Nang makahiga si Priya sa kanyang kama ay parang nawala bigla ang kanyang antok. Nag iisip kasi siya ng paraan para matakasan ang napipintong pag papakasal niya sa isang lalaki ng sapilitan.
Humugot siya ng isang malalim na hininga mula sa kanyang dib-dib. Naiiyak siya sa kanyang kalagayan. Pakiramdam niya ay nasasakal na siya sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
Buo nga ang kanyang pamilya, pero hindi naman siya masaya. Palaging nag aaway ang kanilang mga magulang. Kung minsan ay nakakaramdam siya ng inggit sa kanyang ate sofia. Nagagawa nito ang mga gusto nito. Samantalang siya ay parang sunod-sunoran nalang sa kanilang mga magulang.
Napaka boring ng kanyang buhay ngayon. Naiinggit din siya sa mga kaibigan niya. Masasaya ang mga ito sa kani-kanilang mga pamilya. Samantalang siya heto, parang katapusan na ng kanyang maliligayang araw. Labag talaga sa loob niya ang mag pakasal sa lalaking iyon. Mabigat na mabigat ang kanyang loob.
Hindi na napigilan ni Priya ang mapa-iyak. Kusa ng nagsi bagsakan ang kanyang mga luha sa magkabilaan niyang mata. Hanggang sa naka tulogan na ni priya ang pag-iyak.
Nagising siya kinabukasan na namumugto ang kanyang mga mata.
"good morning priya! O bakit ka malungkot na naman diyan?.."
Puna sa kanya ni aling biday. Kasalukuyan siyang nasa kusina at nagkakape. Ang akala niya ng umagang iyon ay makakasalo na niya sa agahan ang kanyang mga magulang. Pero ayun kay aling biday, ay maaga raw na umalis ang kanyang mommy at daddy. May pinuntahan daw ang mga itong kasosyo sa negosyo.
"akala ko ho kasi.. Makakasama ko na sa pagkain sina mom at dad ngayong araw..."
Tugon ni priya na may lungkot sa kanyang boses. Sabay higop niya ng kape mula sa hawak niyang tasa.
"eh wala tayong magagawa.. Ganun ka busy ang inyong mga magulang.. Kung alam ko lang na gusto mo na silang makausap.. Sana pala ginising kita ng maaga, bago sila umalis.."
"kaya nga ho.. Nakalimutan ko rin mag sabi sa inyo kagabi.."
"tungkol ba sa pagpapakasal mo ang sasabihin mo sa kanila?.."
Tanong ni aling biday sa kanya. Umupo ito sa upuan na nasa kanyang harapan. Alam ni aling biday ang problema niya, dahil dito lang siya nakakapag sabi ng kanyang mga saloobin. Bukod kasi dito ay wala na siyang ibang mapag sabihan pa. Magaan kasi ang loob niya dito.
"yun nga po sana.. Kaso, wala naman silang time para sa akin.. Halos hindi na kami nag kakausap dito sa bahay.. Mabuti pa nga ho kayo, nakakausap ko.."
Nakita niyang nag buntong hininga ang matandang kasambahay. Muli siyang humigop ng kape.
"kung ano ang sa tingin mong magiging masaya ka iha.. Ay doon ka.. Para sa akin ay maiksi lang ang buhay.. Hindi sa sinasabi kung suwayin mo ang iyong mga magulang, pero sa tingin ko kasi ay mali na rin talaga ang mga magulang mo.. Paano kung hindi ka maging masaya doon sa lalaking ipina pakasal nila sayo.. Baka masira naman ang buhay mo.."
Ibinaba ni priya ang tasa ng kape na hawak niya at tsaka tumingin ng deretso kay aling biday.
" eh ano ho ba ang maganda kung gawin, aling biday? Naguguluhan na po talaga ako eh.. Malakas po talaga ang kutob ko na masisira talaga ang buhay ko doon sa halimaw na lalaking yun.. Halatang wala ring katinuan sa pag-iisip yun eh! Ikaw ba naman Papayag na ipakasal sa babaeng hindi mo pa nakikita o nakaka-usap man lang! "
Tugon ni priya at nag buga ito ng hangin mula sa kanyang bibig. Para mabawasan manlang ang bigat ng kanyang nararamdaman. Gusto na naman niyang umiiyak.
" oh, huwag ka ng umiyak ha.. Tingnan mo yang itsura mo sa salamin.. Sobrang maga na yang mata mo! Halatang umiyak ka ng umiyak kagabi.. Walang mangyayari kung mag mumuk-mok ka nalang at umiyak ng umiyak."
"minsan nga po.. Iniisip ko kung anak ba talaga ako nina mommy... Parang ako lang yata ang minamanipula nila ang buhay.. Bakit si ate.. Malaya kung anong gustong gawin sa buhay.."
Tugon ni priya na nangingilid na ang luha. Halatang pinipigil niya lang ang kanyang pag iyak. Dahil nakita naman niya ang kanyang itsura sa salamin kanina, bago siya lumabas ng kanyang kuwarto. Halos hindi na siya makakita sa sobrang maga ng kanyang mata.
"mahal ka naman ng mga yun iha.. Siguro ay mas mabait ka lang sa ate mo.. Kaya ikaw ang pinipilit ng mga magulang mo na magpakasal.. Diba nga matigas ang ulo ng ate mo.. Kaya palaging napapagalitan ng Daddy mo.."
Hindi na umimik si priya sa sinabi ng kanilang kasambahay. Tama din naman ang matanda. May katigasan ang ulo ng kanyang ate. Kung ito ang nagkataong nasa kanyang kalagayan na pilit ipapa kasal ay malamang na tatanggi talaga ito.
Matapos na makapag kape ni priya ay kumain lang siyang ng kaunti, dahil wala siyang ganang kumain. Pinilit niya lang na lagyan ang sikmura niya, dahil halos hindi rin siya nakakain kagabi. Mula kasi ng sabihin sa kanya ng kanyang mga magulang na Ipapakasal siya ng mga ito, ay halos araw-araw na rin siyang walang ganang kumain.
Bumalik siya sa kanyang kuwarto. Buong maghapon siyang hindi na lumabas. Nag padala nalang siya ng pagkain kay aling biday ng sumapit ang pananghalian. Napag alaman niya dito na hindi parin umuuwi ang kanyang mga magulang. Tumawag daw ang mga ito, na gagabihin daw ang mga ito ng uwi. Pero bago daw magpunta ang mag amang Marciano ay darating daw ang mga ito. Alas otso naman daw ng gabi ang oras ng pag punta ng mga ito.
Maghapong nag isip si priya ng kanyang gagawin, para matakasan ang mag amang Marciano. Ilang beses niyang pinag isipan ang kanyang gagawin, at buo na ang kanyang plano. Hindi siya pwedeng mag pakasal sa lalaking iyon.
Tumawag sa kanya ang kanyang bestfriend na si jenny. Kinakamusta siya nito.
"buo na ba talaga yang desisyon mo na yan besty?.."
"oo besty.. Buong buo na.. Bahala na kung magalit man sa akin sina mommy at daddy.. Balang araw mapapatawad naman siguro nila ako.."
"o sige ikaw ang bahala.. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo, ay malamang na yan din ang gagawin ko.. Basta nandito lang ako, para suportahan ka.."
"salamat besty.. Basta ha.. Pag tumawag sayo sina mommy at Daddy, wala kang sasabihin sa kanila okay.."
"oo huwag kang mag alala.. Hindi naman kita ipapahamak eh.. Best friend tayo diba.."
"salamat talaga at nandiyan ka besty.. O sige tatawag nalang ako ulit mamaya.. Babalitaan nalang kita ha.. Bye.."
Paalam ni priya sa kanyang matalik na kaibigang si Jenny mateo. Kaibigan niya na ito mula elementarya pa. Mabait kasi ito sa kanya at palagi siya nitong ipinag tatanggol sa mga nambu-bully sa kanya.
Maya-maya pa ay muling tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya ang pangalan ng kanyang Mommy.
"priya, mag bihis ka na.. Kailangan pag-uwi namin ngayon ay naka bihis ka na.. Suotin mo yung binili kung bestida sayo ha.. Tsaka mag ayos ka naman ng mukha anak kahit kaunti.. Papupuntahin ko si Angelica diyan para ayusan ka.."
Tuloy-tuloy na saad sa kanya ng kanyang mommy.
"eh momm—"
Mag sasalita sana si priya, ngunit biglang nawala na sa linya ang kanyang ina. Bagsak ang mga balikat ni priya na pumasok ng banyo. Maliligo ulit siya, dahil pakiramdam niya ay pinag papawisan siya ng malagkit.
Alas siyete na ng gabi, nang marinig niyang muli ang boses ng kanyang ina. Alam niyang de deretso ito sa kanyang kuwarto upang tingnan kung naka bihis na siya. Kanina ay nag punta ang kaibigan nitong si Angelica, na inutusan ng kanyang mommy na ayusan siya, pero pinaalis niya ito. Nag dahilan siyang may Lbm siya, at sinabihan itong bumalik nalang.
Pinag buksan niya ang kanyang ina, upang papasukin ito. Nasa labas na kasi ito ng kanyang kuwarto at tinatawag siya nito.
"wow, ang ganda ng anak ko!"
Puri nito sa kaniya, pagka kita palang nito sa kaniya. Mabilis na pumasok ito sa kanyang kuwarto.
"tiyak na magugustohan ka ng anak ni don lucio iha! Hindi talaga kami nag kamali ng daddy mo na ikaw ang ireto sa anak ni don lucio. Sa ganda mong yan hindi yun tatanggi! Basta mag pakabait ka mamaya ha anak.."
Tumango nalang si Priya dito. Ayaw niya ng mag salita sa kanyang ina. Nakita niyang buo na ang loob nito na ipakasal siya, at hindi na niya ito makakaya pang kumbinsihin. Kilala niya ang kanyang ina. Kapag sinabi nito ay sinabi nito. Bata palang siya ay palaging ito na ang nasusunod para sa kanya. Ang pananamit niya nalang ang hindi nababago nito. Pero ngayon ay napilitan siyang Suotin ang ipinasusuot nitong damit sa kanya. Ayaw niya itong galitin dahil, baka maunsiyame ang kanyang plano, kaya dapat na matuwa ito sa kanya.
Maya-maya ay nakita niyang pumasok si angelica, ang baklang mag aayos sa kanya. Hinayaan niya lang na ayusan siya nito. Naka tingin ang kanyang mommy habang ina ayusan siya nito. Doon lang ito umalis ng tapos na siyang ma ayusan. Nag paalam ito sa kanya na babalikan raw siya nito maya-maya. Kasunod din nitong umalis ang baklang nag ayos sa kanya. Naiwan siyang mag isa sa loob ng kanyang kuwarto.