"MADISON CLAUDETTE ORCULLO!!!!" ayan na naman si Lian ang aga aga ang ingay 😑 , akala nya siguro tulog pa ako, wala kasing pasok ngayon
"LIZA ANGELIE PEREZ NASA KITCHEN AKO" sigaw ko kasi alam kong sa kwarto sya didiretso, may sariling susi sya ng bahay namin ibinigay ni Kuya Josh sa kanya
"nag luluto ka?! Hala! ambisyosa ka di ka marunong mag luto!" totoo naman na hindi ako marunong mag luto, nag HRM lang ako dahil sa kanya
"Judgemental ka! Kalma ka nga! oo hindi ako marunong mag luto pag walang guide mo!" umupo sya sa may gilid at pinapanuod ako mag luto
"Ano bang trip mo at naisipan mong mag luto?" di ko din alam basta pag gising ko feel kong mag luto
"di ko din alam beshie, adobo lang naman to kaya hindi ganun ka-effort kaya eto nalang lunch natin" tapos na ako kaya kumuha ako ng spoon para mkakatikim si Lian
"Wow taray! masarap sya parang professional ang nag luto!" natuwa ako sa sinabi nya kaya napangiti ako ng malapad
"Oy ang lapad ng ngiti! kalma baka lumaki ang ulo mo nyan!" hinampas ko at lumakad na patungo sa mini sala namin sumunod naman si Lian ng may dala ng cake na ginawa ko, hindi ako marunong mag luto pero marunong ako mag bake
"alam mo beshie perfect girlfriend ka if ever! bakit di ka pa kasi mag boyfriend!" ayan na naman kami sa topic na yun
"Lian alam mo naman na hindi pa ko ready sa ganyan tsaka diba-" I sigh and look at her
"I know, soon makikita din kitang masaya with your boyfriend" biglang may kumatok kaya tumayo si Lian "ako na, sino bang iniintay mong bisita?" actually wala naman akong iniintay na bisita kaya sumunod ako sa kanya para malaman kung sino
"Hi" bati ni Clyde kasama si Anika at Allen
"anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Lian sa kanila
"yayayain sana namin kayo mag gala" sagot ni Anika
"ayaw! bigyan nyo kami ng bff time ni Maddy ok?!" natawa ako sa reaksyon ni Lian! araw araw kaya kaming mag kasama >."minsan lang naman Lian pag bigyan mo na kami! araw araw nyo na nga kasama ang isa't isa eh" sabi ni Clyde
"pano nyo ba nalaman tong bahay ni Maddy?" bigla nilang tinuro si Clyde kaya tinignan sya ng masama ni Lian
"pano mo nalaman ang bahay ni Maddy? SAGOT!" galit ang tono ni Lian pero nag bibiro lang naman sya
"ah ano kahapon nung pauwi ako nakita ko sya na dito pumasok taga kabilang subdivision lang kasi ako" alangan na ngumiti si Clyde at piningot sya ni Lian
"Stalker!"
Wala nang nagawa si Lian at ayokong gumala kaya dito na sila sa bahay napatambay, nag lunch na muna kami bago kami mag movie marathon
"ang sarap ng adobo" sabi ni Clyde kaya napangiti ako
"si Maddy ang nagluto at first time nya mag luto sa buong buhay nya ng hindi ako hinihingian ng tulong, hindi kasi talaga sya marunong mag luto" sagot ni Lian
"Wow talaga?! Kaya pala lagi kayong mag ka group at magkasama pag by partner" react ni Anika
"Oo kasi lagi syang naka alalay sakin sa pag luluto kasi nalilimutan ko yung procedure, pero marunong ako mag bake" tumayo ako at kinuha ang mocha cake na ni-bake ko kanina.
Pag tapos naming kumain pumunta na kami sa sala namili sila ng panunuorin habang kaming dalawa ni Clyde ang nag ligpit at nag hugas ng pinag kainan
"Nakakatakot kanina si Lian! at ang sakit mamingot" biglang nag salita si Clyde
"Mas matakot ka pag nalaman nyang sumuway tayo sa gusto nya at hinatid mo ko dito kahapon tsaka sadista talaga sya" natatawa kong sagot
"Asan ang parents mo?" naibagsak ko yung baso pero nasalo nya kaya hindi nabasag "wala na sila" hinarap ko sya at pinilit ngumiti "sorry" sagot nya
Bumalik na kami sa sala ng tahimik, tulala lang ako kaya hindi ko alam kung ano ang pinapanuod nila
"Maddy" tawag sakin ni Lian
"Ayos ka lang?" nakita ako ang pag-aalala sa muka nila ni Anika kaya ngumiti ako
"Oo ayos lang ako" nag patuloy na sila sa pinanunuod nila at patuloy ako sa pagka-tulala tapos biglang may ice cream na sumulpot sa harap ko
"Sa sobrang pagka-tulala mo hindi mo na napansin na umalis ako para bumili ng ice cream" kinuha ko ang ice cream kay Clyde
"Sorry kasi nagtanong pa ko tungkol duon" ngiti nalang ang nasagot ko sa kanya.
***
Mabilis lumipas ang mga araw kaya malapit na ang midterm examination namin, patuloy pa din ang pag ba-bonding namin nila Anika at patuloy pa din akong ginugulo ni Clyde >_"Maddy!"
"Maddy!"
"Maddyyyyyyy!!!"
"Madison!!"
"Clyde ano ba?! hindi ka ba mananahimik?! nag rereview ako!" pagalit na sabi ko sa kanya
"Kain tayo sa tusok tusok sa labas ng school" paawa na sabi nya
"Hindi pwede sabay kami uuwi ni Lian, sa bahay sya matutulog ngayon" patuloy pa din sa pag hatid sakin si Clyde, pati pag sundo pero hindi pa din alam ni Lian
"Ano ba yaaaaan ang daya naman!" may himig na pag tatampo si Clyde "one week na kitang di nakakasama eh!!" natatawa ako sa kanya! dahil malapit na ang midterm week walang date si Lian at Andrei kaya palagi kami ni Lian ang sabay umuwi at natutulog din sya sa bahay dahil nag rereview kami
"Para kang sira ngayon palang oh! magkasama na tayo!" actually magkatabi pa nga kami
"Iba to eh! Di na kita nakakasama kumain sa labas, di ko makasama yung food buddy ko!!" nakakatawa sya kasi para syang bata
"pag tapos nag midterm ok?!" bigla syang tumayo at umalis, tsk bahala nga sya.
Maya maya lang din dumating na si Lian kasama si Andrei kasi ihahatid nya kami hanggang sakayan
"Maddyyyyyyy naloloka na ako ang hirap naman ng Financial Management subject natin" reklamo ni Lian habang naglalakad kami
"Di ko nga alam kung bakit may Financial Management subject tayo eh, akala ko luto luto lang tayo" pabiro kong sagot ko sa kanya "muka ngang gusto ko mag sisi kasi nag HRM ako" kaya natawa sakin si Andrei
"Nag sisisi ka ba na nakasama mo kami?" biglang tanong ni Andrei kaya tinignan ko sya ng masama "sabi ko nga masaya ka eh" kaya nagtawanan nalang kami at sumakay na kami ni Lian sa Jeep.
After nung araw na yun hindi pagpaparamdam si Clyde at di nya ko pinapansin sa room at 4 days na ang nakakalipas!! nalulungkot ako at di ko alam ang gagawin, kahit sa text di sya nag paparamdam :(
"Maddy ayos ka lang ba?!" tanong sakin ni Lian, andito kami sa canteen
"huh?! ah oo okay lang ako" tapos tumungo na ko sa lamesa, wala akong gana kumain pero pinilit ako ni Lian kaya andto ako
"kanina ka pa matamlay, ano bang problema?" hays ayokong sabihin kay Lian kasi in the end malalaman nyang hinahatid ako ni Clyde
"wala ayos lang ako wag mo akong alalahanin" ngiti ko sa kanya at bumili nalang ng ice cream
Bakit ba kasi ako nagkaka-ganto? bakit ba kasi hinahanap ko ang presence ni Clyde? nasanay na kasi siguro ako na andyan sya palagi, na andyan sya para mangulit, na andyan sya para mapangiti ako, nagalit ba sya kasi tinatago namin kay Lian yung pag hatid nya sakin? galit ba sya kasi di ko sya sinamahan kumain kahit saglit habang nag iintay kay Lian? napaparanoid na ko waaaaaaa
"MADDY!!" sigaw ni Lian, kasi sa sobrang pag iisip ko at dala na din ng inis kaya hindi ko namalayan na naibato ko pala yung ice cream at tumama kay
"CLYDE?!!" napatayo ako at lumapit sa kanya "waaaaaaa sorry" kumuha ako ng tissue at tinulungan syang tanggalin ang ice cream sa muka nya
"ANO BANG TRIP MO MADISON?! KUNG AYAW MO SA ICE CREAM ITAPON MO NG AYOS" pa-sigaw nyang sabi sakin at pag tingin ko sa mata nya nakita yung galit at inis nya kaya pag titig na lang ang tanging nagawa ko.
Di ko alam kung anong ire-react ko kasi ang tagal na nga nyang hindi nagparamdam tapos eto nagalit pa sya, so galit ba talaga sya kaya nanging ganon sya? ano baaaaaa ang gulo ng nararamdaman ko, ayokong magalit sya!!
"Maddy" natauhan ako nung tinawag nya ko at dun ko naramdaman na umiiyak na pala ako
"Clyde hindi mo sya kaylangang sigawan!!" sabi ni Lian na katabi ko na pala, tumakbo nalang ako kasi di ko talaga alam ang gagawin ko
tumakbo ako hanggang sa makarating sa place ko, at umiyak ng umiyak
"Maddy?" napatingala ako sa tumawag sakin, si Clyde
"sorry kung nasigawan kita" pinunasan nya yung luha ko kaya mas lalo akong naiyak
"Hala! oy bakit mas lalo kang umiyak dyan" nataranta sya at di nya alam ang gagawin tapos bigla ko syang niyakap
"Huwaaaa huhuhu sorry, sorry huhuhu, sorry kung natapunan kita ng ice cream, sorry kung di kita sinamahan kumain ng tusok tusok, sorry kung *sniff.sniff* sorry sorry sorry sorry" iyak ako ng iyak pero tumawa sya kaya kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinigan sya ng masama, umiiyak na nga ko dahil sa kanya tinawanan pa ko!!
"Wait wag ka magalit! natatawa kasi ako sayo eh, hindi ako galit! Iniisip mo siguro na galit ako kasi di kita pinapansin?!" tumango ako "sabi mo nga diba malapit na ang midterm, kaya hinayaan nalang kita mag review kasi nag rereview din ako, nagulat lang talaga ako kanina kaya nasigawan kita, sorry na din" ginulo nya ang buhok ko at tumabi sya sakin kaya sumandal ako sa balikat nya
"Clyde" tawag ko sa kanya habang nakasandal pa din sa balikat nya
"Hmmmm?" tumingin sya sakin at iniintay ung next na sasabihin ko
"di ko alam kung bakit ako umiyak nung nagalit ka, pati na din dun sa thoughts ko na galit ka naiiyak na ko kaya sana kung galit ka sabihin mo agad sakin para makapag sorry ako" natawa sya kaya ginulo nya ang buhok ko, hindi na sya nag salita kaya tinatamaan na ko ng antok dahil sa pag iyak ko kaya hinayaan ko nalang na nakatulog ako
"ang cute nila oh"
"bagay silang dalawa"
"ano ba yung eksena nila kanina?"
"ewan ko dyan!! may pag iyak na nalalaman!"
"nagulat nga ako kasi hindi naman ganyan yan si Maddy"
nagising ako sa ingay sa paligid, nakaka asar naman kita ng may natutulog eh, pumasok na naman siguro si Lian sa kwarto ko!
._.
o_o
O_O
D_O
"Yaaaaaaaaa" pag angat ko ng ulo ko parang nauntog ako pag tingin ko nasa gilid ko si Clyde na parang nagugulat din sa nangyayari
"ano bang nangyayari?" tanong ni Clyde at halatang kakagising lang din
"ang sarap ng tulog nyo dyan ah! anong drama nyo kanina?" tanong ni Anika na natatawa, tulala pa ko kasi loading pa ako dahil nga sa kakagising ko lang
"Huh?" yun lang talaga ang naisagot ko kaya napatawa na naman si Lian
"ay naku tara na nga! kain muna tayo! wala tayong makukuha na sagot dyan kay Maddy, loading yan pag bagong gising" tumayo ako at sumunod na sa kanila.
"Pre ano bang drama nyo kanina?" tanong ni Andrei
"wala yun pre akala nya kasi galit ako sa kanya" explain ni Clyde
"hindi naman ganyan yan si Maddy kahit madaming galit sa kanya eh" sagot naman ni Anika
"may misunderstanding lang talaga lalo na nung last na nagkita kami kaya siguro naging ganun" sagot naman ulit ni Clyde, at dahil ok na ko sumagot na din ako
"Oo epal kasi yan si Clyde, wala yun hahaha" ayoko mag kwento dahil di ako titigilan nyan ni Lian.
Nakarating kami sa McDo dahil eto ang pinaka malapit na fast food restaurant at favorite namin dito ni Lian
"humanap ka na ng seats ako na ang oorder" sabi ni Lian kaya nag hanap na ko ma-uupuan
mga 5 mins din ako nag intay bago ko nakita na papalapit na si Lian at Andrei, alam na naman kasi nila ang gusto ko kaya ako na nag hanap ng pwesto namin, gusto ko din kasi na malapit sa may window.
Umuwi na kami pag katapos namin kumain sa McDo, kasama pa din namin sila kasi naisipan nila na mag group study dahil bukas na ang start ng midterm namin gusto pa nga nila na mag sleep over sa bahay ko kaso hindi pinayagan si Anika kaya pag sapit ng 10pm umuwi na din sila, tanging kami nalang ni Lian ang nandito sa bahay
"may hindi ka ba sinasabi sakin?" tanong nya bago humiga, mag katabi kami matulog ayaw daw nya sa kwarto nya, oo may kwarto na sya dito yung dating guest room namin
"wala naman bakit?" sagot ko pero sa kisame ako nakatingin
"so ano yung drama mo kanina?" ay naku sinasabi ko na nga ba hindi yun palalagpasin ni Lian
"wala nga lang yun" nilingon ko sya at naka titig sya sa kin at halatang ayaw nyang maniwala
"fine, magku-kwento na nga ako eh" no choice ako kasi hindi mag papatulog yan pag ganyan
kinuwento ko na din yung sa pag hatid sakin ni Clyde kaya nainis sya kasi di daw talaga ako marunong makinig sa kanya, pati yung pagiging food buddy namin nakwento ko na din at especially yung reason nung eksena namin kanina
"Oh my god!! May gusto ka kay Clyde?" natanga ako sa sinabi ni Lian
"Ano ka ba?! gusto agad?! hindi ba pwedeng attachment lang?!" kasi kung gusto na agad parang masyadong mabilis!!
"eh bakit ganun ka maka react?! ay naku ikaw ah!" kaya ayokong mag open sa kanya eh
dahil late na nag sabi na ko sa kanya na gusto ko nang matulog kaya di na nya ako kinulit pa, gusto? agad? in just almost 3 months? possible ba yun? malay ko ba dyan!!.
Hindi ako nakatulog agad kasi pinag iisipan ko yung sinabi ni Lian, gusto ko na nga ba si Clyde?! kung may gusto na ko kay Clyde pano na si -- never mind!!
Maaga nagising si Lian kaya automatic maaga din ako nagising kahit wala pa akong masyadong tulog, buti nga hindi sya nagising kahit na pabaling baling ako sa higaan
"Mag hahanda na ko ng almusal maligo at mag ayos ka na tapos bumaba ka na" sabi ni Lian habang nag susuklay, pero di pa sya nag bibihis kasi mag luluto pa sya
kumilos na ko kasi pag na-late kami ng dahil sakin patay ako sa kanya
*beep.beep* (sorry na po sa ganyan)
× NEW MESSAGE RECEIVED×
From: Clyde
Good Morning :)
Good luck sa midterm, susunduin kita ok lang ba?
napangiti ako sa maaga nyang pambungad kaso papayag kaya si Lian? hays :( kumilos nalang muna ako mamaya na ko mag rereply sa kanya tutal maaga pa
Mabilis lang akong naligo at nag bihis, pag baba ko nakaready na ang breakfast namin
"Wow! My favorite!!" bungad ko kasi fried rice, egg and fried chicken ang alumsal namin
"Umupo ka na para makakain na tayo" umupo na ko at kumain kami ng tahimik
"ahm Lian?" tumingin sya sakin at iniintay ang sasabihin ko
"susunduin ka ba ngayon ni Andrei?" tumango sya habang nainom ng hot chocolate
"ok lang ba na sunduin ako ni Clyde??" napangiti ako sa kanya habang nag iintay ng sagot
"ok lang naman sakin bes kaso paalala lang ah! baka maulit na naman?!" napangiti ako sa kanya to assure her na ok lang ako ako.
Nag text na ko kay Clyde na ok lang na sunduin nya ako, hindi muna umalis sila Lian inintay nilang dumating si Clyde at maya maya maya lang dumating din sya
"Hoy Clyde!! siguraduhin mong safe na makakarating yang bestfriend ko ah!! dahan dahan sa pag da-drive!! may sariling helmet ba si Maddy?" bungad ni Lian kay Clyde kaya napa-iling nalang kami ni Andrei sa kanya
"wag ka mag alala Lian meron na syang sariling helmet, dinala ko yung extra helmet ko" sabi ni Clyde habang itinaas ang isang helmet para makita ni Lian.
Dahil settled na ang lahat umalis na kami, kami ang unang pinaalis ni Lian para daw makikita nya kami sa byahe, naka kotse sila ni Andrei.