ROSY POV
NAGKULONG ako sa kʼwarto, ni—lock ko iyon at maging ang second lock. Ayokong may ibang pumasok at istorbohin ako ngayon. Ayokong may kausap. Ayoko silang kausapin.
Lumakad ako papunta sa kama at dumapa, ngayon ko naramdaman ang init ng kanang pisngi ko, malakas ang sampal niya sa akin. Ayokong tignan kung may bakat bang kamay mula kay mom. First time niya akong pagbuhatan ng kamay dahil totoo naman ang sinabi ko.
I heard a three knocks. “Rosy? Rosy, are you okay? Open this door. Letʼs talk.” Narinig ko ang boses ni kuya Richard, pero hindi ako nagsalita. Nagtalukbong ako ng kumot habang iniisip na walang kumakatok at nagsasalita sa labas ngayon.
“Rosy, open this door!”
Bakit hindi pa sila umaalis?
Ayokong makausap sila!
Ayoko!
Nakarinig ako ng kalansing na mukhang binubuksan nila ang pinto ko, mabuti na lang ay may second lock akong nilagay.
“f**k! Naka—lock pa rin, Ali!”
Napangiti ako nang marinig ang dismayadong boses nila.
“Rosy! Rosy? Open this door!” Narinig ko ang malakas na boses nina kuya Richard and kuya Ali.
“Leave me alone!” malakas kong sabi sa kanila. Alam kong naririnig nila ako dahil hindi na soundproof ang kʼwarto ko.
“Rosy, open this door. Mag—usap tayo. Gusto kang kausapin ni mom. Hindi niya sinasadya na masampal ka niya.”
Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi nila. Napaupo ako sa kama habang hindi ko na mapigilan ang luha sa mga mata ko. Mas masakit pa ito sa nangyari sa akin kanina sa Mall. Mas masakit ito dahil mismong pamilya ko pa.
“Hindi sinasadya, really? No! Sinasadya niya dahil may sinabi akong hindi maganda sa Stephan na iyon! For mom, si Stephan ang anak niya at hindi ako! Baka nga ayaw niyang magkaroon ng babaeng anak dahil sa treatment pa lang sa ating tatlo, ibang—iba na sa akin. Kaya huwag ninyong sabihing hindi niya sinasadya! For her, si Stephan lang ang always niyang nakikita. Always tama for her and dapat si Stephan ang alalahanin sa lahat. What about me? Ako iyong babae rito! Ako! Pero, dapat pala ako ang mag—adjust, really?” sigaw ko sa kanila. “Kaya huwag ninyo kong kausapin muna ako! Ayoko munang makarinig ng kahit ano sa into. Ayoko!” malakas ko pang sabi at nagtalukbong ako ng kumot habang pinipigilan kong humikbi nang malakas.
“Rosy, kapatid ka namin... We are here for you, okay? Nabigla lang talaga si mom—”
Sinarado ko ang isipan and tenga ko para hindi sila marinig. Ayoko silang kausapin. Ayoko.
Gusto ko munang ipagpahinga itong magulong isipan ko.
~~°°°~~
Kinabukasan, nagising akong nagmumugto ang mga mata ko dahil sa kaiiyak ko kagabi. Hindi ako nakatulog dahil kada isang oras ay nagigising ako. Nakikita ko sa panaginip ko ang naniningkit na mga mata ng pamilya ko at maging ang pagsampal ni mom sa akin, hindi lang iyon dahil nakita ko rin si Stephan na nakataas ang sulok ng kanyang labi sa akin. Kaya halos manlamig ang aking buong katawan. Nawala lang iyon nang pakiramdam ko ay may yumakap sa akin... Sa panaginip ko at iyong lalaki na iyon ay si uncle Nickel. Siya ang nakita ko sa aking panaginip habang hinahaplos ang aking buhok at may binubulong sa akin, hindi ko maalala.
Bumangon na lang ako sa kama at kinusot ang mga mata, nakita kong alas—nuwebe ʼy trenta na. Paniguradong wala ng tao sa ibaba except sa mga kasambahay namin. Lumakad na lang ako papunta sa bathroom ko, to take a shower para mawala na rin ang pagmumugto ng aking mga mata. Napahinto ako nang mapatingin sa mirror ng sink na aking bathroom, nakita kong namumula pa rin ang kanang pisngi ko.
“Hay.” Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa salamin. “Malakas ang pagkasasampal niya sa akin.” Hinaplos ko iyon at saka umalis sa harapan ng sink.
Hinubad ko ang saplot sa aking katawan at tumapat sa shower, napapikit ako nang makaramdam ako ng hapdi sa aking pisngi. Kailangan kong bumili ng ointment. Nagmadali na lang akong maligo dahil hindi ko kinakaya ang pagkirot—kirot nito. Lumabas na rin ako sa bathroom at kumuha ng damit, maong pants and shirt ang sinuot ko. Naglagay ako ng lotion sa buong katawan ko at maging sa aking mukha. Nang matapos ay lumabas na rin ako.
Chineck ko muna ang aking phone, nakita kong ang daming chats mula kina kuya Richard and kuya Ali, sineen ko lang ang mga iyon, maging ang kay dad sa messages niya. Ang pinagtataka ko, wala man lang message or chat mula kay Stephan and even mom. Wow, wala man lang balak humingi ng sorry? Really?
Fuck!
May message pa akong binuksan, kay Francheska galing ito. Napangiti ako nang makita ang messages niyang puno ng saya.
Francheska:
Rosy! Rosy!
I have a good news for you!
Niyaya akong mag—Singapore ni Ninong Xeron ko!
Oh my gosh!
Aalis kami this Sunday, then one week kami roon. Wish me luck dahil aakitin ko siya mismo sa Singapore!
Kaya ikaw, Rosy, dapat maging masaya ka rin, okay? Huwag kang ma—stress sa sigbin na iyon. Kaya we have two months para maging masaya.
Love you, Rosy! May best friend!
Hindi ko napigilang mapangiti nang mabasa ang chats niya.
Iʼm happy for her.
Naging success na siya sa kanyang Ninong Xeron niya. Alam ko kung ilang beses niyang inakit ang kanyang Ninong Xeron, hindi lang iyon, grabe rin ang pinagdaanan niya after ibahay ng kanyang dad ang step—mom and step—sister niya. Kaya sobrang saya ko sa kanya kapag ganito siya ka—saya lalo kung ganitong karaming emojis, smile and heart emojis.
Rosy:
Good for you, Cheska!
Iʼm happy for you. Pasalubong ko, ha?
Enjoy sa Singapore.
Reply ko sa kanya.
Napakapit ako sa aking phone. “Nagseselos ako. She can do what she wants, but me... I have a collar in my neck... Hindi ko maalis. Kailangan ko na rin bang tanggalin itong kadena na nakatali sa akin para tuluyan na akong makalaya sa lahat.
Pero, hindi ako makalalaya kung hindi pa ako maka—graduate. Hindi ako makakaalis dito, pero isang taon na lang naman. Isang taon na lang need kong tiisin.
Dinala ko ang aking phone at bumaba, nandoon ang money ko, cashless. Mabilis akong bumaba at nakita kong sobrang tahimik rito, may nakita akong iilang kasambahay. Nakita ko ang panlalaki ng kanilang mga mata, nakita ko ang tingin nila sa aking pisngi, pero napapaiwas sila ng tingin kapag binabalikan ko sila.
Napansin siguro nila ang pamumula pa rin ng pisngi ko.
“Miss Rosy, saan po kayo pupunta? Binilin po sa amin ni Mr. Richard na kumain po kayo ng breakfast,” sabi ng isang kasambahay namin, si ate Karla.
Napahinto ako sa paglabas sa pinto nang marinig ang tanong na iyon. “Lalabas. Pupunta sa pharmacy para mawala ang kirot sa pisngi ko. Doon na rin ako kakain sa labas,” sabi ko sa kanya at lumakad na muli palabas sa bahay namin.
Nilakad ko lang ang palabas sa aming village hanggang makarating ako sa convenience store, tumawid ako sa kabilang kalsada. Pumasok ako sa loob ng convenience store at bumili ng ointment, nagtanong ako sa cashier kung anong pʼwedeng ipahid sa pamumula at pagkirot ng isang sugat, iyon na lang ang dinahilan ko. Hindi ko naman pʼwedeng sabihin na sinampal ako.
Binigyan nila ako ng ointment and binayaran itong pagkain na kinuha ko, omelet with rice, sisig with rice, tuna mayo onigiri, korean buns and snacks na pʼwede kong kainin sa loob ng room ko. Pinainit kong omelet and sisig with rice at saka lumabas na rin sa convenience store. Kailangan ko pang lagyan ng ointment ang aking pisngi.
Nang makabalik ay nakita ako muli ako ni are Karla, hinayaan ko na lang siya at mukhang magbibigay ng updates sa dalawang kapatid kong lalaki. Dire—diretso akong umakyat sa room ko at ni—lock muli iyon, double locked.
Naupo ako sa bean bag at nilapag sa table ang mga pinamili ko. Narinig kong kumulo ang aking tiyan kaya binuksan ko na ang sisig with rice at kinain ko iyon habang nanonood ng series, zombie series.
Napatigil ako sa pagkain nang makita kong umilaw ang aking phone, akala ko si Cheska muli pero sina kuya Richard and kuya Ali ang nasa screen ko ngayon.
Kuya Richard:
Rosy, galit ka pa rin ba?
Sine—seen mo lang ang messages ko for you, even kay Ali.
Nalaman ko ring bumili ka ng food mo sa convenience store. Hindi niyan healthy food, Rosy. Baka magkasakit ka pa.
Hindi muli ako nagreply sa kanya at sinunod ang chats ni kuya Ali naman.
Kuya Ali:
Rosy, my little sister.
Sorry kung hindi kita na—protektahan kagabi, ha?
Kumain ka naman nang marami. Huwag niyang food from convenience store, okay?
Chat me kapag may gusto kang ipabili sa akin. Ibibili ko agad for you.
Lumambot ang puso ko nang mabasa ang chats ni kuya Ali. Ipapabili? Ano hang gusto kong ipabili for him? Nabili ko naman na at may pera rin ako for my allowance. Kaya wala akong ipagbibili sa kanya.
Hindi rin ako nagreply sa kanya. Hinagis ko ang aking phone sa kama at hindi ko papansinin iyon.
Ayoko munang makarinig mula sa kanila.
Ayoko muna silang makita. Ayoko munang makausap sila lalo na si mom. Ayoko muna.