Chapter 3

3217 Words
Sobrang nakaka stress yung exam namin kasi inuna nila ang mga major namin, although nag review naman kami kaso di namin expected kasi last prelim namin halo may major and minor "Waaaaaaa beshie ayoko naaaaaa" iyak ni Lian sakin kaya tawa ako ng tawa habang papunta kami ng canteen may baon kaming sandwich ni Lian dahil trip nya daw, pag bigyan na!! Bumili nalang kami ng juice para sa drinks namin "wow may pa sandwich si mayora!!" bati samin ni Anika, nauna kasi kami sa canteen dahil may kinuha silang book sa library "Yah you know I'm so sinipag kasi kaya nakagawa pa ako ng baon namin, next time na kayo guys ah kasi for two person lang kasi" natawa kami sa pagiging conyo ni Lian, hindi kasi bagay!! "it's ok my dear!! basta ba next time madami na yan at siguradong masarap ah!!" sagot sa kanya ni Anika na ginaya yung way ng pag sasalita ni Lian "Nakaka-stress!!" biglang sulpot ni Clyde may bitbit syang tray na may lamang carbonara, juice at isang cup ng ice cream, at inabot nya sakin yung ice cream "Bakit si Maddy lang ang may ice cream??" sabi ni Anika na may halong pag tatampo "sya na nga lang yung may sandwich pati ba naman ice cream!!" kaya natawa si Allen at binatukan sya "wag ka nga babe!! kung gusto mo ng ice cream sakin ka magpa-bili!! bakit kay Clyde!!" binatukan din sya ni Anika "tanga! nag paparinig nga ko sayo eh!!bobo mo!!" at parang nainis si Allen "anong sabi mo??!" nag peace sign si Anika "ikaw naman babe nag bibiro lang naman ako gusto ko kasi lambingin mo ko hihihi" pa sweet na sabi n Anika sabay yakap kay Allen "Ehem wag masyadong sweet give some consideration para sa single na tulad ko!!" bigla akong sabi kaya natawa silang lahat "bakit kasi di ka pa mag boyfriend?!" sabi ni Anika "hep! hep! hep! change topic guys, ako lang ba ang nakadama na puro major ang first batch ng exam?! nakakaloka!!" biglang singit ni Lian at palihim akong nag thank you sa kanya kasi alam naman nya na di pa ko ready sa topic na ganun "oo girl!! nakakaloka!! sumakit ng very very little ang brain ko!!" maarteng sabi ni Anika kaya natawa kami sa kanya "feeling ko nga di ako nakapag review sa sobrang hirap ng exam natin parang walang laman utak ko" sabi naman ni Andrei. Tumayo na kami at bumalik na ng room para sa next batch ng exam namin may dalawang subject pa kami bago mag uwian. (Di ko na ikkwento yung nangyari sa exam nila kasi baka mabored kayo pati ako hahahah) Natapos ang mag hapon namin na masakit ang ulo dahil sa sobrang hirap ng exam, puro kasi identification, essay at computation!! parang gusto ko sabihin sa mga prof namin na HRM STUDENTS PO KAMI T^T BAKIT PARANG PANG IBANG COURSE YUNG EXAM LALO NA YUNG FINANCIAL MANAGEMENT??!! or hindi lang talaga para sakin ang math >. "Ok class dismiss, Miss Perez go to admin's office now" at biglang lumabas yung prof namin, tumingin ako kay Lian na hindi naman kalayuan ang pwesto "intayin mo nalang ako beshie sa place mo, si Andrei pupunta pa naman ng library yun" tumango nalang ako sa kanya Pero napapa-isip ako kung bakit sya pinapapunta sa admin's office, hindi naman sya officer ng class namin kaya wala akong maisip na reason. Dumiretso nalang ako sa place ko para dun intayin sila Lian, sila Anika at Allen may date kaya nauna nang umalis, si Clyde malay ko kung asang planeta na, baka nakuha na ng alien. Parang ang tagal na since nag stay ako mag isa dito sa mini garden na to, simula kasi ng dumating si Clyde hindi na ko natahimik. Masarap pa din talaga yung feeling ng mag isa ka ang tahimik ng paligid. Sa sobrang tagal nila Lian hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, naramdaman ko na may kasama na ako at nakahiga sa may damuhan at "hala Clyde sorry!!" napabangon ako ng ma-realize ko na nakahiga ako sa lap ni Clyde "Asdfghjkl gskalbsh jahsb lsjsbg" sabi ni Clyde pero dahil nga sa kakagising ko lang loading ako at walang maintindihan >. "huh?" yun ang tangi kong nasagot sa kanya pero nag hush (sssshhhh) sign ako sa kanya para tumahimik sya at mukang gets nya after 15mins na tulala ako at tahimik kami na puro music lang ang maririnig, nag patugtog sya gamit ang cellphone nya, naging ok na ko "Clyde, anong sabi mo kanina?" nailing nalang sya at natawa "sabi ko ok lang na nakatulog ka, inihiga talaga kita kasi mukang nahihirapan kang matulog ng nakasandal" tumango ako at tinignan yung oras, 4:30 so almost 1 hour akong tulog "si Lian at Andrei nga pala hindi ba pumunta dito?" tanong ko, muka namang hindi sya nakatulog kaya baka alam nya "wala, kanina pa ako nandito pero walang napunta" bakit kaya sobrang tagal nila? nalimutan kaya nila ako "nag aalala tuloy ako, ano kayang ginawa ni Lian sa admin's office?" wala kasi talaga akong maisip na rason kung bakit "beshieeeee I'm sorry sobrang tagal ko ba?!" nagulat ako sa bigla biglang pag sulpot ni Lian kasama si Andrei "anong ginawa mo sa admin's office??" balik kong tanong sa kanya kaya umupo muna sya sa harap ko "ay naku! nakakaloka sila ang hirap makipag talo sa mga prof!! kasi naman Maddy gusto ka nilang kunin na model para dun sa school fest after midterm na di ko ma gets basta tungkol sa pag kakaiba iba ng mga students dito at ikaw ang gusto nilang model sa mga taong aloof and cold chenes ganun" mahabang litanya nya at halatang inis na Inis "bakit ikaw ang kinausap nila at hindi ako?" kasi pwede naman nilang ako ang kausapin diba "kasi alam daw nilang hindi ka papayag kaya dahil BFF daw tayo pilitin daw kita" napairap nalang ako kasi non sense yung gusto nila!!, asa naman silang papayag ako! model daw pero gagawin lang naman akong test subject para sa mga phycology students para may ma-present sa school fest "at kaya ako inabot ng 1hour mahigit kasi nakipag talo pa sila sakin at kung anu-ano ang inoffer para lang pumayag ako na mapapayag ka sa trip nila" tumayo na ko para makauwi na kami "ilang taon na ba nila ako pinipilit dyan, alam naman nilang di ako papayag, tara na nga!!" at nag simula na akong mag lakad "ahm Maddy ok lang ba na dadaan muna tayo sa bahay bago tayo umuwi sa inyo??, Bumalik na kasi Alex" napatigil ako kaya tumigil din sila, nakaramdam ako ng galit pagka rinig ko sa pangalang Alex at mukang naramdaman ni Clyde yung galit ko napa-sigh nalang si Lian "Fine!! alam ko naman na ayaw mong makita si Alex" humarap sya kay Clyde "make sure na mai-uuwi mo si Maddy ng safe kundi patay ka sakin!!" humarap din sya ulit sakin "promise before dinner time nasa inyo na ako, ako ang mag luluto ng dinner ok?!" tumango nalang ako sa kanya Ayoko talaga sa kambal ni Lian, oo kakambal nya, ok naman kami noon ni Alex pero dahil sa ginawa nya sakin kaya sagad ang galit ko sa kanya, muntik na nga masira ang friendship namin ni Lian dahil sa kagaguhan nyang hayop sya!! "MADDY!!" natauhan ako dahil sa sigaw ni Clyde at sa pag-alog nya sakin, andito pala kami sa may bilihan ng mga tusok tusok "ano ba yan kanina pa ko salita ng salita di ka pala nakikinig!!" napayuko nalang ako, guilty eh!! "ok lang naman diba na kumain tayo?? tapos na naman ang midterm bukas" tumango ako at nag simula nang kumuha ng fish ball, kwek kwek at kikiam. After namin kumain hindi pa nya ko inuwi, maaga pa daw kaya dadalhin nya daw ako sa isang place na alam nyang magugustuhan ko. Tahimik kami sa byahe, naka-yakap ako sa kanya at nae-enjoy ko na naman buti nalang mahaba yung byahe kaya feel na feel ko talaga hihihi /landi mode activated/ ay naku my dear mind kung anu-ano na naman iniisip mo!! Nakarating kami sa isang seaside at nag sisimula na ang sunset, ang ganda!! bumaba kami at umupo sa may batuhan, bali kasi nasa may mataas na part kami may wall at mga bato na ginawang hagdan (image nyo nalang yung sa MOA). Hindi naman tago yung lugar na to kasi nasa may highway din sya pero hindi naman gaanong dinadaanan ng mga sasakyan "ang ganda dito Clyde!!" sabi ko habang nakatingin sa magandang scene, napansin kong tumingin sya sakin "dito ako napunta pag nagagalit ako or pag nag aaway kami ng girlfriend ko" pagkasabi nya nun bigla akong napatingin sa kanya "M-may girlfriend ka pala" tanong ko sa kanya, parang sumama yung pakiramdam ko "Oo!! hindi ko pala nakwento sayo?!" napakamot sya ng ulo nya, parang gusto ko ng umuwi, parang nasira din yung magandang scene sa unahan namin "sa school fest ipapakilala ko sya sayo, sa inyo!!" masaya nyang sabi at parang nainis ako "eh bakit mo ko dinala dito?!" cold kong tanong sa kanya "naramdaman ko kasi kanina na galit ka kaya para gumaan yung pakiramdam mo dinala kita dito" tumingin nalang ako ulit sa unahan namin at hindi na umimik pa "bakit ka nga pala nagalit kanina?" hindi pa din ako tumingin sa kanya "Ayoko marinig ang pangalan ng kambal nya, ayoko makita ang kambal nya, ayoko sa existence ng kambal nya" nag sisimula na naman akong mainis dahil sa gagong yun!! "Kambal?? nino? ni Lian? wow may twin brother si Lian?! pero bakit ka galit sa kanya??" hindi ko sya sinagot, at bumaba na sa wall inuupuan namin "Tara na Clyde, masama ang pakiramdam ko" tinignan nya ako at mukang nag iisip sya kung mag tatanong pa ba sya o hindi na "Bilisan mo 6pm na magagalit si Lian pag nakarating sya sa bahay at wala pa ako" sumunod na sya at nag simula na kaming bumyahe pauwi. Pagka dating namin sa bahay wala pa si Lian kaya sabi ni Clyde mag stay muna sya dito sa bahay hanggang sa dumating si Lian. Wala ako sa mood makipag talo kaya hinayaan ko sya manuod ng TV dito sa sala habang ako naka siksik sa kabilang bahagi ng sofa at nakayuko sa arm rest, kung siguro umalis na sya kanina pa ko tulog sa kwarto "Maddy" tawag nya sakin at alam kong nakatingin sya "Ok ka lang ba talaga?" may halo na ng pag aalala yung boses nya "ayos lang ako" sagot ko pero hindi ko inaalis ang ulo ko sa pagka-kayuko "sino ba talaga si Alex, na naging dahilan kung bakit parang bumalik yung dating ikaw na cold??" tinignan ko sya pero wala akong expression, straight face lang "Ex boyfriend ko, ang walang kwenta kong ex at sad to say nag babalik" walang gana kong sagot sa kanya "bakit kayo nag hiwalay??" muka namang hindi sya titigil hanggat hindi ko sinasabi sa kanya "dahil wala syang kwenta, isa syang malaking gago iniwan nya ko at sinira nya ang mundo ko" walang gana at tamad na tamad kong sagot sa kanya "kaya ka ba naging ganyan dahil sa kanya?? kaya ba para kang walang buhay dahil sa kanya? kaya nilalayo mo ang sarili mo sa mga tao dahil sa kanya? kaya ba nung dumating ako mag isa ka dahil sa kanya??" tumayo ako at humarap sa kanya "wala kang alam sakin Clyde kung bakit ako ganto, wala kang pakealam kung sino man ang dahilan ng pagiging ganito ko, wala kang pakealam sa buhay ko" nagsimula na akong magkalad papuntang hagdan "bukas ang pinto, ikaw na ang bahala makaka alis ka na