Chapter: 5

1546 Words
May tatlong araw pa ang nakalipas ng mag desisyon si Priya na maghanap na ng mapapasukang trabaho. Kaunti lang kasi ang perang naipon niya at kung hindi pa siya magkaka-trabaho agad ay baka maubos na ang kanyang pera. Mas mahihirapan siyang makapag apply kapag naubusan siya ng pang gastos. Kahapon kasi ng umaga ay pinuntahan na siya ni Jenny at may dala na itong mga gagamitin niya para sa kanyang pag babalatkayo. Magpapanggap siyang may bukol sa kanyang likod at babaguhin niya rin ang kanyang mukha. Lalagyan niya ito ng parang may paso sa kanyang balat. Nag pagupit din siya ng maiksing buhok. Nang humarap siya sa salamin, matapos niyang ilagay lahat ng ibinigay sa kanya ni Jenny ay na bigla siya sa kanyang nakita. Maging siya ay hindi niya nakilala ang kanyang naging itsura. Malaki ang ipinag bago ng kanyang anyo. Maganda kasi si priya. Mayroon siyang kaakit-akit na mga mata. Ito yung mga matang naka ngiti kahit na malungkot siya. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang kanyang labi. Para nga raw siya isang manikang tomboy, sabi sa kanya ng karamihan. Maging ang kanyang pangangatawan ay parang sa manika din. Balingkinitan ang kanyang katawan at medyo may katangkaran din siya. Pero dahil sa inilagay niyang pang disguise sa kanyang mukha ay ibang-iba na ang kanyang mukha. Natakpan ng kaunti ang kanyang mata, dahil sa inilagay niyang parang clay na bagay sa kanyang mukha. Malaki iyon kaya pati ang kanyang ilong ay Natakpan din ng bahagya, nag mukha itong malapad ang dulo. Makapit ang parang clay na ibinigay sa kanya ni Jenny, naka hulma ito ng parang nasunog na balat. Hindi ito basta natatanggal, hanggat hindi mo ito kusang inaalis. Bawal nga lang itong mabasa dahil nababawasan ang kapit nito sa balat, kapag nabasa ito. Yun ang dapat na iwasan ni priya ang huwag itong mabasa. Ikinabit niya rin ang kanyang pand disguised sa likod. Gaya ng texture sa kanyang mukha ay parang clay din ito na style balat ng tao. Kaya hindi mo talaga ito maiisipang hindi totoo. Huwag mo lang itong hahawakan at pakatitigang mabuti. "ewan ko lang kung mahanap pa ako nila sa itsura kung ito.." Bulong ni priya sa kanyang sarili, habang sinusuklay ang kanyang buhok. Suot ang kanyang maskara ay lumabas na ng paupahan si priya. Maaga lang siyang umalis upang hindi siya mapansin ng mga taong nakatira doon. tanghali na kasi kung magising ang mga taong nakatira sa lugar na iyon. Karamihan kasi sa mga nakatira doon ay pang gabi ang trabaho kaya madaling araw ang uwi ng mga ito, at tanghali na ang gising. Para makasigurado ay naglagay din si priya ng bandana sa kanyang ulo. Maghahanap siya ngayon ng bahay na mapapasukan bilang isang kasambahay. Iyon ang sa tingin niyang ligtas na paraan sa ngayon. Upang hindi siya mahanap ng kanyang mga magulang. Palinga-linga siya sa paligid upang maghanap ng bahay na maaari niyang mapagtrabahuan. Sa di kalayuan ay may nakita siyang malaking subdibisyon. Mukhang private subdibisyon ito. Lumapit siya sa guard house upang magtanong. "hi kuya, pwede po bang magtanong?.." "oo sige libre naman mag tanong... Ano ba iyon?" Tugon sa kanya ng lalaking may ka tandaan na. "naghahanap po kasi ako ng bahay na mapapasukan bilang kasambahay.. Baka may alam po kayong ma-aari kung pag-applyan..?" Muling tanong ni priya sa security guard. Sandali itong nag isip at pumasok sa loob ng guard house at may kinausap ito doon. Maya-maya ay lumabas ito. " may alam kami miss.. Pero hindi namin alam kung magugustohan ka ng amo nila.. Maselan daw kasi ang amo nila.. Pinaalis nga daw nun ang isang katulong doon, dahil hindi nito nagustuhan ang serbisyo. Pero subukan mo na rin.. Baka maawa naman sayo dahil mukhang kailangan mo talaga ng trabaho.. " Napangiti si Priya sa sinabi sa kanya ng lalaki. " talaga ho, eh saan ko naman po makikita ang bahay nila? " " o eto.. Hanapin mo yang bahay na yan.. Papa-pasukin ka namin ditong ha. Pero pa sasamahan muna kita sa isa kong kasamahan. Hindi kasi kami basta basta nagpapa pasok talaga dito miss. Mahirap na, kami ang masisisi kapag may ginawa kang kalokohan sa loob. Iiwan ka nalang ng kasamahan kung guard, kapag nakausap ka na ng mga nakatira sa bahay na yan.. " Saad sa kanya ng guard na ang tinutukoy ay ang ibinigay nitong maliit na papel sa kanya. Doon kasi nito isinulat kung saan niya matatagpuan ang bahay na sinasabi nito. "sige po walang problema.." Tugon ni priya. Nakita niyang tinawag ng security guard na kanyang kausap ang isa sa mga kasama nitong nag babantay. Lumapit naman ito sa kanya at inaya na siyang pumasok sa loob ng subdibisyon. Mabilis