ROSY POV
NAKATITIG ako sa kawalan habang inaalala ang halikan na nagawa namin ni Uncle Nickel. Nararamdaman ko pa rin ang pagdampi ng kanyang labi sa akin, damang—dama ko pa rin. Halos malunod ako sa kanyang halik at hindi ko siya mapigilan pa, mabuti na lang bumalik ang aking wisyo kaya napigilan kong pumasok ang kanyang dila sa loob ng aking labi.
Paano kung hindi bumalik ang aking wisyo kanina? Paniguradong nag—e—espadahan na ang mga dila namin. Iʼm not naive. Nanonood ako ng hot movies and I know kung saan papunta ang ganoʼng halikan... Sa s*x.
Kaya nagpasalamat akong napigilan ko ang aking sarili.
Alam kong nag—iinit din ang katawan ko kapag nasa malapit si uncle Nickel sa akin, pero uncle in law ko siya. Uncle siya ni Stephan and Ninong ko siya. Kaya need kong alisin ang pagnanasa na mayroʼn ako sa kanya.
Napahilamos na lang ako ng aking sarili para mawala ang aking iniisip. Tinampal ko ang magkabilang pisngi at huminga nang malalim habang nakatingin sa mirror ng aking sink.
Kailangan ko ng lumabas para sabihin kay Cheska na na—indian ako sa first date namin ni Stephan.
Inayos ko ang aking buhok at dumapa sa kama ko, kinuha ko ang aking phone at inaakala kong may message si Stephan sa akin, pero wala.
Bwisit! Nakalimutan ba niya talagang date namin today? Of course not, lalo naʼt ilang beses akong nagpapaalala sa kanya.
Talagang nanood siya ng soccer game.
Nag—request ng video call kay Cheska, sana nya lang ay hindi siya busy sa kanyang Ninong Xeron.
I wish not.
“Hello, Rosy! Anong ganap sa date ninyo ng sigbin na iyon, ha? Nag—enjoy ka ba—teka, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang hindi nag—enjoy—wait! Sinipot ka ba ng gagong iyon? I mean...” Tumigil siya sa pagsasalita at may tinignan sa kanyang phone. “What the hell! Sinipot ka ba ng gagong sigbin na iyon, or, hindi, Rosy? Nanonood ang gagong iyon ng semi finals ng soccer! Sinipot ka ba niya?” malakas niyang tanong sa akin.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. “Mukhang hindi! Tell me the truth, Rosy! Nanggigigil na ako ngayon dahil sa sigbin na iyon!” Nakita ko ang inis sa kanyang mukha.
Umiling ako sa kanya. “Um, hindi. H—hindi niya ako sinipot, Cheska. Halos tatlong oras akong naghintay roon hanggang makita ko iyong tag pictures and video ng ka—teammate niya, nasa field siya ngayon at nanonood ng semi—finals ng soccer game,” mahinang sabi ko sa kanya.
“Sinasabi ko na nga ba! Kaya duda ako about sa date ninyo lalo naʼt semi—finals iyon ng soccer game! Lahat ng soccer games ay pinapanood ng sigbin na iyon! Isama pa ang mga gago at walang hiyang friends and teammates niya! Pinaalala mo ba sa sigbin na iyon ang tungkol sa date ninyo?”
Tumango ako sa kanya. “Yes, pinaalala ko. Pinaalala ko sa kanya na date namin. Kagabi, kaninang umaga, kanina bago ako umalis at iyong nandoon na ako sa restaurant. Ilang beses ako nagmessage sa kanya, Cheska. Pero ang huling nakuha kong message ay last night na, I know. Donʼt worry, sisipot ako. Iyon ang huling message niya sa akin,” sabi ko sa kanya.
“Tsk! Baka binida na naman ng sigbin na iyon na naghahabol ka. You know, ang dami mong messages sa kanya na siputin ka niya. Argh! Nabu—bwisit ako ngayon, Rosy!” inis na sabi niya habang ang mukha niya ay nanggigigil. “Alam na ba nina kuya Richard and kuya Ali na hindi ka niya sinipot?” dagdag niyang tanong.
Umiling ako sa kanya. “D—Dumating akong walang tao rito. Kaya hindi nila alam na hindi siya sumipot sa usapan namin. Na—inindian niya ako, na nanood siya ng soccer game at nakalimutan niya ako. Walang may alam... Except sa iyo, Cheska.” I lied kahit alam ni uncle Nickel ang tungkol doon.
Napatulala na naman ako nang maalala ang halikan naming dalawa.
“Tangina! Namumuro na talaga ang sigbin na iyon. Isumbong mo kaya sa mga tito niya? Ninong mo naman si Mr. Nickel—”
“No! What I mean, busy sila. Kaya hayaan na lang natin. G—gusto ko lang sabihin sa iyo dahil nalungkot talaga ako. H—huwag na natin sabihin sa kanila,” pagsisinungaling ko.
Kasi base sa itsura ni uncle Nickel, para siyang papatay. Handa siyang pumatay. Ganoʼn ang itsura niya kanina.
“Hay naku, Rosy! Sobrang bait mo kaya ka naaabuso ngayon! Tsk! Kung ako ang may fiancé sa sigbin na iyon, ipo—post ko ang kagaguhan ng lalaking iyon, Rosy! Naiinis ako!”
“Calm down, Cheska–”
“Calm down? Walang kakalma rito, Rosy! Hanggang hindi ka nakababawi sa sigbin na iyon!”
