Monique Napapangiti ako habang isa-isang binabasa ang mga text messages sa akin ni Andrei. Dalawang araw na ang lumipas mula ng umuwi ako dito sa Antipolo. Halos ayaw nga niyang bitawan ang mga kamay ko nang ihatid ako sa sasakyan. "Baby, I miss you." "Baby, I love you." "Text back Monique dahil para akong masisiraan ng bait ngayon." Those messages I am reading right now made my heart beats so fast. Para sasabog ang dibdib ko sa lakas ng t***k nito. Nakakatawa talaga itong si Andrei eh! Hindi ko napigilan at napatawa ako ng mahina. "Mommy! happy ka po?" Nawala ang ngiti ko at napatingin bigla sa anak ko nang magtanong ito sa akin. Inosinte itong nakatingin sa akin at nagtatanong ang kaniyang mga mata. Nilapit ko ang mukha sa kan'ya at dinampian ko ng halik sa labi. I smiled. "