niyang nahanap ang numero ng bahay na naka sulat sa papel, tinulongan kasi siya ng security guard na kanyang kasama. Pinindot niya ang door bell na nasa harapan ng malaking gate. May ilang segundo lang ang lumipas ay may lumabas na naka uniporme rin ng kagaya sa isang security guard. Iba lang ang kulay ng uniporme nito, sa guard na sumama sa kanya papasok ng subdibisyon. Sinabi niya ditong nag a-apply siya bilang kasambahay. May tinawagan lang ang lalaki sa radyo nitong hawak at muli itong humarap sa kanya. Pinapasok siya nito. Lumingon siya sa kanyang likuran at nagpasalamat sa Security guard na tumulong sa kanyang mahanap ang malaking bahay na iyon. Tumango lang ito sa kanya at pagkatapos ay tumalikod na ito. Pagkapasok niya ay may sumalubong sa kanya na isang may edad ng babae. "magandang araw po.." Bati ni priya sa matandang babae. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya. "magandang araw din iha.. Wala dito ang amo namin nasa ibang bansa pa siya.. Oo kulang nga kami ngayon.. Pero hindi ako pwedeng magdesisyon kung tatanggapin ka eh.. Depende kasi yun sa amo namin.. Kung gusto mo, mag iwan ka nalang ng Contact number mo.. Para kapag umuwi na dito ang amo namin, ay tatawagan kita kaagad. " " ganun po ba.. O sige po.. " Pagkasabi niyon ni priya ay kumuha siya ng maliit na papel at ballpen sa loob ng kanyang bag. Inabot niya sa matandang babae ang papel matapos niyang isulat doon ang kanyang cellphone number. " ito po ma'am.. Sana po ay tawagan niyo ako kaagad kapag dumating na po ang amo ninyo.. Kailangan ko po talaga ng trabaho.." Saad ni priya sa matanda, pagka abot niya ng papel dito. "oo huwag kang mag-alala, ko kontakin kita agad.. Sana lang magustuhan ka ng amo namin.. maselan kasi yun.." "maraming salamat po.." "oh sige.." Pagka tapos ay naglakad na si priya palabas ng malaking bahay. Palinga linga si priya ng makalabas ng malaking bahay. Maghahanap pa sana siya ng iba pa, baka mayroon pa siyang makita na nangangailangang din ng kasambahay. Ngunit bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng security guard kanina sa b****a ng subdibisyon, na mahigpit daw sa subdibisyon na iyon, at bawal daw ang palakad lakad sa loob. Naisipan niya nalang na maglakad nalang palabas, baka kasi mapagalitan pa siya kapag may naka kita sa kanya na palakad lakad sa loob ng subdibisyon. Aantayin niya nalang muna na kontakin siya ng matanda kanina. Mukhang mabait naman ang matandang kanyang nakausap. Nang marating niya ang guard house, ay kinawayan pa siya ng security guard na nakausap niya kanina. Sinabi niya ditong wala ang amo ng malaking bahay na pinuntahan niya kanina. Kaya babalik na lang siya sa mga susunod na araw. Habang naglalakad pauwi sa kanyang tinutuloyang paupahan ay may nadaanan si priya na lomihan, naisipan niyang kumain nalang muna doon, bago umuwi ng bahay. Anak mayaman si priya pero sana'y siyang kumain sa mga ganoong kainan. Lumaki kasi siya na hindi maarte, madalas siya pa nga ang nag aaya sa mga kaibigan niya na kumain sa mga naka hilerang Street food sa labas ng kanilang eskwelahan dati. Habang kumakain ay naisipan niya ring tawagan si Jenny, upang balitaan sa pag a-apply niya ngayon. ngunit Nakaka-ilang dial na siya ng numero nito ay hindi ito sumasagot. Ipinasok na niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag. Mamaya niya nalang ulit ito tatawagan kapag nakauwi na siya. Nang matapos na kumain si priya ay kaagad din siyang umalis pauwi ng paupahan. Nang makarating siya sa bahay na kanyang tinutuloyan ay nilapag niya lang ang kanyang bag at tsaka pumasok ng banyo upang maligo. Init na init kasi siya dahil tirik na ang araw habang naglalakad siya. Pagkalabas niya ng banyo ay naabutan niya pang tumutunog ang kanyang cellphone. Nakalimutan niya nga pala itong patayin ulit kanina, matapos niyang I-dial ang cell phone number ni Jenny. Nakita niya ang pangalan ng kanyang mommy sa screen ng kanyang cellphone. Ito pala ang tumatawag. Hindi niya ito pinansin at hinayaan nalang na tumunog ang kanyang cellphone. Kapag kinausap niya kasi iyon ay malamang na kukumbinsihin lang siya nitong umuwi na o di kaya ay baka bungangaan pa siya nito. Kaya minabuti niya nalang na huwag itong sagutin. Matapos na magbihis ay naalala niyang linisin ang kanyang binting may sugat. Nakalimutan niya kasing linisin iyon kanina bago siya umalis ng bahay. Mabuti nalang at kaunti nalang ang kirot ng kanyang sugat, kaya hindi na siya nahihirapang maglakad. Palagi niya kasi itong nililinis kaya mabilis maghilom ang sugat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD