ROSY POV
ROSY:
Okay, letʼs meet again this Saturday, Stephan.
Siguraduhin mong ikaw ang mauuna.
Nakatitig ako sa chat ko muli sa kanya. Heto na naman ako. Sumang—ayon na naman ako sa date na siya ang nag—suggest na naman.
Stephan:
Of course, I will, Rosy.
Sisipot ako sa Sabado.
Hindi lang iyon dahil mauuna ako sa iyo sa restaurant na pagmamay—ari ninyo.
See you on Saturday!
Ni—like ko na lang ang kanyang chat at binaba ang aking phone. Dapat siguro ako maniwala sa kanya, two days na lang naman before Saturday.
Nakatitig ako sa kawalan habang iniisip ang pagpayag ko kahapon. Friday na ngayon, kaya bukas ay magkakaroon na naman kami ng date. Naligo na muli ako at bumaba, wala naman na akong pake kay mom kung nandoon siya sa dining hall.
“Good morning po, Miss Rosy!” Narinig ko ang bati ng mga kasambahay namin, kaya tumango lang ako sa kanila at lumakad papunta sa dining hall.
“Rosy!”
Nakita ko ang gulat sa mukha nila nang makita nila ako.
“Good morning, iha. Bumaba ka rin sa wakas. Ano niyang nasa pisngi mo?” tanong ni dad sa akin at tinuro ang kanang pisngi ko.
“May cheeks, dad? Ah, ointment po. Naglagay ako kasi kumikirot ang aking right cheek po,” kalmado kong sagot sa kanya at naupo ako rito sa kabilang dulo ng table, kaharap ko si dad.
Nakita ko ang simpleng tingin ni dad kay mom, kaya napatingin sa akin si mom. “Iʼm sorry, Rosy. Iʼm so sorry. Nadala lang ako kaya nasampal kita noong isang araw. Tumama pa ang ring ko sa face mo. We should go sa hospital para ipa—check ka,” sabi ni mom sa akin.
Nakita ko ang pagngiti nina dad, kuya Richard and kuya Ali. “Um, okay po, mom. Sorry rin po sa nasabi ko nang gabing iyon—”
“No, tama naman ang sinabi mo, Rosy. Kaya siguro nagalit ako dahil tama ang sinabi mo. Iʼm sorry again, Rosy. Sinabihan ko na rin si Stephan na kausapin ka at muli kayong magdate na dalawa. Kinausap ka na ba niya, Rosy?” tanong ni mom sa akin.
Ah, kaya pala nagchat ang Stephan na iyon.
So, wala iyang balak makipag—date muli sa akin kung hindi siya sinabihan ni mom na kausapin ako?
Wow, Stephan, really?
Akala ko naman ay kusa siyang nagchat para humingi ng sorry sa akin at makabawi sa date na inindian niya, pero hindi pala. Lahat ng iyon ay sinabi ni mom para makabawi sa akin.
“Rosy, nagchat ba sa iyo si Stephan?” tanong muli ni mom sa akin.
“Um, yeah po. Kagabi lang po siya nagchat about that. Sinabihan niya akong magdate muli kami this Saturday sa business natin, then siya ang unang sisipot para maniwala akong hindi niya ako i—indian—in,” sabi ko sa kanila.
“Dapat lang talagang una siyang sisipot. Anong balak ng Stephan na iyon, na ikaw na naman ang unang darating?” tanong ni kuya Ali sa akin at napailing—iling.
“Iha, nagsorry ba siya sa iyo? Nagsabi ba siya kung bakit hindi siya nakadalo ng araw na iyo?” tanong ni dad sa akin.
“Um, sumulpot daw sa bahay nila ang kanyang teammates... Drinag siya ng mga ito then tinago ang phone niya kaya hindi niya ako na—i—chat. But, sana man lang sinabihan niya ang mga teammates niya, na he need to get his phone para makapag—chat sa akin na nasa stadium siya ngayon and watching sa semi—finals game ng soccer, pero mukhang nakalimutan niya ring may date siya that day,” sabi ko sa kanila.
