Monique Nasa loob pa ng sasakyan si Andrei nang patakbong lumapit sa kaniya si Aldrin upang salubungin. He misses his dad in just one night. Ang isang gabi na pagkawala ni Andrei ay parang taon ang katumbas. Naiintindihan ko si Aldrin dahil ngayon pa niya nakilala ang ama. Kahit nga ako ay namimiss ko rin ang daddy niya. "Daddy! Daddy!" tawag niya sa ama. Sinalubong siya ni Andrei ng yakap sabay buhat. Pinugpog niya ng halik ang anak. Napangiti ako habang tahimik na nakamasid sa kanila. Nananatili akong nakatayo sa labas ng main door. Nakita ko si Arthur sa likod nila na halos hindi na makapaglakad ng maayos sa rami ng bitbit. Ano ba itong mga dala niya? "Hi, baby." Malamyos na bati sa akin ni Andrei nang marating nila ang kinatatayuan ko. Humalik siya sa pisngi ko. Ngumiti ako sa