Pinaglaruan ko ang aking kamay habang nakatingin sa kanya. “A—alam ko naman iyon, Cheska. Sa totoo lang kanina ay gusto ko ng umiyak din... Pinipigilan ko lang iyong mga mata ko na umiyak kasi maraming tao. Naaawa rin ako sa sarili ko kasi ang tagal kong naghintay roon pero walang sumipot sa akin. Dama ko iyong hiya habang ang staff and ibang customers ay nakatingin sa akin kanina, Cheska. Kaya nga nagmadali na akong kumain, at iyong food dapat niya... Pina—take out ko at binigay sa kasambahay namin dito. Malungkot, hiya at galit din ako, pero pilit ko na lang pinapakalma ang aking sarili para hindi ako ma—stress, Cheska. Stress ako ngayon, pero siya itong masaya, ʼdi ba? Sobrang unfair for me. Kaya hindi dapat ako magalit or mainis. Ipapakita ko sa kanya na wala akong pake kung hindi niya ako sinipot. Iyon na lang ang dapat kong gawin,” sabi ko sa kanya habang pilit na ngumi—ngiti.
Nakita kong nagbago ang mukha niya. “Oo nga naman. Tama ka naman sa sinabi mo, Rosy. Kung maiinis ka nga sa sigbin na iyon, baka lalo ka niyang pagtawanan at sabihing naghahabol ka talaga sa kanya. Huwag ka na ngang magalit sa siraulong sigbin na iyon. Kapag nagmessage siya sa iyo, sabihin mong hindi ka apektado na hindi siya sumipot. Ipakita mong fierce ka pa rin kahit inuna niya ang soccer game na iyon!” madiin niyang sabi sa akin kaya tumango ako.
“Iyon nga ang pinaparating ko sa iyo, Cheska. Kaya baliwalain na lang natin. Kunwari walang date na nangyari ngayon!”
“Yes, wala kang date ngayon. Walang date sa pagitan ninyong dalawa ng sigbin na iyo, Rosy! Dedmahin mo ang gagang iyon. Kaya kung ako sa iyo umalis ka na dʼyan sa engagement na hindi ka naman payag. Mommy mo lang naman may gustong ipakasal ka sa sigbin na iyon. Dapat siya na lang magpakasal doon at hindi ikaw.”
Natawa ako sa kanyang sinabi. “Sira. Alam mo naman kasing matalik na kaibigan ni mom ang mom ni Stephan, ʼdi ba? Then, iyong husband ng best friend ni mom ay mas matanda kasi ang kuya nina uncle Nickel and kuya Nikko kaya isang taon lang agwat ni kuya Richard sa dalawa, then matagal bago sinundan si kuya Richard, kaya ang laki ng age gap naming tatlo.” sabi ko sa kanya.
Seven and nine years ang agwat ng bawat isa sa amin.
“I know. Naguluhan pa nga ako rati kung paano naging tito ng sigbin na iyon sila Mr. Velasco, like, hello, alam kong mag—best friend ang kuya Richard mo at si Mr. Nickel Velasco. Kaya nawindang ang aking braincells. Iyon pala grabe rin ang age gap nila sa dad ng sigbin na iyon. And, akala ko rin ay mom ng sigbin na iyon ang kapatid nila, hindi naman pala. Ang aga rin kasi namatay ang both parents niya kaya siguro kulang sa aruga ang sigbin na iyon, tapos kulang din sa atensyon kaya gustong—gusto niya ay nasa kanya ang atensyon ng mom mo at ibang tao sa paligid natin. Kaya nga sobrang friendly rin niya sa lahat, maging sa girls. Dapat off limit dahil mayroʼn siyang ikaw, Rosy! Ni—hindi ka nga sinasama sa mga ganap nila kaya ang tingin sa iyo ng mga friends and teammates niya ay wala. Isang display na fiancée. Sorry, Rosy. Best friend kita kaya nga ginigising na kita sa kahibangan mo. Kaya sabihin mo sa mom mo, tama na! Enough na dahil wala ka naman gusto sa sigbin na iyon. Tumitibok ba iyong puso mo? Hindi, ʼdi ba? Eh, niyang kepyas mo? Hindi rin siyempre. Kaya nga, tigil na. Hindi ka niyan sasaya. Mabuti pa ako, perfect kami ni Ninong Xeron. Gayahin mo ko, dedma sa kuya ko at sa dad ko. Kasi ang nasa isipan nila ay ang bruhilda kong step—mother and step—sister. But, I donʼt care kasi malaya ako sa lahat.” Nakangiting sabi niya sa akin habang mahabang nagpapaliwanag.
Thatʼs good for her.
“I know, Cheska. Konti na lang naman... Isang taon na lang ay ga—graduate na tayo. Makatatakas na rin ako rito sa amin.”
“Dapat lang, Rosy. Summer pa naman na. So, anong gagawin mo ngayong summer? Nganga? Kailangan maging maligaya ka sa summer lalo naʼt fourth year na tayo this school year. Kaya dapat ma—enjoy natin ang huling summer as a student dahil next year ay hindi na tayo student dahil nasa adultinghood na tayo at magwo—work na rin. Kaya ako bahala sa iyo para sumaya ang summer mo. Hahanap tayo ng magiging jowa mo! Ako bahala sa iyo!”
Napangiwi ako nang makita ang masaya at nakangising labi ni Cheska. Kung ganyan ang itsura niya, hindi siya nagbibiro. Totoohanin niya iyan.
Lagot ako nito.
Pero, okay sa akin iyon para tantanan ako ni mom at malaman niyang wala akong gusto kay Stephan talaga.
Siguro dapat kong pag—isipan ang bagay na iyon. Iyong tipong dapat ako ang masunod sa gusto ko.