Nakarinig kami ng buntong hininga from mom. “Bad influence talaga ang teammates niya. But, donʼt worry, Rosy. Paniguradong sisipot na si Stephan tomorrow. Sundin mo na lang siguro ang oras na sinabi niya, ha? After nating kumain ng lunch ay pumunta tayo sa hospital para i—pa—check ang pisngi mo, okay?” malumanay na sabi ni mom kaya tumango ako sa kanya.
“Okay po, mom.”
“This is peace. Heto ang gusto ko sa family natin. Nagkakasundo tayong lahat.” Napatingin kaming lahat kay dad na nakangiting kumakain ngayon.
Heto rin ang gusto ko dad. Ang mapayapa at masayang family sa ating lahat.
Nang matapos kumain ay sinamahan ako ni mom sa Carter Hospital para ipa—check ang face ko. “Hindi pʼwedeng namumula pa rin niyan hanggang bukas, Rosy. May sugat ba sa loob ng mouth mo? Iʼm sorry again, okay?” Hinaplos niya ang aking right cheeks.
“Wala naman pong sugat sa loob, mom.” Wala naman talagang sugat sa loob ng aking bibig.
“Mabuti naman kung ganoʼn. Hindi ko sinasadya na mapalakas ang sampal ko sa iyo. Natauhan din ako after mong umalis sa dining hall. Halos hindi ako makatulog dahil inaalala kita. Ayaw naman kitang lapitan pa, baka kasi galit ka pa sa akin, Rosy. Sobrang nagso—sorry ang mom mo sa iyo,” sabi niya sa akin at hinawakan pa ang kanang kamay ko.
“Itʼs okay po, mom. N—nagselos lang po kasi ako... Always, si Stephan ang kinakampihan ninyo kaysa sa akin po. Nararamdaman kong mas anak ninyo siya kaysa sa akin—”
“Donʼt talk like that, Rosy. Nag—aalala lang ako sa kanya dahil alam mong wala na siyang parents, tayo na lang at sina Nickel and Nikko ang pamilya niya. Hindi naman siya maasikaso ng dalawa dahil busy ito sa kanilang career. Kaya sorry kung iyon ang nararamdaman mo, Iha.”
Napangiti ako sa sinabi ni mom. “A—alam ko naman po iyon, mom.” sabi ko sa kanya.
May times lang talaga na I feel jealous dahil si Stephan ang inaalala niya kaysa sa akin.
“De Vera, Rosy!”
Tinawag na ang pangalan ko kaya tumayo kami ni mom at pumasok sa isang room. Nakita namin ang doctor na babae, kinausap kami nito at sinabi namin ang pakay namin kung bakit kami nagpacheck—up. Sinabihan lang niya kaming mag—apply ng cream two or three times a day. Tinanong nga ni mom kung bakit namumula pa rin ang cheek ko, sinagot kami ng doctor na may sensitive skin ako kaya mabilis mag—react ang aking balat, mabuti na lang din ay walang sugat sa loob.
Nang matapos kami sa hospital, dumiretso kami sa Trinity Mall. “Mom, why are we here?” tanong ko sa kanya. May work pa siya today sa RDV Rights, ang company niyang about sa body essentials.
“Kailangan nating mag—shopping, Rosy. Baka kaunti na lang ang damit mo sa walk—in closet mo, even your shoes and bags ay bumili na rin tayo, okay?” sabi niya habang naglalakad kami.
Napangiti ako nang marinig ang kanyang sinabi. Kailan ba ang huling pasyal namin na kaming dalawa lamang? Hindi ko na maalala.
“By the way, Rosy, kumusta si Francheska? Saan siya tumitira ngayon? Sa bahay pa ba nila? I saw her step—mom, I donʼt like her. Narinig kong gusto niyang gumawa ng sariling business nila, and gagayahin niya tayo. Like what the hell! Kaya pala noong nakita ko siya sa isang party, she asking and asking me about how our business work, then I heard now na ganoʼng business pala ang gagawin niya. Oh my gosh!” usal ni mom sa akin.
“A—alam po na nila dad?”
“Yes, Rosy! Kailangang maging chill lang ako dahil mas kilala ang business kong RDV Rights, and kasabayan natin sa business pagdating sa beauty products ay ang Everglow Family, kaya dapat maging relax lang ako. Tama naman ang sinabi ng dad mo. Wala pa sa kalingkingan natin at maging sa Everglow ang business nila. Talbugan muna nila ang ibang business before pumantay sa business natin. Sa iyo ko ipapamana ang business na iyo, Rosy. Kaya nga RDV Rights, kinuha ko sa name mo iyon. Kaya sabihan mo si Francheska kausapin ang step—mom niya na huwag maging mayabang. Lahat naman sa business world ay alam na galing sila slumber at inakit lang si Mr. Quezon kaya nasa tuktok na sila ngayon.” Kitang—kita sa mukha niya naiinis talaga siya. May sinabi siguro ang step—mom si Cheska kay mommy.
“Iʼll talk to her, mom. Alam mo rin naman pong hindi sila magkasundo rin, even sa step—sister niya po. And, mom, tinapon ng dad niya iyong gamit ni tita Frances, mabuti na lang ay naabutan niya kaya nilagay sa storage room... Then, iyong picture nila sa living room, pinalitan po. Guess what kung ano ang pinalit, family picture rin nila but without her. Ang nandoon lang ay iyong step—mom, step—sister niya, then her dad and her brother. Silang nandoon po,” sabi ko sa kanila.
Sinong hindi masasaktan?
Pinalitan iyong family pictures nilang apat, at pinalit din ay apat pero wala siya roon.
“What? Really? Ganoʼn pala ang ugali ni Mr. Quezon! Sarili niyang anak, hinayaan niyang wala sa family portrait nila? Even her own brother? Mabuti na lang ay hindi naging kaibigan nina Richard and Ali ang kuya niya, Rosy!” Kumukunot na ang noo niya.
Si mom ay nakakainis din minsan, pero never niya akong isinantabi. May family portrait kaming lima sa living room namin, then sa ibang family portrait ay kasama si Stephan, kasama siya pero hindi naman ako isinantabi para maging lima pa rin sila sa picture. Pero, ang family ni Cheska, ubod ng sama ng ugali. Parang siya pa ang na—outcast kaysa sa step—sister niya.
“Kaawaawa rin talaga si Francheska, mabuti na lang ay isa siyang Lazaro... Bagay sa iyo ito, Rosy! You need to check it,” sabi niya at nilagay sa basket ang kinukuha niyang clothes, nasa branded store kami. “Nagsusuot ba ng ganito si Francheska, Rosy? Mukhang bagay rin sa kanya ito.” Pinakita niya sa akin ang daring na dress.
“Mom, yes. Paniguradong magugustuhan niya ʼyan,” sabi ko at tinignan ang size. “Ka—size niya ito. Iʼll buy it for her.” Ngumiti ako sa kanya. Paniguradong susuotin niya agad ito para maakit nang tuluyan ang Ninong Xeron niya.
Bumili pa kami ng mga clothes, shoes and bags. Talagang sinulit namin ang araw ngayon, hindi na nga nakapasok si mom sa company niya.
“Rosy, sana nag—enjoy ka ngayong araw. Good luck sa date ninyo tomorrow, okay?”
Ngumiting tumango ako kay mommy. “Thanks din po, mom!” Tinaas ko ang paper bags na dala ko.
Ang dami nito.
“No worries, Rosy. Dadalhin ko na rin itong paper bags sa room nina Richard and Ali, even your dad. Marami na naman siyang necktie.” Natatawang sabi niya. Puro necktie, brief and boxers ang binili niya kay dad, puro luma na raw kasi ang gamit ni dad.
“Okay po, mom!”
Pumasok na ako sa loob ng room ko at napangiti, bumawi siya sa akin ngayong araw.