Chapter: 3

1034 Words
Nang makaalis ang kanyang ina at ang kaibigan nito, ay mabilis na nag palit si priya ng kanyang damit. Nag suot siya ng isang jogger pants na kulay itim at binagayan niya ito ng isang, plain na kulay puting v-neck t-shirt. Itinali niya ang lagpas balikat niyang buhok at mabilis na inilabas mula sa naka sara niyang cabinet ang malaki niyang back pack, na nag lalaman ng kanyang mga piling damit at mga mahahalagang dokumento ng kanyang pagkatao. Mabilis niya ring inilabas ang pinag dugtong dugtong niyang mga kumot at itinali ito sa paanan ng kanyang kama, at tsaka inihulog ito sa ibaba. Mula sa ikatlong palapag ng kanyang kuwarto ay dumungaw siya sa ibaba, napansin niyang bitin ang mga kumot na pinag dugtong niyang. Lumagpas lang ito ng kaunti sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Wala na siyang maari pang idugtong doon, dahil naubos niya na ang lahat ng kanyang mga kumot. Bago siya bumaba ay inilapag niya muna sa ibabaw ng kanyang kama ang kanyang ginawang sulat para sa kanyang mga magulang. Nakalagay doon kung bakit niya gagawin iyon at humingi rin siya ng tawad sa kanyang mga magulang sa kanyang gagawin. Humugot ng malalim na hininga si priya, bago ito umakyat ng bintana. Suot ang kanyang back pack sa likod ay maingat siyang bumaba sa pamamagitan ng kumot na kanyang pinag dugtong dugtong. Bagong renovate ang kanilang bahay, at mabuti nalang dahil hindi pa nalalagyan ng bakal na harang ang kanyang bintana, tanging slide door palang ang nag sisi-silbing harang ng kanyang bintana, kaya maaari pa siyang dumaan doon. Noong isang linggo pa dapat itong kakabitan ng mga bakal na harang, mabuti nalang at hindi natuloy ang mamang gagawa niyon, dahil nagka sakit daw ito kaya hindi natuloy. Pigil ang hininga ni priya na mahigpit ang kapit sa kumot, dahil maaari siyang mabaliaan ng buto kapag nahulog siya doon. Sa likod bahay ang baba niya, mayroong hagdang bakal doon na ma-aari niyang gamitin upang tumawid ng kanilang bakod. Kaninang umaga palang ay inilagay niya na ito doon. Mabuti nalang din at hindi iyon napansin ng kanilang hardinero na si mang lito. Dahil kung napansin iyon ay malamang na mag tataka ito, kung bakit may hagdanan sa tapat mismo ng kanyang kuwarto. Nang nasa dulo na ng tali si priya, ay makapigil hininga siyang tumalon. Rubber shoes naman ang kanyang suot sa paa, kaya kahit papaano ay hindi siya mahihirapang tumalon. Lumagapak ang kanyang pang upo ng bumagsak siya sa semento. Ramdam niya ang sakit ng kanyang pag bagsak. Mabuti nalang at payat siya kaya magaan din ang kanyang katawan. Mas lalo pa ngang gumaan, dahil sa hindi niya pagkakakain ng ilang araw. Kahit namimilipit ay pinilit ni priya na makatayo. Ngiwi ang kanyang bibig sa sakit. May narinig siyang tunog ng humintong kotse sa harapan ng kanilang bahay. Alam niyang iyon na ang mag amang Marciano. Narinig niya pang bumukas ang kanilang gate. Mas lalo niyang sinikap na makapag lakad, habang Buhat-buhat ang hagdang bakal, maingat niya iyong binuhat, upang hindi maka gawa ng anumang ingay. Marahan niya iyong, inilagay sa pader, sa likuran ng malaking puno na naka tanim sa likod ng kanilang bahay. Muli siyang nag buntong hininga upang, humugot ng lakas ng loob. May burb Wire kasi sa itaas ng kanilang bakod. Kailangan ay mailagaan niya ito, kundi ay matutusok siya doon. Maingat siyang umakyat, gamit ang hagdan. Nang makarating siya sa tuktok ng bakod ay makapigil hininga siyang tumapak sa pader na bakod. Pinag hiwalay niya ang kanyang mga hita sa pagitan ng mga burb wire na bakod. Sumunod niyang inihakbang ang isa niya pang paa. Mabuti nalang din at magaling siyang mag balanse ng kanyang bigat. Tatalon na sana siya ng hindi niya namalayan na may burb wire pala na naka usli banda sa kanyang paanan. Nang tumalon siya ay sumabit ang likurang bahagi ng kanyang binti. Napangiwi siya sa sakit ng bumagsak siya sa kalsada. Hinawakan niya ang parte ng kanyang binti na makirot, nakita niyang may dugo ito. Pero dahil sa kailangan niya ng mag madali, dahil baka alam na ng mga magulang niya ng mga sandaling iyon na wala siya sa kanyang kuwarto ay madali siyang mahahanap ng mga ito, kapag nag tagal siya doon. Kaya kahit namimilipit sa sakit si priya, ay buong tapang itong nag lakad nang mabilis, palayo sa kanilang bahay. Mabuti nalang at may dumaang pampasaherong traysikel kaya naka sakay kaagad siya palabas ng kanilang subdibisyon. Naririnig niya pang tumutunog ang kanyang cellphone, habang naka sakay sa traysikel. Nakita niyang ang kanyang mommy ang tumatawag. Sinagot niya ito. "priya! Nasaan kang bata ka?! Bakit wala ka sa kuwarto mo?!" Sunod-sunod na tanong sa kanya ng kanyang inang si Annabelle. "mom, sorry..." Matapos na sabihin iyon ni priya sa kanyang ina ay pinutol niya na ang linya, at pinatay ang kanyang cellphone. Naisip niya na hindi siya tatan-tanan ng kanyang ina kakatawag. Kaya mas makabubuting i-off niya na muna ang kanyang cellphone. Tsaka nalang niya ito bubuksan kapag, malayo na siya sa kanilang lugar. Agad siyang nag bayad pagkababa niya ng traysikel. Pa ika-ika siyang nag lakad papuntang sakayan ng jeep. Nang may humintong jeep sa kanyang harap ay agad din siyang sumakay. Nang nakalabas na siya sa kanilang distrito ay doon na siya nag pasyang muling buksan ang kanyang cellphone, upang tawagan si Jenny. May alam kasi itong bahay na maaari niyang tuluyan. Sunod-sunod ang pag tunog ng kanyang cellphone, pagka bukas palang niya. Malamang na mga text messages iyon ng kanyang ina, dahil hindi na siya matawagan nito. Hindi niya pinapansin ang mga iyon. Idi-nial niya ang cellphone number ni Jenny. Isang dial niya palang dito ay sumagot na ito. Halatang inaabangan nito ang kanyang pag tawag. "hello besty, asan ka na? Alam mo ba tumawag sa akin ang mommy mo.. Tinanong niya ako, kung alam ko daw ba kung nasaan ka.. Siyempre nag panggap ako na hindi ko alam at kunwari nagulat ako sa sinabi niyang nawawala ka.." "thank you talaga besty.." "kaya nga besty mo ako diba.. O teka, saan ka na ba banda..?" "dito na ako banda sa bulacan.. Pero hindi ko na alam kung saan banda to sa bulacan eh.. Sandali mag tatanong ako.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD