CHAPTER 11

769 Words
Lauren Point of View Halos 12:30AM na kami nakauwi nila Marck, buti nga hinatid ako ni Marck. Si Iris naman ay kasabay umuwi si Drake. Maaga akong gumising dahil may lakad daw kami ni Daddy ngayon. Dumeretso ako sa CR para makaligo na. After twenty minutes natapos na din ako maligo kaya pumunta na ko sa closet ko. Nagsuot lang ako ng fitted dress na kulay red, tas yung bago kong heels na binili. Nagsuot na din ako ng relo at shades. Matapos kong magbihis, inayos ko na yung sarili ko. Naglagay lang ako ng unting blush on at lip tint then bumaba na ko. Nadatnan ko si Dad at ate Bianca na nakaupo sa sofa at tulad ko ay nakabihis na rin sila. Lumapit ako sa kanila. "Dad, ate nasan si Mommy?" Napatingin sila sa'kin. "Ang ganda mo naman sis." "Anak susunod nalang daw satin ang Mama mo, nagka-problema kasi sa restaurant nya kaya kailangan nyang pumunta ron." Paliwanag ni Papa. Tumango ako. "Hindi pa poba tayo aalis?" "Ay! Oo nga noh, tara na." Tumayo na si Dad at tumayo na rin si ate Bianca. Lalabas na sana si Dad pero bigla itong lumingon samin dalawa ni ate. "Anak para sayo pala." Sabi ni Dad habang inaabot sakin yung box na maliit. Tinanggap ko iyon. "Ano po 'toh?" Tanong ko habang inaalog-alog yung maliit na box na binigay nya. "Open it." Nakangiting sagot ni Daddy. Dahan-dahan kong binuksan yung box at nakita ko ang laman na ito. Susi lang pala. Para san 'toh? "Dad . . susi?" "Halika anak." Aya ni Daddy at naunang lumabas. Kahit naguguluhan ako ay sumunod nalang ako kay Dad, habang si ate ay nasa likod ko. Hanggang sa nakalabas na kami at nung nasa labas na mismo kami, tsaka lang huminto si Dad sa paglakad. Napatingin ako sa isang kotse na nakapark sa harap ng bahay namin. Wow! Ang ganda nung car. Kanino kaya 'toh?  "Suprise!" Nakangiting sabi ni ate Bianca at Dad. "Kanino 'tong kotse nato Dad?" Tanong ko. "Sayo anak, naisipan ko kasing magtwe-twenty kana tas wala ka pang kotse kaya mula ngayon binibigyan kita ng pahintulot na gumamit ng kotse." Naiyak naman ako sa sinabi ni Dad. Lumapit ako kay Dad at niyakap sya. "Thank you Dad." Nakiyakap narin si ate. Humiwalay na si Dad. "Mamaya muna itesting yan anak, pumunta muna tayo sa pupuntahan natin." Tumango lang ako at sumunod na papasok kay Dad, nasa loob pa kasi yung kotse na gagamitin ni Dad. Kai Point of View Nandito na ko ngayon sa restaurant kung san kami magkikita ni Mr. Willson, nagtext sya sakin na maaga daw kami magkita dahil may business trip daw sya mamayang 6:30PM. Habang naghihintay ako, natanaw ko ang isang babae na lumalakad papalapit sa gawi ko habang nakangiti. "Hi." Sabi nito. Umupo ito sa tabi ko. "Wala paba sila?" Tanong nito. "Wala pa, maya-maya darating na din yung Gail." Sagot ko. Tama! Si Gail ang katabi ko ngayon. Gusto nya daw sumama sa'kin para daw ma-meet nya na daw agad yung mapapangasawa ko. Ewan koba! Parang mas excited pa ata sya kesa sa'kin. Umorder muna kami ng makakain dahil hindi pa daw sya nagbe-breakfast. "Handa kana ba?" Tanong nito habang ngumunguya. "Handa saan?" Takang tanong ko. "Remember! Magkakaron kana po ng asawa." Paalala nito. "Remember! Wala akong pakelam sa magiging asawa ko." Sabay irap ko. Magsasalita pa sana si Gail pero bigla kong narinig yung pinto na bumukas kaya pareho kaming napatingin dun. Nakita ko si Mr. Willson na nakapormal na suit habang may hawak na case, at may kasama pa syang babae na maganda at sexy. Whoahh! Sa tingin ko sya ang mapapangasawa ko, maganda naman pala. "Ang ganda." Bulong ni Gail. Nang malapit na sila, tumayo kami ni Gail. "Hi Mr. Willson." Bati ni Gail at naupo na. "Hi hija, hello Kaila." Bati ni Mr. Castillo. "Daughter ko nga pala." Pakilala ni Mr. Castillo sa anak nya. Sa tingin ko mabait naman sya at mahinhin. "Hello Mr. Willson." Umupo na ulit ako, habang si Mr. Willson ay inalalayan umupo yung anak nya at pagtapos ay umupo na din sya. "So alam muna kung bakit ako nakipagkita sayo diba Kaila?" Tanong ni Mr. Willson. Tumango ako. "Is that her?" Tanong ko habang nakatingin dun sa anak nya. "No." Sagot agad ni Mr. Willson. "Who is she?" Tanong ko habang nakaturo sa gawi nung babae. "She's my daughter, and yung ipapakasal ko sayo ay nandun pa sa labas, may kausap lang sa cellphone, papasok na din yun maya-maya." Paliwanag ni Mr. Willson. Ay! Kala ko ito na. THANK YOU FOR READ MY STORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD