ROSY POV INAYOS ko ang aking sarili at huminga nang malalim. “Relax lang tayo, Rosy, ha? Relax, okay?” kausap ko sa aking sarili at sinagot na ang video call niya. “Hello, uncle Nickel! How are you? Mukhang natagalan ka, ha? Traffic ba pauwi?” tanong ko sa kanya. Teka, kasasabi ko lang na relax lang tayo Rosy, pero sunod—sunod naman ang naging tanong natin sa kanya. Ano ka ba naman? “Hello, my baby Rosy ko! Yes, medyo na—traffic ako pauwi, labasan na rin ng ibang estudyante ngayon. Then, may tumawag sa akin... From company kaya kinausap ko muna.” Napatango ako sa kanya. “Ganoʼn ba? May problema ba sa company ninyo? Two days kang hindi pumasok, kahapon at ngayon. Baka need ka roon?” tanong ko sa kanya. Inilingan niya ako. “Of course not, baby Rosy ko. Nag—ask lang ang secretary kong