matutulog na ako" at nag patuloy na ko sa pag akyat bahala na sya kung anong gagawin nya tiwala naman ako sa kanya. Pag pasok ko sa kwarto humiga ako agad sa kama ko at nakatingin sa may kisame, bakit nya pa kaylangang bumalik?, bakit ngayon pa na pinipilit kong bumalik sa dating ako, sa dating Maddy na maingay at magulo, ang dating Maddy na masayahin *FLASHBACK* Classmate ko noong first year high school si Lian, dun kami unang nagkakilala sya kasi ang nakatabi ko sa upuan at dahil sa friendly ako masyado (feeling close to be exact xD) naging close agad kami. Sa ilang araw namin na magkasama nakilala ko si Alex, Lio Alex Perez ang kakambal ni Lian na nasa 2nd section, siguro kung pagsusuotin sya ng wig na mahaba magiging si Lian sya dahil sobrang magkamuka sila!!. Naging close kaming tatlo at nag palipat si Alex sa section namin na pinayagan naman kasi same average lang sila ni Lian, kaya lang sila pinaghiwalay dahil gusto nila. 2nd year kami ng umamin sakin si Alex na gusto nya daw ako (haba ng hair ko diba?!!) pero masyado pa kaming mga bata kaya parang wala lang sa amin at umamin din naman ako na may gusto ako sa kanya (pabebe po kasi). 3rd year nag simula syang manligaw pero hindi pumayag sila mama at papa, pag aaral daw muna ang unahin namin kaya wala kaming nagawa kaya nakuntento kami sa pagiging magkaibigan, palagi silang nasa bahay namin or ako sa bahay nila. Naging close din ang mga parents namin dahil samin. 4th year hindi na namin napigilan, naging kami na!! (finally ang haba ng proseso namin diba! kasi di na namin napigilan!! kami ay nag mamahalan!!) ayaw man ng both parents namin wala silang nagawa pero nangako kami na hindi namin pababayaan ang pag aaral namin. Every grading period nasa top kaming tatlo, kahit nuong 1st to 2nd year kaming tatlo lang ang laging naglalaban sa top3 sa overall ranking ng school pero di namin pinipersonal, aral lang. Masasabi ko na 4th year is the best year dahil kami na ni Alex at sobrang suportado kami ni Lian, everything was perfect kahit nag aaway kami ni Alex normal naman yun iba?. And finally malapit na ang graduation!! si Lian ang valedictorian at ako ang salutatorian, isang linggo nalang graduation na namin akala ko yun na ang pinaka masayang araw kasi mapatunayan namin ni Alex na kahit in relationship kami hindi namin napabayaan ang pag aaral pero biglang binawi ang lahat ng kaligayahan ko. Nalaman ko na in 2days aalis na si Alex papuntang Korea para tuparin ang pangarap nya, napili sya ng isang sikat at iniidulo nyang Korean Choreographer at sa Korea iti-train at pag aaralin sa SMAC (Seoul Music and Art's College). Hindi nya sinabi sa akin na aalis sya kaya pala palagi syang busy at hindi kumuha ng entrance exam sa school na papasukan namin ni Lian. Nung nalaman ko yon sa isang kaibigan namin pumunta ako agad sa bahay nila sinalubong nya ko pero sampal ang sinalubong ko sa kanya "Kelan mo planong sabihn sakin na aalis ka??" pero masaktan ako dahil coldness ang nakita ko sa muka nya "buti naman at nalaman mo na?! sinabi ba sayo ni Lian? pakealamera talaga sya" nag hihintay ako na mag explain sya pero wala, kaya napayuko ako "Alam na ng lahat pero ako lang ang walang alam, bakit Alex?? bakit mo tinago sakin??" di ko na napigilang umiyak, mukang walang tao sa bahay nila kasi walang nalapit sa amin "Maddy let's break up" yun lang ang sinagot nya at tinalikuran na ko, sa pagkabigla ko feeling ko nabingi ako pero isang tawag sa phone ang pumukaw sa pagka tulala ko, si kuya Josh pala ang natawag "Maddy asan ka?? pumunta ka sa walaakongmaisipnaname