ROSY POV
NATAPOS na rin ang usapan namin ni Cheska na ang dami niyang sinasabi, kaya kinabahan talaga ako nang husto. Nakahiga na ako habang nakatingin sa ceiling, bigla na naman namula ang magkabilang pisngi ko, sobrang init na para akong pinapakuluan ngayon. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni uncle Nickel kanina.
“Argh! Bakit bumabalik sa isipan ko iyon? Bakit ayaw mabura! Kailangang mawala sa isipan ko ang halikan na iyon! Kailangan—pero, masarap... Masarap siyang humalik, wait, bakit nasabi kong masarap siyang humalik?” Napahawak ako sa aking labi. “Malambot ang labi niya... Mabango rin ang bibig niya. Oh my gosh! No, uncle ni Stephan iyon... Ninong ko rin siya. Kaya bawal akong ma—in love. Pero, ano naman iyong kay Cheska? Ninong niya iyong boyfriend niya. Hindi lang iyon dahil nuʼng halikan niya ako... Kumabog nang mabilis ang aking dibdib, maging ang kepyas ko, kumibot—kibot ito. M—may gusto ba talaga ako kay uncle Nickel? Oh sadyang ganoʼn lang naramdaman ko kasi iyon ang first kiss ko iyon. Siya ang first kiss ko.” sabi ko sa aking sarili.
Si uncle Nickel ang first kiss ko.
Hindi niya dapat malaman.
“Rosy? Rosy, alam kong nandito ka! Sinabi sa akin nila Manang na nakauwi ka na!”
Napaupo ako sa kama nang marinig ang boses ni kuya Ali. Bakit nandito na siya? Akala ko ba ini—stalk niya iyong babae na nakabangga ng car niya?
“Rosy!”
Napatayo na ako nang marinig ang baritonong boses niya.
Napatakbo ako para buksan ang pinto, nakita ko siyang nakatitig sa akin.
“Nakauwi ka na nga.” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Kumusta ang date?”
Napalunok ako sa kanyang tanong. “Nabusog ako. Masarap iyong pagkain—”
“Rosy, I have something for you. New dress.” Nagulat ako nang nasa likod ni kuya Ali si kuya Richard. “Nagawi ako sa shop ng mga Montgomery, nakita ko itong dress, bagay sa iyo.” sabi pa niya sa akin.
“Um, thanks, kuya Richard.” Kinuha ko ang paper bag. Tinignan ko iyong at nakita ko ang kulay light blue na dress.
“Tsk, may suhol!”
“What?”
“Nothing! Makapasok na nga lang sa room ko!” malakas na sabi ni kuya Ali at nauna na siyang umalis sa harap ko.
“Hindi talaga kami magkakasundo ng Ali na iyon! Anyway, maaga ka ba nakabalik, Rosy? Napansin mo ba si Nickel ng dumating dito?”
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niyang iyon. “Um, yes po, kuya Richard. Napansin ko siya na paalis na... Nakita ko kasi iyong car niya na nasa labas na ng gate natin. Yeah, doon ko siya naabutan,” sabi ko sa kanya at ngumiti nang malaki.
“Ganoʼn ba? Oh, siya, papasok na rin ako sa room ko at aasarin ko pa lalo ang Ali na iyon,” sabi niya sa akin at lumakad ka rin siya paalis sa harap ko.
Nakahinga akong maluwag nang mawala na sila pareho sa harapan ko. Pumasok ako sa loob ng room ko at naupo sa gilid ng kama. Kinuha ko ang dress na bigay ni kuya Richard sa akin, nakita ko ang light blue dress. Isa itong semi formal dress na may design na may design na kita ang elbows or pʼwede siyang maging turtle neck, pʼwede rin pa lang isang elbow ang ipakita.
Titignan ko sana kung magkano ito, pero wala iyong bill na kasama. Mukhang ayaw ipaalam ni kuya Richard sa akin kung magkano ang dress na ito. Napangiti ako ng dahil doon.
Swerte ng magiging girlfriend nina kuya Richard and kuya Ali.
Tinanggal ko na iyong dress sa paper bag, iyong paper bag naman ay tinago ko. Tinatago ko ang mga bagay na ito para maging souvenir. Nilagay ko naman ang dress sa laundry basket ko para malabhan naman ito bukas, maglalagay na lang ako ng note na bago ito kaya hand wash muna ito.
~~°°°~~
Lumipas ang ilang oras ay pinatawag na ako ng kasambahay namin, handa na raw ang dinner para sa aming lahat. Kaya kahit tinatamad akong bumaba at mas gusto kong kumain sa room ko, wala akong choice kung ʼdi sumunod.
Bumaba ako at pumunta sa dining hall, nakita kong nandoon na silang lahat. Napatingin ako sa kanila at sinenyasan ako ni dad na maupo na sa tabi ni mom.
Ayokong tumabi sa kanya.
Iniiwasan ko siya dahil baka magtanong siya about sa naging date namin ni Stephan.
Anong sasabihin ko?
Sabihin kong hindi siya sumipot, totoo naman.
Iniisip ko na baka magalit sina kuya Richard, kuya Ali and dad.
Si mom? Baka magalit siya sa akin.
Nakaupo na ako sa dining hall namin, sobrang tahimik. Pinapakiramdaman ko si mommy na sa tabi ko. Wala pang tanong na nangyayari kaya nagdasal na kaming lima at saka ako nagsandok ng kanin.
Iyong kabang nararamdaman ko ay sobrang lakas.
Parang ayokong magsalita kasi once na magsalita ako ay makukuha ko ang atensyon nilang lahat lalo na si mom.
