Prologue
(Monique's POV)
"You plan this all along?" mariin niyang tanong sa akin. Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko pa ay sinusunog niya ang buong katawan ko pati kaluluwa.
Napalunok ako. Ngunit hindi ako nagbaba nang tingin at tinumbasan ko ang makamandag niyang titig. Ngayon pa ba ako magpapatalo gayong nasa labas na ang mga kakampi ko.
Naririnig ko na rin ang sirena ng police car sa labas ng mansyon. Kasalukuyang nasa sala kami dahil kabababa lang namin para kumain. Tinitigan niya ako na para bang hinihiwa niya ang buo kong katawan.
"Sa tingin mo ba ay mapapatawad kita sa ginawa mo sa akin, Andrei? You are daydreaming!"
Natigilan siya.
"Lahat ba nang pinakita mo sa akin ay kasinungalingan lang?" tanong niya. Lumapit siya sa akin. Huminto siya sa harap ko ng isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa.
"Lahat ba ng pinakita mo sa akin ay plano mo lang para talunin ako?" nahihirapan niyang tanong.
Nanlumo ako dahil sa boses niya. He is hurt...lost and...defeated. Tiningala ko siya.
"Akala ko ba matalino ka? Hindi ba minsan sumanggi sa isip mo na pinapaikot lang kita ha? Nasaan ngayon ang utak mo? Nasaan?" nakangisi kong tanong. Nandito na kami kaya hindi na ako aatras! Muli akong ngumisi. "Akala mo ba magagawa kitang mahalin? Kinidnap mo 'ko! Magkaaway tayo!"
His jaws clenched. Ang mga mata niya ay matalim na tumingin sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang panga ko. Nasaktan ako sa paraan nang pagkakahawak niya roon dahil para niya akong dinudurog. Ramdam na ramdam ko pa ang panginginig ng kamay niya.
"Kung iniisip mo na makakawala ka sa akin ay nagkakamali ka, Monique! I will fight for you! I will fight against all of them just to be with you!" he shouted.
"Bitiwan mo 'ko! Bitiwan mo 'ko!" sigaw ko sa kaniya. Kahit nasasaktan ang panga kong hawak niya ay nagawa ko pa ring pagpapaluin ang kamay niya doon.
Nabitiwan niya ang panga ko. Nahaplos ko ang panga dahil sa tindi ng hapdi. "I hate you! I loathe you! You’re going to the hell!"
Hilaw siyang ngumisi sa akin. "If you're in the hell, Sonofahb*tch! I will go there to get you!" bulyaw niya sa akin.
I slapped him! Hindi siya natinag kaya muli ko siyang sinampal. Sinampal ko siya ng sobrang lakas na para bang nagmarka doon ang palad ko.
"You're going to hell! Pay for your sin!"