Chapter 31: Challenge *** Tanging madilim na paligid lamang ang nakikita ko ngayon. Tahimik at nakakatakot. Muli ko namang naalala ang huling nangyari bago ako mapunta dito. Ibig sabihin ay pinaghiwa-hiwalay kami? Ano ba talaga ang gusto nila? Naalala ko naman bigla si Mama. No! Hindi ko siya pwedeng pabayaan, kailangan kong gumawa ng paraan upang makaalis sa lugar na ito at ang alam ko lang sa ngayon ay nasa loob pa rin ako ng DHA, nararamdaman ko 'yun. Nagulat na lamang ako nung biglang may narinig akong malakas na boses sa kung saan. "Hahaha! Tingnan mo nga naman ohh, gising na ang lahat, hahaha! The only thing you can do now is to survive in that place, good luck!" Saka ko lang namataan na nanggaling sa isang speaker ang boses na iyon, mukhang pinaglalaruan nila kami! Bigla na na

