Nakatingin ako sa kanya, sa taong mahal ko, may kasama syang iba pero ang sinabi nya sakin busy sya sa trabaho nya. Alam kong hindi lang ako ang babae sa buhay nya pero nagpapaka tanga ako para hindi nya ako iwan, ayoko!!, mahal ko sya kaya kahit alam kong dalawa kami kumakapit pa din ako sa kakapirasong pag asa na hindi nya ako iiwan. Tanga na kung tanga pero mahal ko talaga sya at hindi ko kaya na mawala sya.
Umuwi ako at nag kulong sa kwarto, iniyak ko ang lahat, masakit kasi, sobrang sakit pero ayoko talaga syang pakawalan, hindi ko kaya.
Naramdaman kong may pumasok at alam ko kung sino, ang kaibigan kong si Lian "Maddy shhhh" sabay kayap sakin kaya napahagulgol na naman ako
"Lian ang sakit, bakit ganun sya!! Umaasa ako na magiging akin sya pero bakit hindi?! bakit ang tanga tanga ko? Bakit mahal na mahal ko sya?" hinahagod nya ang likod ko para mahimasmasan ako pero mas lalo akong nag breakdown
"Maddy sa ilang taon hindi ka pa ba nag sasawa sa sitwasyon mo? Ewan ko ba naman kasi sayo at nagmahal ka ng lalaking ganun" pagalit nyang sabi sakin pero naka-yakap pa din sya.
Ano ang sitwasyon ko? Alam ko na pangalawa lang ako, sa simula pa lang kaso hindi ko napigilan at minahal ko sya, sobrang mahal ko sya.
Kabet? hindi ako kabet kasi hindi sila kasal kaya patuloy pa din akong umaasa kahit alam kong 0.1% lang ang chance na mahalin nya din ako.
Sa sobrang iyak ko di ko namalayan na nakatulog na pala ako, ayoko nang magising, kung pupwede lang kaso meron paring parte sa sarili ko na gusto kong gumising para makita sya.
3 years ago
Nasa likod ako ng class room namin at may mini garden dito na ako lang ang nag pupunta, dito ako palagi pag gusto ko ng me, my self and I time. Gusto ko kasi yung may time ako para makapag isip isip ng mga bagay bagay.
Usually na scenario ko is nakaupo sa may damuhan at nakasandal sa may puno, naka earphone at nag babasa or kung hindi ako nag babasa naka pikit lang ako para makapag isip isip.
Naramdaman ko na may dumating, akala ko si Lian, yung bestfriend ko kaya binaba ko ang librong hawak ko bago ko sya tignan, pag angat ko ng tingin nakaupo sya at nakaharap sakin
"Sino ka?!" tanong ko sa estranghero, ngumiti sya sakin kaya napasimangot ako, hindi sa nag mamaldita ako kaso feeling close kasi sya kung ngumiti
"I'm Clyde Axel Tolentino, transfer student, Ikaw?" nag indian seat sya at nakangiti ng alangan
"Madison Claudette Orcullo" biglang similay ulit sa kanya ang isang malapad na ngiti na akala mo close kami π
"Nice to meet you Maddy" inabot nya ang kamay nya tsk!! shake hands?! FC naman tong taong to
"Same to you" hindi ako nakipag shake hands sa kanya, ibabalik ko na sana ang earphone ko pero pinigilan nya ako
"Pwede bang dito din ako tumambay? Wala pa kasi akong kaibigan eh" aba!! nagpa-awa pa!! anong akala nya aso sya?!
"Hindi ko naman pag mamay-ari ang lugar na to kaya bahala ka sa buhay mo, wag mo lang akong guluhin" binalik ko na ang earphone ko at pumikit, naramdaman ko na tumabi sya sakin kaya nawalan tuloy ako ng gana mag basa. Tumayo na ako para umalis, hindi ko na feel dito dahil may kasama na ako at para makauwi na kami ni Lian
"saan ka pupunta?" tanong ni Clyde kaya tinignan ko sya ng masama
"wala kang pakealam, hindi tayo close" humawak sya sa dibdib nya akala mo ay nasasaktan
"awwwww akala ko pa naman friends na tayo" inirapan ko nalang sya at nag tuloy na sa paglalakad, wala namang sense na mag usap kami kasi hindi ko sya kilala.
"Beshie!! Nakuuuu pumunta ka na naman ba sa sarili mong planeta?" bungad sakin ni Lian ng makita nya ako na nag lalakad
"Gusto ko-" pinutol nya ang sinasabi ko at sya ang nag tuloy
"Gusto ko lang naman mapag-isa at makapag isip isip ng mga bagay bagay" ginaya nya pa yung way ng pag sasalita ko sabay irap! "Naku! araw araw mo naman sinasabi yan Maddy! sanay na ko!" saka ako natawa dahil sa patampo effect nya.
Simula first year high school magkaibigan na kami ni Lian kaya alam na alam na nya ang ugali ko, pero ang hindi nya daw ma-gets yung iba ang ugali ko pag nasa school at pag kami nalang dalawa pag nasa labas ng school. Sa school kasi oo nakikipag kulitan at biruan ako sa kanila pero tahimik at layo ang loob ko sa iba maliban nalang kay Lian.
"Gusto mo sumama kila Anika? mag gagala sila sa mall?" bigla nyang tanong habang naglalakad kami papunta sa locker room para makapag palit ng sapatos
"Kung gusto mo mag gala gala sige lang mauuna na akong umuwi" nakangiti kong sabi sa kanya
"Maddy ano ba?! Sumama ka naman samin paminsan minsan! ang KJ mo! Piling tao lang ang sinasamahan mo dali na sumama ka na please Madison minsan lang ako magyaya sayooooo lagi mo na nga akong iniiwan pag gusto mo ng alone time, gusto ko sama sama tayo mag bonding Maddyyyyyy asdfghjkl" pinasakan ko ng isang buong cupcake ang bibig nya para tumahimik wala na syang preno sa pag sasalita eh π.
Wala akong nagawa kundi ang sumama sa pag gagala nila sa mall, mas gusto kong sa bahay at matulog nalang sana kaso kinuha ni Lian yung precious earphone ko at sisirain nya daw kaya sumama nalang ako, minsan lang naman.
"Anika!! Yiiii kasama ko si Maddy" masayang sabi ni Lian pag dating namin sa may bus stop, dun kasi ang meet up dahil yung iba may last subject pa, paalala po college kami at graduating na :)
"Wow! Simula first year college tayo ngayon ko lang makaka-bonding si Maddy outside school!!" amaze na sabi ni Allen, boyfriend ni Anika
"alam nyo masaya yang kasama si Maddy, hindi lang talaga sya showy sa school! lam nyo na valedictorian" sabi ni Andrei, boyfriend ni Lian, oo may boyfriend sya ako na wala -_-
Tinignan ko ng masama si Andrei "may sinasabi ka Andrei?" marahas syang umiling at nag sign ng mouth zip kaya natawa sila
"may iniintay pa ba tayo?" tanong ni Lian, kasi hindi pa kami nasakay ng bus
"Hi guys" bati ng bagong dating "you?!" napalingon sila sakin "hi Maddy" nagpalingon lingon naman samin si Lian
"magkakilala na kayo?" tanong nya kaya sumagot ako agad "he invade my private planet" sagot ko kaya pakunot ang noo ni Clyde
"private, what?" naguluhan nyang tanong, tsk slow poke π
"alam mo Clyde may sariling mundo kasi si Maddy, yung mini garden sa likod ng vacant room, palagi sya dun at alam ng mga students na tambayan ni Maddy yun" explain ni Anika
"And so?" tanong nya pa, wala kasing napunta dun kasi alam nila na andun ako, layo sila sakin kasi masama daw akong tumingin, parang papatay kaya ilag sila sakin, kasi kung guguluhin nila ako talagang papatayin ko sila π
"Madami kasing takot sa kaya, buti hindi ka natakot sa mga tingin nya?" tanong ni Andrei, palibhasa kasi pag tinignan ko sya ng masama alam nyang sasaktan ko sya, mas takot pa sya sakin kesa kay Lian
hinawakan naman ni Clyde ang ulo ko at ginulo ang buhok ko, ano ko aso? π "hindi naman sya nakakatakot eh, gusto ko nga ang mga mata nya eh" sagot nya kaya tinignan ko sya ng masama "hindi ako natatakot, walang effect sakin yan" at ginulo ulit ang buhok ko >."Hi" bati ni Clyde na kakadating lang, hindi ko sya pinansin kaya kinalabit nya ko
"Uyyyy!"
"Maddy!"
"Maddy!"
"Maddyyyyyyy" π ang ingay nya kainis
"Madison Claudetteeeee~" tinignan ko sya ng masama kaya ngumiti sya
"Bakit ang suplada mo?" tanong nya sabay upo sa tabi ko
"bakit ka ba tanong ng tanong?" naiirita na ko sa kanya
"akala ko kasi friend na tayo, mukang hindi pa pala" malungkot ang tono nya kaya tinignan ko sya, nakayuko sya kaya parang nakunsensya ko
hahawakan ko sana sya ng aksidente kong nahatak yung earphone ko kaya narinig nya kung ano ang pinakikinggan ko
~ So I tell her sweet lies, sweet lies, sweet lies
sesangeseo gajang dalkomhan geojit Baby
I tell her sweet lies, sweet lies
weonhaneun ge igeoramyeon da hae julkk~
"fan ka pala ng EXO?" tinignan ko sya, nag iintay ako ng next na sasabihin nya
"bakit ganyan ka tumingin? hindi ako fan ng EXO ah!" natawa ako sa reaksyon nya kasi marahas syang umiling "nagkataon lang na naririnig ko sa pinsan ko yung mga kanta ng EXO kaya alam ko" paliwanag nya
"wala naman akong sinabi ah! defensive ka!" saka ako natawa
"ayan tumawa ka din! so ano friends na tayo?" tumango nalang ako, wala namang masama mag dagdag ng kaibigan diba?
Dahil sa kakulitan ni Clyde wala akong nagawa kundi ang makinig sa mga kwento nya na walang kwenta pa
"Oy ang gwapo ko kaya wag ka ngang ano dyan!" natawa na naman ako sa sinabi ni Clyde
"Woooow grabe may bagyo na naman talaga!" tawa talaga ako ng tawa, hinabol daw kasi sya ng aso dahil gwapo sya
"nag dududa ka ba sa kagwapuhan ko? hindi ka ba naniniwala?" tanong nya tapos inilapit nya ang muka nya kaya natawa na naman ako!
"Oo! kasi kahit saang angulo hindi ko makita na gwapo ka!" inilapit ko din ang muka ko sa kanya, gwapo naman daw kasi sya sabi ng iba kaso hindi ko talaga nakikita yun hahahaha
"EHEM!! ang lapit ng muka ah! kayo na ba? Wow naman beshie boyfriend mo na si Clyde?" biglang sulpot ni Lian kasama si Andrei kaya napalayo ako kay Clyde
"aba! aba! aba naman! napapansin ko sa loob ng ilang linggo pala ngiti na dito sa school si Maddy yun pala dahil kay Clyde!! Ikaw beshie nag sisikreto ka na ah!" natawa ako sa kanya
"Issue ka Lian!! loko loko kasi tong si Clyde wag ka ngang ano dyan!!" natawa na naman ako kaya tinignan na ako ni Liam ng may halong pang-aasar
"Halaaaaaa Clyde ikaw lang nakapagpatawa dyan ng paulit ulit dito sa school hmmm nakakatuwa to" sabi ni Lian
Sabay sabay kami lumabas ng campus ni Lian at Andrei, hindi namin kasama si Clyde kasi may may dala syang motor kaya nauna na sya
"sure ka Maddy na hindi ka na namin ihahatid?" tanong sakin ni Andrei habang nakatigil kami sa may gilid ng gate
"Oo sure ako! hindi na ako bata tsaka mag lalakad lakad muna ako dyan mag titingin tingin" nag beso na kami ni Lian
"Mag text ka pag nasa bahay ka na ah! mag iingat ka! hatid ka na kaya namin?" etong si Lian OA na naman π
"Beshie 18 na po ako hindi kindergarten na kaylangan pang ihatid sa bahay ok? Now shooo!" nag last good bye kami at nauna na silang umalis ni Andrei.