hospital sila mama naasidente" tumakbo na ko palabas ng bahay nila Alex at sumakay ng taxi papuntang hospital. Nakarating ako agad sa hospital pero malala ang lagay ni mama at papa, bumangga ang kotse na sinasakyan nila at sobrang lakas daw ng impact, di ko na alam ang lahat ng details dahil masyado nang magulo at masakit ang araw na to, gusto ko sana matulog muna dahil hindi pa nag si-sink in sakin ang lahat lahat. Kinabukasan pumunta sa hospital ang Perez family, si Lian kahapon pa nandito, pagkatawag ko sa kanya pumunta na sya agad, nakita ko si Alex hindi kami nag papansinan, nilapitan ako ng mama at papa nila "everything will be fine Maddy, be strong" sabi sakin ni tita at yumakap, pano ako magiging strong kung yung taong nagpapalakas sana sakin iniwan ako??. Nasa emergency room pa din sila mama at hindi ko alam kung ligtas na ba sila dahil si kuya Josh ang nakikipag-usap sa mga doctor, ako nag babantay sa kanila kasama sila Lian, hindi kami nag uusap usap at walang nagtangkang basagin ang katahimikan, ilang oras nalang din pala aalis na si Alex, 11pm mag chi-check in na sya sa airport dahil 3am ang flight nya sobrang sakit ng puso ko. Umalis muna sila tita dahil bibili daw sila ng makakain, si Lian kukuha muna ng gamit sa bahay para pamalit ko kaya kaming dalawa ni Alex ang naiwan, maya maya nag salita ako "Alex!" tawag ko sa kanya pero tinignan nya lang ako at iniintay ang sasabihin ko "Can we fix this?? i mean us? pwede bang pag usapan natin ang lahat?? bakit kaylangan natin mag break?? nagalit lang naman ako dahil hindi mo sinabi sakin ang plano mo, naiintindihan ko naman lahat eh pangarap mo yun" pinipigilan kong umiyak para masabi ang lahat "Seriously Madison?? Your parents are in danger pero yan ang iniisip mo?? kalandian ang inuuna mo??" nag pantig ang tenga ko sa huling sinabi nya "What?!! Kalandian??" i can't believe na kalandian lang ang ginagawa ko para sa kanya!! I'm trying to fix our relationship tapos!! "oo kalandian!! Alam mo ba na wala lang sakin yung relasyon natin?? pinagkatuwaan lang kita, past time, my toy, di ko nga akalain na aabot ako ng apat na taon sa pakikipag laro ko sayo! siguro dahil bestfriend ka ni Lian kaya tumagal ng ganun, alam mo ba na ayoko talaga sayo?? Kasi ang ingay mo! isip bata ka! ang daldal mo!! ang clingy mo!! buti na nga lang hindi ka mahigpit sakin kaya nakaka porma ako sa ibang babae kasi ang boring mo!! Buti pa nga si Krista (classmate namin) mas masaya kasama, mas masaya i-display na girlfriend kaso minsan lang kami makapag date dahil sayo, Kung hindi lang ako pinipilit ni Lian baka di kita niligawan!! Ang plain mo lang kasi at super bo-" "ENOUGH!! GET OUT!!" pagkasigaw ko nun biglang may tumunog na kung ano sa mga aparato na nakakabit kila mama at papa kaya nataranta ako sa sobrang lutang ko di ko na alam ang gagawin ko kaya na tulala nalang ako kila mama natauhan ako nung biglang nag datingan yung mga nurse at doctor at dinala ako nung isang nurse sa labas and the next thing I know is nasa tabi ko na si kuya at may lumabas na doctor "GINAWA NA NAMIN ANG LAHAT, IM SORRY" napaluhod nalang ako dahil hindi ko na kaya, hindi na kaya i-process ng utak ko ang lahat lahat sobrang sakit!! Hindi ko alam kung pano ako nakatayo pero ang alam ko lang ngayon ay natakbo ako palabas ng hospital at tinatawag ako ni Lian pero di ko sila pinansin, takbo lang ako ng takbo at hindi ko alam kung saan ako papunta ang gusto ko lang ay matakas at maka-layo sa lahat, hindi ko na kaya. *END OF FLASHBACK*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD