang aura nito.
She was after all, engaged to be married to a man she didn't love. Okey na rin yon dahil kung sakali mang hindi talaga sila magkaintindihan ng mapapangasawa ay may ground na sila for annulment. Isa pa, hindi rin siya manghihinayang o masasaktan kung magkahiwalay man sila, and that was enough for her.
"Ma'am."
Napakurap-kurap siya. The cashier was waving to her.
"Ikaw na ho ma'am."
Behind her, and elderly woman muttered something, inginuso pa nga nito ang pinamili niya hudyat na siya na ang magbabayad.
Napahiya naman siya sa mga taong nakapila sa pagkatulala niya.
Buti nalang at naubosan ng thermal paper ang cashier kung kaya't nakabawi siya. At least hindi na siya ang dahilan sa pag taas ng pila.
Napasulyap naman siya sa gawi ng lalaki at nakita niyang sumilay ang ngiti sa mga labi nito. May naalala naman siyang isang tao sa pagngiti nito. At ang taong iyon ay ang nagpapaniwala sa kanya na meron talagang happy endings.
Over the years, she'd mastered the art of not thinking about him, namatay na rin kasi ang puso niya kasama sa lalaking minahal niya. Kaya nga hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagkaganito nang makita niya ang lalaki.
Ayaw na sana niyang maalala pa si Trust. The man she'd given him her innocence and he'd given her his love, and it had all ended on a stretch of highway near the airport. Binura na nga niya ang lahat ng magpapaalala niya sa lalaki, gaya ng tinig nito at ang nakakaadik na amoy nito ay binura na rin niya. Pero ang hinding-hindi niya kayang burahin ay ang pakiramdam kung paano siya haplosin nito.
Ang weird lang dahil ang lalaki pang iyon ang nagpapaalala sa kanya ni Trust. Kung tutuosin nga, walang sinabi ang lalaking ito kay Trust Benedicto. Trust had been blessed with the face of an angel. Pero ang lalaking iyon ay kabaligtaran.
Hindi naman sa mahilig siya sa gwapo. Sadyang malayo lang kasi ang itsura nito kay Trust. His features were irregular, and his skin was marred by scars. Halata lang na maganda ang pangangatawan nito, yong tipong tulo-laway, dahil kung titigan mo siguro itong nakatalikod, masasabi mo talagang magandang lalaki ito.
Nahihibang ka na talaga, Mati. Kung ano-anu nalang kasi ang iniisip mo sa lalaking iyon.
Ngunit, siya naman ngayon ang tinitigan ng lalaki. Yong nakakatunaw na titig, but it thrilled her, kahit pa alam niyang sa kanyang suot nakatitig ang lalaki. Napatanto kasi niya na see through pala ang suot niyang puting dress, at makakakuha talaga ng atensyon sa iba.
His gaze unsettle her, yet there was something oddly familiar about it, something intimate, which was absolutely ridiculous, considering the fact that she'd never seen this man before in her life.
Ano ka ba Mati, ikakasal ka na. Tigilan mo na nga yan, sabi ng isang bahagi ng kanyang utak.
Still, he was flirting with her, or baka akala lang niya, baka ganon lang talaga manitig ang lalaki. Kung makatitig kasi ito ay parang hinuhubaran na siya.
Well, mamatay ka dyan sa kakatitig mo, mahinang usal niya sa sarili.
Hindi yata ikaw ang tipo ko noh, sabi naman niya sa sarili.
Pero ang mapapangasawa ba niya ay tipo ba niya? hindi naman sa tipo niya, pero in fairness gwapo naman ang mapapangasawa niya kumpara sa lalaking yon.
Sa wakas natapos rin ang pagpapalit ng cashier sa thermal paper kaya medyo natagalan siya sa pagbabayad.
"Four hundred ninety pesos ma'am." sabi nong cashier.
She turned away from the man standing by the ATM and handed the cashier her five hundred pesos bill. Inilagay na ng cashier ang binili niyang stockings sa plastic, tas inabot na nito sa kanya pati yong sukli. Natagalan yata siya ng sampung minuto sa pagbabayad lang. Katumbas naman sa minutong iyon nakatitig sa kanya ang lalaki.
*****