Nag lakad lakad ako hanggang sa bilihan ng mga street foods, makakain nalang muna ng kwek kwek bago umuwi para matutulog nalang ako diretso
*beep beep*
napalingon ako sa bumusina, si Clyde at naka motor sya. Pinarada nya sa gilid yung motor nya at lumapit sakin, tinignan ko lang sya, kumuha sya ng baso at ng kwek kwek
"Naku Maddy wag masyadong titig! Oo na gwapo na ko!" tinaasan ko sya ng kilay at tumawa
"jusko lumapit na naman yung walking bagyo, lakas ng hangin" nag act ako na parang tinatangay ng hangin kaya natawa sya
"grabe ka talaga sakin! bakit ba ayaw mong aminin na gwapo ako!" muka syang batang naiinis kasi hindi binigay yung gusto
"Wala ka namang magagawa kung hindi ka gwapo sa pangingin ko diba? Opinion ko yun kaya manahimik ka!" naglakad na ko kasi tapos na din naman ako kumain at nakapag bayad na
"Wait lang! hatid na kita" binilisan nya ang pag kain nya at nag bayad
"wag na! magagalit lang si Lian pag nalaman nya" nag usap na sila kanina ni Lian na saka na sya papayag na sumama ako kay Clyde ng kami lang pag matagal na namin sya kilala
"Ano ka ba! Ihahatid lang kita tsaka hindi nya malalaman kung hindi mo sasabihin diba? Kaya Tara na!" tama naman sya "tara gora!".
"Teka! baka naman barumbado ka mag drive ah!" sabi ko bago ako sumakay
"pano mo malalaman kung hindi ka sasakay? bilisan mo na!" sumakay na ko para wala ng satsat
maayos naman ang naging byahe namin, mabilis sya pero hindi tulad ng iba na akala mo hinahabol ng parak
"Woooooooo!!!" sigaw ko habang nakataas ang kamay, natutuwa kasi talaga ako pag nakasay sa motor, feeling ko malaya ako sa lahat
"Maddy kumapit ka, maaaksidente tayo nyan eh" sigaw ni Clyde, napayakap ako sa kanya kasi bigla syang nagpreno, may tumawid kasing bata
"Ok ka lang?" agad nyang tanong pero ako eto tawa ng tawa
"oo ok lang ang, saya nun!" napasandal yung ulo ko sa likod nya, nag tuloy na kami sa byahe.
Malapit na kami sa bahay ng ma-realize ko na naka-yakap pa din pala ako sa kanya, na-enjoy ko hihihi ambango kasi!! Luuuhhhhh ano yun? Luuuhhhhh
"andito na tayo" gusto ko yung gantong pwesto namin
"Maddy ano na-enjoy mo ata yang pwesto mo" nagulat ako, nag sasalita pala sya waaaaaaa nakakahiya!!
bumaba na ko sa motor nya at hinarap sya pero nakayuko ako "salamat Clyde ah!" tumawa sya ng malakas kaya tinignan ko sya ng masama "ang cuteΒ mo!" bigla na syang humarurot ng takbo.
Hala ano yun? bakit naging ganun ako kay Clyde? Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga ako sa kama at natingala sa kisame, biglang nag flashback yung 1st time na nakita ko sya hanggang sa nangyari kanina waaaaaa! kaloka ano to? ang cute ng ngiti nya!. Nakatulog ako habang iniisip si Clyde.