Chapter: 7

1102 Words
May limang minuto lang na naghintay si priya sa pagdating ng matanda. Malayo palang ito ay nakita na niya. Kumakaway ito habang nakasakay ito sa isang kotse. Nang huminto ang kotse ay sinenyasan siya nito na sumakay. Kaagad namang sumakay si Priya. "oh bakit parang pagod na pagod ka? Kanina ka pa ba? " Puna nito sa kaniya pagkasakay niya ng sasakyan. Tipid siyang ngumiti dito bago nag salita. "hindi naman po.. Mabilis nga lang kayong dumating eh.. Medyo malayo lang po ang nilakad ko papunta dito sa subdibisyon.." "ah ganun ba.. Nag punta kasi kami sa palengke. Eh sakto malapit na kami, ng sabihin mong nandito ka na at naliligaw ka kamo.. Kaya sinabi ko dito kay Victor na isabay ka na namin.." "ah kaya ho pala.." "sinabi ko na sa amo ko na nag a-apply ka nga.. Kaya ang sabi niya papuntahin ka na nga raw.." "kaya nga po, tuwang tuwa ako ng tawagan niyo ako kaninang umaga..nababagot na po kasi ako sa bahay.." "mabuti nalang din pala at umuwi na ang amo namin.." Maya-maya pa ay huminto na sila sa harapan ng malaking gate. Agad na may nagbukas dito. Nang bumaba ang matandang babae ay sumunod na ring bumaba si priya. Dahil sa maraming pina malengke ang matandang babae ay tinulongan ito ni priya na magbuhat ng iba nitong mga pinamili. "ano nga palang pangalan mo iha.. Kanina pa tayo nag uusap hindi ko pa pala alam ang pangalan mo.." "ay, ako po pala si iya.." Tugon ni priya sa matandang babae. Magkasabayan lang sila nitong naglalakad papasok ng kusina. Sa likurang bahay sila dumaan, dahil mas malapit raw iyon papuntang kusina. "ah.. Ako pala si marta.. Ang katiwala dito sa bahay ng amo ko.." Nang marating na nila ang kusina ay isa-isa nilang nilapag ang mga dala-dala nila. "Helen, nasaan si sir?" Tanong ni marta sa babaeng naka suot ng unipormeng pang kasambahay. Medyo bata pa ito. Siguro ay matanda lang ito ng dalawang taon kay priya. " si sir ho ay nasa sala.. May dumating ho kasi siyang bisita nanay marta.." Tugon ng babaeng tinanong ni marta. Bumaling ito ng tingin kay iya. "sandali lang iha.. Pupuntahan ko lang si sir, para masabihan na nandito ka na.." "sige po, salamat po.." Tugon ni priya sa matandang katiwala. Habang nag hihintay si priya ay umupo muna siya sa upuang nasa tabi ng lamesa. Medyo masakit parin kasi ang balakang niyang tumama sa gilid ng gater kanina. Maya-maya pa ay nakabalik na si nanay marta, kasama na ang sinasabi nitong amo. Mabilis na tumayo si priya ng makita niya ang mga ito. "good morning po sir.." Bati niya sa lalaking nakatayo na sa kanyang harapan ng mga sandaling iyon. May mga itinanong lang ito sa kanya at nang makontento ito sa mga isinagot niya ay bumaling ito kay nanay marta. Hindi kasi sila iniwan ni marta, nakikinig lang ito sa pag uusap nila ng lalaking amo nito. Nakita niyang umalis na ang lalaki, matapos nitong kausapin si marta. Pagka alis ng lalaki ay agad na bumaling sa kanya si marta. "tanggap ka na daw iha.." "ay talaga po.. Salamat po.." "oo at pwede ka na raw mag umpisa ngayon kung gusto mo.." "gusto ko na po sana.. Kaso hindi pa po ako nakakapag paalam doon sa may-ari ng bahay na inuupahan ko.. At tsaka wala po akong dalang mga damit ngayon.. Pwede po bang bukas nalang?Aagahan ko nalang po bukas.." "o sige, walang problema ako nalang ang mag sa sabi kay sir na bukas ka pa mag-uumpisa.." "salamat po ulit ma'am.." "naku, huwag mo akong tatawagin ng mam, katulong lang din ako dito.. Hindi naman ako ang amo.. Nanay marta nalang itawag mo sa akin.." "sige po nanay marta, babalik nalang po ako bukas.. Salamat po ulit.." "okay sige iha.. Hanapin mo nalang ako bukas pag balik mo.." "okay po.." Matapos na magpaalam ni priya ay naglakad na rin siya palabas ng bahay na iyon. Doon din siya dumaan sa likod bahay na dinaanan nila kanina. Nang makauwi ng paupahan si Priya ay nag tanggal lang siya ng kanyang mga nilagay na props sa katawan at muli itong lumabas at nagpunta sa bahay ng may-ari ng paupahan na iyon. Mag papaalam na siya dito na aalis na siya. Nang makausap niya ito, ay tinanong pa siya nito kung bakit aalis siya kaagad. Hindi niya sinabi dito ang totoo. Sinabi niya nalang na uuwi na siya sa kanila. Nang makabalik si priya ng kanyang kuwarto ay sumunod naman niyang kinontak si Jenny upang balitaan ito na may trabaho na siya. Nakailang dial pa siya sa numero nito, bago ito sumagot. "hello besty, hindi ako pwedeng mag tagal.." Saad sa kanya ni Jenny sa mahinang boses. Ngunit sapat naman para marinig niya. "oh bakit, nasaan ka ba?" "anong nasaan ako? Ang tanungin mo ay ang mommy mo, kung nasaan siya.." "what?" "nandito siya ngayon sa bahay namin.. Kausap niya si mommy.. Pilit nila akong pinapaamin kung may alam daw ako kung nasaan ka.. Nag paalam lang ako na magba banyo kaya nakausap mo ako ngayon.." "o sige sige, tsaka nalang ako tatawag kapag wala na diyan si mommy, baka mahalata ka.." "sige na ba-bye.. Ako nalang ang tatawag sayo.. Buburahin ko tong number mo dito ha.." "okay sige.." Nawala na sa linya si jenny. Nag-buntong hinga si priya matapos niyang mailapag ang kanyang cellphone sa papag na kanyang inuupuan. "hindi talaga ako tatan-tanan nila mommy..Hindi ko nalang muna tatawagan si Jenny, baka mabuking pa kami.. Buti nalang may trabaho na ako bukas.." Saad ni priya sa kanyang sarili. Sa bahay naman nina jenny ay kausap parin ng kanyang ina ang mommy ni priya ng bumalik siya sa sala. Nang makita siya ng mga ito ay ibinaling ng mga ito ang paningin sa kanya. " Jenny iha.. Sigurado ba talagang wala kang alam kung nasaan ang anak ko?.. Baka meron naman iha sige na sabihin mo na sa akin.. Nag aalala na ako sa anak ko.. Gusto ko lang malaman kung okay lang ba siya.." "naku tita, wala po talaga akong alam kung nasaan si priya.. Kahit nga ako hindi niya rin kinokontak.. Iniisip niya siguro na sasabihin ko sa inyo.. Hayaan niyo po, kapag tumawag o nakita ko po siya, agad ko po kayong sa sabihan.." "sige.. Basta ha, tatawagan mo ako oras na malaman mo kung nasaan ang anak ko.." "opo, huwag po kayong mag-alala.." Tugon ni Jenny sa ina ni priya. Mukhang naniwala naman ito sa kanyang sinabi na wala talaga siyang alam kung nasaan ang anak nito. Maya-maya pa ay nagpaalam na si ginang Salvador na aalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD