Chapter: 6

1016 Words
Samantala sa kabilang dako. "Jerome, kasalanan mong lahat ito! Kung hindi natin pinilit ang anak natin na magpakasal sa anak ni don Lucio hindi sana nun maiisip na maglayas! Ngayon saan natin yun hahanapin!" Saad ni Annabelle sa kanyang asawa na si priya ang tinutukoy. "tumahimik ka nga diyan bella! Kusa ring uuwi yun, kapag wala na siyang makain." Tugon ni Jerome sa kanyang asawa. Nasa kuwarto sila noon at kasalukuyang nagbibihis ito ng damit pang opisina. Habang si Annabelle naman ay naka upo sa kama habang naka tingin sa asawang nagbibihis. " paano nalang kung may mangyaring masama sa anak mo! Hihintayin pa ba natin na mapahamak yun?!" Muling saad ni Annabelle. Ngunit hindi umimik si Jerome. "sabi ko naman kasi sayo eh.. Huwag si priya.." "eh sino?! Yang isa mong anak na si sofia? Eh mas matigas nga ang ulo nun diba?" Nangingilid na ang luha ng ina ni priya. "jerome, gawan mo ng paraan na mahanap si Priya..Hindi ka ba Na aawa sa anak mo.." Muling saad ni Annabelle sa asawa sa garalgal na boses. Humarap sa kanyang gawi si jerome at nag buntong hininga ito. "bella, diba pinapahanap naman natin siya.. Pero kung talagang ayaw magpahanap ng anak mo, ay talagang hindi natin siya mahahanap.." Hindi na muling nagsalita pa si Annabelle. Tuluyan na itong napaluha sa pag aalala sa kanyang anak. "aalis na ako.. Kung gusto mong sumama sumunod ka nalang sa parking." Saad sa kanya ni jerome, at nag lakad na ito palabas ng kuwarto. Naiwang mag isa si Annabelle sa loob ng kanilang kuwarto. Hindi na muna siya sasama sa opisina ng kanyang asawa. Tutulong siya sa paghahanap sa kanyang bunsong anak. Makalipas lang ang dalawang araw ay naka tanggap si priya ng tawag mula sa matandang babaeng naka usap niya noong nakaraang araw. Sinabi nito sa kaniya na pwede na siyang pumunta ulit sa bahay ng amo nito. Nakauwi na raw kasi ang kanilang amo. Matapos masigurado ni priya na naikabit na niya lahat ng dapat niyang ikabit na props sa kanyang katawan ay lumabas na siya ng paupahan, bit-bit ang kanyang bag. Kasalukuyang naglalakad na siya noon malapit na sa subdibisyon na kanyang pupuntahan, ay aksidente siyang nabangga ng isang kotse. Sa lakas ng pagkakabangga sa kanya ay tumilapon siya sa gilid ng kalsada. Kahit naminilipit sa sakit ay pinilit niyang makatayo. Nakita niyang lumabas ang lalaking nagmamaneho ng itim na sasakyan. "are you okay miss?" kaagad na tanong nito sa kaniya, pagkababa nito ng sasakyan. Nakita niyang papalapit ito sa kanya. Nang tuloyan na itong makalapit sa kanya ay bigla niya itong hinampas ng hawak niyang bag at tinamaan ito banda sa leeg nito. "You're going to ask if I'm okay?! After you hit me! Eh siraulo ka pala eh!" Tugon ni priya sa lalaking kaharap. "gago pala to eh." Bulong pa ni priya sa kanyang sarili. "Hey, it's your fault miss, I've been honking for you to pull over. Now it's my fault?!" "aba't gago pala to talaga eh." "What are you saying there miss? Speak well." Tanong ng lalaki sa kanya. Hindi kasi nito masyado narinig ang sinabi niya. "I said! You're crazy! What are you saying, you're honking at me?! I can't hear you honking! " Bulyaw ni priya sa lalaking kaharap. "what do you think of me, I'm deaf!" Nangunot ang noo ng lalaki sa mga sinasabi ni Priya. Wala kasi sa itsura nito na magaling itong mag-english. "Hey, don't look at me like that, pay me. That you hurt me with what you did. You should pay me, as damages for what you did. What if I have a broken bone?" Natawa ang lalaki sa sinabi ni priya. "Don't laugh at that! I am talking to you. I said pay me! I think you are deaf, not me!" Muli pang saad ni Priya sa lalaking kaharap. Lalo pa itong tumawa sa kanyang sinabi. Sa inis ni priya ay pinaghahampas niya pa ito ng hawak niyang bag. "okay sige, babayaran na kita okay!" "ayon, marunong ka naman palang mag tagalog, eh bakit may pag english ka pa diyan!" Tugon ni priya sa lalaki. Nakita niyang may kinukuha ang lalaki sa wallet nito. Lumapit pa siya dito at inilapag ang kanyang palad sa harapan nito. "o ayan, tama na ba yan?" Hindi nag salita si priya, binibilang niya isa-isa kung magkano ang perang ibinigay sa kanya ng lalaki. Umabot ito ng sampung libo. "oo pwede na to." "eh paano naman ako miss, sinaktan mo rin ako. You have to pay me too.." Tiningnan ni priya ng masama ang lalake. "aba't nang aasar ka pa!" Saad ni priya sa lalake at akma na naman sanang hahampasin niya ito. Ngunit umatras ito palayo sa kanya. "sige na nga miss, diyan ka na!" Saad nito sa kaniya, at pailing iling itong tumalikod pabalik ng sasakyan nito. Nang umalis ang lalaki ay I pinasok na ni priya ang ibinigay nitong pera sa kanyang bag. Hinilot hilot niya muna ang kanyang balakang. Ramdam niya parin kasi ang sakit. "siraulong yun. Akala niya siguro madadaan niya ako sa pag e-english niya." Bulong ni priya sa kanyang sarili. Habang hinihilot parin ang parte ng kanyang katawan na masakit sa kanya. Pa ika-ika siyang nag lakad pa pasok ng subdibisyon. Nakita niyang kumaway sa kanya ang security guard na naka bantay doon. Huminto siya sa paglalakad. " boss, pinapatawag na raw ako ng ina apply-an kung tao.." Saad niya sa security guard. "ah ikaw ba yun? Sige pumasok ka na.." Matapos na sabihin iyon ng security guard kay priya ay muli na siyang nag lakad pa pasok ng subdibisyon. Medyo natagalan siya sa paghahanap dahil hindi na niya masyadong matandaan ang daan papunta sa malaking bahay na pinuntahan niya noong nakaraan. Marami kasing likuan sa loob ng subdibisyon. Hindi niya na alam kung saan pa siya liliko. Nagpasya siyang tawagan nalang ang matandang babaeng kausap niya kanina. Upang magtanong dito kung saan ang tamang daan papunta sa bahay ng amo nito. Agad namang sumagot ang matandang babae. Tinanong lang nito kung saan siya banda, at sinabi nitong susundoin nalang siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD