ROSY POV
BUONG araw ay nakakulong ako sa loob ng kʼwarto ko. Kinain ko ang lahat ng pagkaing nabili ko sa convenience store, wala na akong pagkain for dinner except sa snacks, iyon na lang ang mayroʼn ako.
“Rosy? We are here now. Pʼwede bang lumabas ka? May ibibigay ako sa iyo.”
Narinig ko ang boses ni kuya Richard, nandito na siya. Napatingin ako sa wall clock, ang aga niyang nakauwi.
“Rosy, please, open this door. Nag—aalala na ako para sa iyo. May dala akong food for your dinner. Kaya lumabas ka na dʼyan at heto ang kainin mo at hindi iyong nasa convenience store na pagkain.”
Nasa tapat pa rin siya ng kʼwarto ko kaya wala na akong nagawa kung ʼdi tumayo, lumakad papunta sa pinto at binuksan iyon. Nakita ko ang gulat at pagngiti niya nang makita niya ako.
“Finally, lumabas ka na rin, Rosy.” Napatitig siya sa aking pisngi. “Masakit ba? Malakas ba ang pagkasampal ni mom sa iyo kahapon?” pagtatanong niya sa akin.
“Halata naman, right? Bumili ako ng ointment sa convenience store para hindi kumirot ito, kuya Richard.”
I heard him sighed. “Iʼll talk to our mom na magsorry sa iyo—”
“No, kuya Richard. For sure na hindi naman siya magso—sorry sa akin. Mawawala rin naman ito but for now, ayoko muna siyang makita. Kaya hindi ulit ako sasabay sa inyo ng dinner. Thanks for this!” Kinuha ko ang paper bag na dala niya, from our business. “Isasarado ko na itong pinto. Huwag ninyo muna akong istorbohin.” madiin na sabi ko at sinarado ang pinto ng aking room.
Muli akong bumalik sa coffee table para ilabas ang food na binili niya, ang favorite kong food ang kanyang binili, burger steak with rice and mac and cheese. Hindi lang iyon dahil may caesar salad and dalawang muffin pang kasama. Mabubusog ako sa gabing ito. Kakain na sana ako nang may kumatok muli, sa pagkakataon na ito ay boses ni kuya Ali naman.
“Rosy, I know you are there! I have a food for you! Dessert ito, alam kong dinalhan ka na ni Richard ang pagkain from our business kaya hetong ice cream cake na lang binili ko for you,” sabi ni kuya Ali na nasa labas.
Tumayo na muli ako at muling binuksan ang pinto, nakita ko ang isang paper bag na dala niya rin.
“Marami bang dinala si Richard for you, Rosy?” tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Galit ka pa ba sa amin?”
“Hindi ako galit sa inyo—”
“Kay mom.” Hindi ako nakapagsalita sa kanyang sinabi. “Dapat ka lang magalit sa kanya dahil sinampal ka niya dahil sa gagong Stephan na iyon. Huwag ka munang bumaba. Ang Stephan na iyon, humingi ba ng sorry sa iyo?” tanong niya muli sa akin.
Umiling ako sa kanya. “Tanginang gagong iyon! Hindi pa muli nagcha—chat ang gagong iyon sa iyo, ha? Isang araw naʼng mangyari ng date ninyo. Gago talaga! Ipakain ko sa kanya ang bola!” madiin na sabi niya sa akin.
Napangiti ako sa kanyang reaction. “Kuya Ali, hayaan mo siya. Ayoko ring makita ang chat niya, kaya hindi ko rin papansinin kapag nagchat siya sa akin,” sabi ko sa kanya.
“Dapat lang, Rosy! Hayaan mo ang gagong iyon ang maghabol sa iyo. Pumasok ka na muli sa loob ng room mo. Kainin mo na rin ang binigay namin, except hetong ice cream cake, huwag mong uubusin baka magkaroon ka naman ng diabetes, Rosy.” madiin at pinaalalahanan niya ako.
Tumango ako sa kanyang sinabi. “O—opo, kuya Ali. Ilalagay ko sa personal refrigerator ko rito.”
Hinawakan niya ang aking buhok. “Good! Eat well!” sabi niya sa akin at lumakad papunta sa room niya.
Napangiti ako sa kanya. Parehas kami ng kalagayan ni Cheska pero ang kaibahan lang namin ay mahal ako nina dad, kuya Richard and kuya Ali, si Cheska, wala ni—isa. Mas mahal ng dad and kuya niya ang step—sister niya. Kaya pati ako ay nagagalit sa kanila.
Kung sino pa ang tunay na anak at kapatid nila, doon pa sila hindi maganda ang trato, mabuti na lang ay Lazaro si Cheska.
Natapos na naman ang araw ko na hindi ko nakita si mom, ayoko siyang makita lalo naʼt mahapdi pa rin ang sampal na ginawa niya. At saka, hindi rin naman niya ako hinahanap para mag—sorry sa akin kaya bakit ako bababa para sa kanya?
I take a half bath, nakasuot na ako ng terno pajama ko at lumabas na walk—in closet para makatulog na muli. Grabe, ano? Sobrang productive ng buong araw ko, puro ako nasa bahay lang. Ganito ba mangyayari sa akin sa buong summer ko?
Ayoko.
Ayokong maubos ang two months na summer na mayroʼn ako, na nakakulong lamang sa loob ng bahay.
Gusto kong pumunta sa beach. Magtampisaw, lumangoy at gumawa ng water activities. Gusto kong sulitin ang bakasyon before ako maging fourth year college.
“Hay!” Napabuga na lang ako habang nakatingin sa ceiling. “Kailangan natin magbakasyon, Rosy! Saan ba pʼwedeng pumuntang beach? Saan ba pʼwedeng magpahinga... Iyong tipong stress free. Iyon ang need ko ngayon.” sabi ko sa aking sarili.
Napatagilid ako ng higa at napansin kong umiilaw ang aking phone. Napaupo ako sa gilid ng kama at kinuha ko iyon, nakita ko ang name ni Stephan.
“Wow! Really? Nagtext ka after one day? Ha?” asik ko habang nakatingin sa pangalan niyang nasa screen. “Ang lakas din ng apog ng isang ito, ano?” Naiilang na sabi ko pa habang tinuktok ko ang aking phone.
Ano naman kaya ang chinat ng gagong ito? Nagsisisi kaya ang isang ito kung bakit hindi siya nakasipot? Or, nagbigay ng palusot kung bakit mas inuna niya ang soccer game na iyon? Siya naman itong nagyaya ng date sa araw na iyon. Dapat alam niyang semi—finals pala ng soccer kahapon, pʼwede namang akong sumang—ayon sa kanya na iurong ang date, pero ano? Hindi siya sumagot sa mga chats ko sa kanya.
Bwisit!
Tinap ko na ang chat niya at lumabas doon ang apat na messages niya.
Stephan:
Letʼs date again, Rosy.
For now ay hindi ko na makalilimutan ang date natin. Letʼs meet again this Saturday, 1PM, okay?
Nabitawan ko ang aking phone sa kama nang mabasa ko ang chats niyang iyon. “Nakalimutan? Really? Ilang beses akong nagchat sa kanya, siraulo ba siya? Anong phone mayroʼn ba siya, ha? Hindi niya nabasa na ilang beses akong nagchat sa kanya? Bago ang date namin nagchat pa ako sa kanya, he said yes, tuloy ang date namin. Then, kahapon, bago ako umalis, nagchat muli ako sa kanya para makasigurado kung tuloy na tuloy talaga kami, pero hindi siya nagreply sa akin. Dapat doon pa lang ay nakakutob na ako na hindi na sana ako sumipot pa.” kausap ko sa aking sarili habang nanggagalaiti ako sa aking nabasa.
Umayos ako ng pagkakaupo sa kama at nagtype ako sa kanya.
Rosy:
Really? Nakalimutan mo, Stephan?
Before our date kahapon ay nagtanong pa ako sa iyo kung tuloy ang date natin, sinagot mo ko na oo. Then, kahapon, ilang beses akong nagcha—chat sa iyo kung nasaan ka na, nandoon na kasi ako sa Cade Me Crazy. Pero, ni—isang chat ba ay may ginawa ka? Wala, right?
Kung hindi pa dumaan sa newsfeed ko ang post ng teammate mo, wala akong ideya na nasa soccer game ka kahapon!
Almost three hours na akong nasa restaurant, hinihintay ka. Nakakahiya, oo. Pero, sana naisip mo man lang, Stephan, may pinangakuan kang date.
Okay lang din naman sa akin, kung hindi matutuloy kahapon, naiintidihan ko dahil nga soccer player ka, pero wala kang ginawa!
And, guess what? Sa akin pa nagalit ang mom ko dahil sinabi mo sa kanya na ako ang nagbigay ng date na iyon. Really? Really!
Wala akong masabi sa iyo.
Kaya date again this Saturday?
Wala na akong tiwala.
Sorry.
Mahabang chats ko sa kanya. Hindi na ako nakapagtimpi, lahat ng mga dinibdib ko ay chinats ko ngayon. Hindi ko lang alam kung sasagutin niya ako or worst, hindi ko alam kung babasahin niya.
Wala na akong pake kung basahin man niya or hindi. Basta nailabas ko ang sama ng loob ko sa kanya.
Naghintay ako ng ilang minuto, wala pang reply kaya ibababa ko na sana nang tumunog at umilaw ang aking phone. Nakita ko ang name and mukha ni Stephan.
Stephan:
Iʼm sorry for yesterday, Rosy.
Nagulat ako nang dumating sa bahay sina Adrian and Mike, drinag nila ako papunta sa stadium and kinuha nila ang phone ko.
I forgot about you.
Iʼll promise na sisipot ako sa Saturday. Mauuna ako roon, okay?
Sa mismong restaurant tayo kakain, Rosy.
So, can we?
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang reply niya. Kinuha ang phone niya?
Pumunta ako sa account niya and chineck ang tag sa kanya ng Adrian na iyon. Zinoom ko ang mga photo, wala nga siyang hawak na phone, even his bag, iyong body bag na always niyang gamit.
Mukhang tinago ng walang hiyang Adrian na iyon ang phone ni Stephan. Heto talaga ang mababa ang tingin sa akin. Akala mo naman ay ka—gwapuhan, ang panget naman niya.
Rosy:
Are you sure about that, Stephan?
Pag—isipan mo munang mabuti at baka may gagawin ka na naman sa araw na iyon. Ayoko ng magmukhang tanga lalo na sa business na namin iyon. Kaya think deeply, Stephan.
Sinend ko agad ko sa kanya iyon habang nakita kong online pa siya.
Stephan:
Wala akong gagawin sa araw na iyon, Rosy.
I swear, free day ako that day kaya can we?
Mauuna ako sa restaurant ninyo para hindi ka kabahan.
Before 11 na ay nandoon ako.
See you on Saturday, Rosy!
I saw the smiley and heart emojis na nakalagay sa mga chats niya sa akin.
Should I trust him?
Dapat ba akong maniwala na sisipot siya sa Saturday?
Siya naman ang mauuna sa aming dalawa.
Should I?