Maging si Prince Sawyer ay may alam tungkol kay Prinsesa Lige? Nabalik ako sa realidad nang biglang nilapag ng waiter ang pagkain sa mesa. Pagkababa niya, agad siyang tumalikod, ngunit tumigil siya at saka tumingin sa akin bago nagsalita. "Ms., may kailangan ka pa ba?" diretsong tanong niya. "I just want to ask kung sino 'yung lalaking nagsasalita sa taas ng stage?" Sagot ko. "Ah! Hayes ang pangalan niya." "Sa tingin mo ba totoo ang sinasabi niya tungkol sa mga demonyo?" tanong ko. "Hindi ko rin alam, pero 'yun ang naririnig namin sa kanya araw-araw dito. He always talks about the legend of Lige. Ganyan daw ang nangyayari sa mundo natin noon, pero walang naniniwala sa kanya kasi kabaliwan ang mga sinasabi niya." "Kailangan ko siyang makausap at alamin ang mga pangyayari sa nakaraan."

