"hello Jen, nasa property daw ako ng Meycauayan.."
Saad ni Priya sa kanyang kaibigan, matapos niyang mag tanong sa isang babaeng nagtitinda ng balot.
"malayo ka na pala sa inyo.. Hindi ka na siguro nila matuton-ton diyan besty.."
Tugon sa kanya ng kaibigang si jenn. Tama naman ito malayo na nga ang narating ni Priya. Mula sa bahay nila sa Muntinlupa ay medyo malayo na nga ang kanyang biniyahe. Mabuti nalang din dahil wala ng traffic kaya mabilis lang ang naging biyahe niya. Doon kasi sa bulacan ang lugar na sinasabi sa kanya ni jenny.
May kaibigan daw ito roon na may ari ng mga paupahan. Matapos na sabihin ni priya kay Jenny ang lugar kung nasaan siya, ay may sinabi ito sa kanyang exact address, kung saan matatagpuan ang paupahang sinasabi nito.
Hindi naman siya nabigo, dahil matapos ang mahigit kalahating oras na paghahanap ay natunton niya ito. Babae rin ang sinasabing may ari ni Jenny ng paupahan. Anak pala nito ang talagang kaibigan ni Jenny. Kaagad naman siyang sinamahan nito sa bakanteng kuwarto, kung saan mas mura ang binigay na presyo nito kay priya. Dahil sa kakilala daw nila ang anak nito ay binigyan siya nito ng discount.
Nang makapasok ng apartment si priya ay pabagsak siyang umupo sa upuang plastik na nakalagay na sa loob ng apartment na iyon. upuan daw iyon ng mga dating nangupahan sa kuwartong iyon, at iniwan nalang daw ng umalis ang mga ito.
Doon lang muling naramdaman ni priya ang kirot ng nasugatan niyang binti. Agad siyang nag palit ng short at nilinisan niya ang kanyang sugat. Napansin kasi ng may ari ng bahay kanina na hirap siyang maglakad, kaya tinanong siya nito.
Nang sabihin niyang nasugatan siya ay pinahiram siya nito ng panlinis ng kanyang sugat. Matapos niyang malinisan ito, ay doon lang kumain si Priya. Naramdaman niya na rin kasi ang gutom. Dahil sa pinag handaan niya naman ang kanyang ginawang pagtakas kanina ay marami siyang binaong biscuit at mga cup cakes na kinuha niya pa ng palihim sa kanilang kusina kanina bago siya magkulong ng kanyang kuwarto.
Mayroon din siyang biniling bote ng mineral water at pinag kasya nalang muna niya iyon, upang hindi na siya lumabas pa. Alas onse na kasi ng gabi kaya sarado na rin ang halos lahat ng mga tindahan sa lugar na iyon.
Nang matapos kumain, ay humiga na siya sa pang isahang papag. Inilabas niya ang ilang piraso niyang damit at iyon muna ang ginawa niyang pansamantalang unan. Hindi naman niya kailangan ng kumot dahil bukod sa mainit na ay wala rin siyang electric fan na maaaring gamitin.
Kinabukasan ay nagising si priya na masakit ang halos buo niyang katawan. Lalo na ang binti niyang may sugat. Hindi kasi siya sanay na humiga sa matigas na higaan. Hindi na muna siya mag a-apply ng trabaho. Hihintayin niya na munang mabawasan ang kirot ng kanyang binti.
Kumakain siya ng agahan ng maalala niyang buksan ang cellphone. Pinatay niya kasi ito kagabi bago siya matulog. Sunod-sunod kasi ang text messages sa kanya ng kanyang mommy, maging ang kanyang daddy ay nag text na rin sa kanya. Ilang mis-call na rin ang natanggap niya mula sa mga ito.
Pag open niya ng inbox ay nakita niya ring nag text sa kanya si Jenny.
"besty, okay ka lang ba diyan? Pasensya ka na kung hindi kita mapapasyalan diyan. Mukhang pinapabantayan ako ng mga magulang mo.. Pag labas ko kasi kanina ng gate ay may nakita akong mga lalaking naka tambay malapit sa bahay namin. Patingin tingin sila sa akin. Mukhang hindi naniniwala ang mommy mo na wala akong alam kung nasaan ka.. Sa susunod nalang na araw kita papasyalan diyan.. "
Mensahe nito sa kaniya. Akala pa naman niya ay mapupuntahan siya nito. Makikisuyo pa naman sana siya dito na magpa-bili ng pain reliver. Mukhang namamaga pa yata ang binti niyang may sugat. Matapos niyang replyan si Jenny ay i-iling iling si priya na ibinaba ang kanyang cellphone sa kanyang higaan.
Dahil hirap pa siyang maglakad at hindi niya kayang maglakad ng malayo, upang pumunta ng drugstore ay titiisin niya nalang muna ang kirot ng kanyang binti. Ang importante ay makabili muna siya ng tubig, kagabi pa siya nauuhaw. Dahil kaunti lang ang nainom niyang tubig.
Hirap man si Priya, dahil sa kirot ng kanyang sugat. Kinaya niya pa ring maglakad palabas ng paupahan. Luminga linga siya sa paligid upang maghanap ng malapit na tindahan. Sa di kalayuan ay may nakita siyang maliit na tindahan. Naglakad siya papunta doon.
Nang maka bili siya ng mineral water ay kaagad siyang bumalik ng paupahan. Halos naka higa lang si priya maghapon. Paminsan-minsan ay binubuksan niya ang kanyang cellphone,upang tingnan kung may importanteng mensahe sa kanya, bukod sa mga mensahe ng kanyang mga magulang.
Dahil sa wala naman siyang ginagawa ay naisipan niyang basahin nalang ang mga text messages sa kanya ng kanyang mga magulang.
Una ay pilit na inaalam ng kanyang ina kung nasaan siya, dahil susundoin nalang daw siya ng mga ito. Ang huli naman nitong mensahe ay Nakiki-usap na ang kanyang ina na umuwi na siya. Hindi na raw siya ipapakasal ng mga ito sa anak ni don lucio.
Pero hindi naniniwala si priya sa sinabi ng kanyang ina. Kilala niya ito, mula bata palang siya ay hilig na nitong utoin siya. Para mapasunod lang siya sa mga gusto nito.
Kusang tumulo ang mga luha ni priya. Masama talaga ang loob niya sa kanyang mga magulang. Anak rin naman siya ng mga ito, pero bakit kung tratuhin siya ng mga ito ay parang ibang tao siya. Hindi ba iniisip ng mga ito, na nasasaktan din siya. Inisip ba ng mga ito na may sarili din siyang buhay, na masaya ba siya sa ginagawa ng mga ito sa kanya.
Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng inggit sa kanyang ate Sofia. Masaya ito sa buhay nito. Samantalang siya heto ngayon, tumatakas sa kanilang mga magulang, huwag lang maipakasal sa lalaking hindi naman niya kilala.
Napahagulhol ng iyak si priya sa sama ng kanyang loob. Iniisip niyang kung paano na siya ngayon. Nakatapos nga siya ng kolehiyo bilang isang nurse. Ngunit hindi naman siya makapag apply dahil malamang na mahahanap siya ng kanyang mga magulang. Maraming kilalang may-ari ng mga hospital ang kanyang mga magulang, dahil na rin sa mga negosyo nito.
Kaya hindi siya pwedeng mag-apply bilang nurse sa isang hospital. Habang mainit pa siya sa mag amang Marciano ay hindi na muna siya magpapakita ng totoo niyang pagkatao.
Kinuha niya ang kanyang cellphone, upang subukang makausap si Jenny. Hihingi siya ng tulong dito, na makabili siya ng pang disguise ng kanyang mukha. Iibahin niya ang kanyang itsura at mamamasukan muna siyang kasambahay, palalamigin niya na muna ang sitwasyon.
Hihintayin niya na munang maikasal sa ibang babae ang anak ni don lucio, bago siya lumabas. Mahirap na baka kung anong gawin ng mga ito sa kanya, dahil sa malaki nga ang utang ng kanyang ama sa mga ito. Baka siya ang singilin at pahirapan siya ng mga ito sa ginawa niyang pag takas.
Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ni priya. Pakiramdam niya kasi ay wala siyang kakampi. Tanging ang best friend niya lang na si Jenny ang ma-aari niyang pagkatiwalaan sa ngayon. Alam niyang hindi siya ipapahamak ng kanyang matalik na kaibigan.
Nag iisang anak lang kasi si Jenny ng kanyang mga magulang, kaya parang kapatid na ang turing nito sa kaniya. Maging siya ay parang kapatid na rin ang turing niya dito. Dahil mas malapit pa siya dito, kaysa sa totoo niyang kapatid na si sofia.