“Do you want this, Rosy? Sinigang na hipon.”
I froze nang marinig ang pangalan ko sa boses ni kuya Ali. “Ah, thanks, kuya Ali!” sabi ko sa kanya ang kinuha ang isang bowl ng Sinigang na hipon, nabalatan na iyong hipon na nandoon dahil sa kanya.
“Oh, I almost forgot...”
Halos huminto ang aking dibdib nang marinig ang boses ni mom. Hindi ako lumingon, nakatingin lamang ako sa plato ko, doon ang focus ko ngayon.
Huwag mo sana maalala, mom.
Huwag mo sana itanong sa akin kung kumusta ang date namin ni Stephan dahil wala akong masasabi.
Wala talaga.
I heard a chair na umusog. Nakita ko ang paa ni mom na naka—direct sa akin. Sa akin siya magtatanong.
“Rosy, howʼs your date with Stephan? Ngayon ko lang naalala about sa date ninyo. Nag—enjoy ba siya?” tanong niya sa akin na siyang tumigil sa pagtibok ng dibdib ko.
Napahinto ako sa pagkain at tinignan siya, nakita ko ang banat niyang mga labi. “Um, ano...” Nakita kong maging sina dad, kuya Richard and kuya Ali ay nakatitig na sa akin, naghihintay na rin sila sa aking sasabihin.
“Ano, Rosy? Nag—enjoy ba siya?”
Napalunok ako nang paulit—ulit at napahawak sa aking hita, nag—uumpisang manginig ang aking kamay at hita. “A—ano po kasi... H—hindi niya ako sinipot sa date namin kanina, mom,” mahinang sabi ko, sapat na iyon para marinig nila.
Wala akong narinig na boses, naging tahimik ang paligid hanggang may kumalabog. “Hindi ka niya sinipot!” malakas na tanong ni kuya Richard habang nakatingin sa akin.
Nakita ko ang panga niyang umiigting ngayon, hindi lang siya maging sina dad and kuya Ali. “How come na hindi ka niya sinipot, Rosy?” tanong naman ni Ali. “Sinasabi ko na nga ba, kaya ayokong iwan kita sa Mall kanina. Tsk!” dagdag niyang sabi sa akin.
Huminga akong malalim habang nakatingin sa plato ko. “Um, hindi niya ako sinipot. Nagmukha akong tanga na naghihintay sa kanya sa Cade Me Crazy na halos tatlong oras. Then, nalaman kong nasa soccer game siya with his friends and teammates. How nice, right? Kung hindi pa dumaan sa newsfeed ko ang tag mula sa teammate niya ay hindi ko malalaman na nasa semi finals game siya ng soccer.” paliwanag na sabi ko sa kanila.
“f**k! Namumuro na talaga ang Stephan na iyon, dad!” malakas at madiin na sabi ni kuya Richard. Nakita ko ang magkabilang kamay niyang nakakuyom na, galit na siya.
“What? Heʼs watching a soccer game?” Tumingin ako kay mom at tumango sa kanyang sinabi. “Bakit pinili mong date ang araw na ito kung may laban pala ang soccer game, Rosy?” malakas niyang sabi.
I was shocked, hindi lang pala ako, maging sina kuya Richard, kuya Ali and dad ay nagulat sa sinabi niya.
“Alison!” sumigaw si dad na hindi niya ginagawa kapag nasa dining hall kami.
“What? Hetong si Rosy nagyaya ng date ay ganoʼng may laban pala ang soccer, semis pa! For the christ sake! Malamang uunahin ni Stephan ang soccer game kaysa sa kanya.”
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Mom ko ba siya? Bakit always niyang kinakampihan si Stephan? Alam ko namang wala na siyang parents, pero anak niya ako.
Napatayo ako sa kanyang sinabi. “Wow, mom! Really, mas kinakampihan mo si Stephan kaysa sa anak mo? First of all, hindi ako nagyaya ng date sa kanya, hindi ko sinabi na today ang date namin, siya! Siya ang nagyaya ng date sa akin na gawin today at maging ang oras! Ako na nga lang nag—adjust na sa Cade Me Crazy kumain kahit ang business natin ay restaurant din. Second, ilang beses akong nagpaalala sa kanya about sa date na ito, and guess, what umo—okay siya. Third, ganoʼng mas gusto pala niyang manood, dapat sinabihan na lang niya ako. Mayroʼn pa siyang oras para sabihing hindi siya makararating hindi iyong pinaghintay niya ako ng tatlong oras, mom! Kung sa iyo ang mangyari ang bagay na iyon, na hindi ka siputin ni dad, anong mararamdaman mo?” malakas kong sabi sa kanya. “Palagi ka na lang sa side ni Stephan, mom! Dapat si Stephan ang alalahanin dahil wala na siyang magulang. Yeah, pero hindi always. Hindi always tama siya! Hindi always pʼwedeng palagpasin. Bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa kanya, mom? Ganoʼng mas alaga mo siya kaysa sa sarili mong anak na babae. Kayo naman ang nagdesisyon nitong enga—” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang mabingi ako at tumabingi ang aking mukha.
“Mom!”
“Rosy!”
“Alison!”
Napaawang ang aking labi at tumingin kay mom. “See, nasasaktan mo na rin ako.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Nawalan na ako ng ganang kumain.”
Tumalikod ako sa kanila at mabilis na lumakad palabas sa dining hall.
“Rosy!”
Narinig ko pa ang pangalan ko, pero hindi na ako huminto pa.
Totoo naman ang sinabi ko.
Siya lang naman ang nagpipilit na ipakasal kami sa isaʼt isa.