CHAPTER 10

751 Words
Lauren Point of View Halos lahat ata nasakyan na namin at aminado ako na sobrang saya ko dahil kasama ko si Marck.? Grabe! Ang saya pala kasama ni Marck at Drake, syempre mas masaya kasama si Iris. Nandito kami ngayon ni Marck sa isang bench, habang si Iris at Drake ay nasa kabilang bench. "Masaya ba?" Nakangiting tanong ni Marck. "Yup! Sobrang saya nyo kasama." Sagot ko habang nakangiti ng malapad. "May boyfriend kana ba?" Biglang tanong nito at base sa boses nya ay seryoso sya sa tanong nya. "Wala." Sagot ko. "Bakit naman?" Tanong nya. "Wala naman kasing nanliligaw sa'kin." Natatawa kong saad. "Sinungaling." Natatawa nitong saad. "Ikaw walang manliligaw? Baka sa panaginip pwede pang mangyari yun.?" "Bakit moba natanong?" Tanong ko. "May tanong ako sayo." Sabi nito. "Ano yun?" Kunot noong tanong ko. "Wag kang magagalit huh." Sabi nito at halata sa boses nya ang kaba. "Ano ba yun?" Tanong ko ulit. "C-can i c-court you?" Nauutal nitong tanong. Natawa naman ako sa tanong nito. "Alam mo ang ganda ng joke mo, i like it." Sumeryoso ito ng tingin kaya tumigil ako sa pagtawa. "Seryoso ako sa tanong ko Lauren." Huminga ito ng malalim. "I love you since nung elementary palang tayo, halos eleven years ko ng tinatago 'tong nararamdaman ko para sayo." Para ang sarap pakinggan sa tenga lahat ng sinasabi nya. Pero bat ganun? Bat walang sparks? Bahala na nga! "Ulitin mo yung tanong mo." Utos ko. "Can i court you?" Diretsa itong nakatingin sa mata ko. "Yes." Walang kagatol-gatol kong sagot. Bigla itong tumayo. "Talaga?!" Parang bata ito na binigyan ng candy. Tumango sabay ngiti ng matamis. Kai Point of View *TOK!!*TOK!!*TOK!!* Nagising ako dahil sa katok na iyon. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at tumingin sa wrist clock. 8:30PM na pala. Nakatulog pala ako. Dahan-dahan akong tumayo at binuksan ang pinto. "Anak sorry kung naistorbo kita sa pagtulog pero kailangan mong kumain ng dinner." Sabi ni manang. "Susunod nalang po ako sa baba." Sabi ko. Tumango lang ito at naglakad na pababa, sinara ko na yung pinto at dumeretso sa CR para makapamumog. Matapos kong magmumog, sinuklay ko lang saglit yung buhok ko at bumaba na. Nadatnan ko sa Sala yung isa kong maid. "Mam hinihintay po kayo ni Manang sa Dining Area." Tumango lang ako at pumunta na sa dining area, nakita ko si manang na nakaupo habang nakatingin dun sa mga ulam. Umupo ako sa harap ni manang. "Kumain kana hija." Sabi ni Manang at pinaghanda ako ng makakain. Kumain lang kami ng tahimik at walang nagtangka na magsalita, pinasabay ko na rin yung mga maids kong iba kumain pero ang sabi nila ay kumain na sila kaya kami nalang ni manang ang kumain. "Manang may sasabihin po sana ako." Panimula ko. "Ano yun hija?" Tanong nito habang inaayos yung mga pinagkainan namin. "Ikakasal na po ako." Balita ko. Bigla itong napatigil sa ginagawa nya at tinignan ako, kita ko sa mukha nito ang pagtataka. "Kilala nyo poba si Mr. Willson?" Tanong ko. "Oo naman hija, lagi kaya pumupunta yun dito nung nabubuhay pa ang magulang mo." Nakangiting sabi ni Manang. "Humihingi po sya sa'kin ng tulong at ang kapalit ay ibibigay nya sakin ang anak nya." Paliwanag ko. "Sinong anak hija? Dalawa ang anak ni Mr. Willson." Sabi ni Manang. "Hindi ko rin po alam, bukas ko sya imi-meet." Sabi ko. "Talaga?! Ibig-sabihin madadagdagan na tayo rito sa bahay?" Natutuwang tanong ni Manang. "Opo pero baka sa sabado pa sya umuwi rito manang." Sabi ko. "Gusto ko sana manang wag mo syang papagawain ng gawaing bahay at kahit ano pa, baka kasi sabihin nya inaalila ko sya." "Oo naman hija, ako ang bahala dun sa magiging asawa mo." Sabi ni Manang habang nakangiti ng malapad. "Maraming salamat mo." Tumayo na ko. "Matutulog na po ako." Tumango lang ito habang nakangiti pa rin, umakyat na ko sa kwarto at dumeretso ako agad sa CR para makapaghilamos. Nang matapos akong maghilamos, sumampa na ako sa kama. Kinuha ko yung cellphone ko sa side table at nag f*******:. →Fast Forward← Nagising ako bandang 3:30AM at sobra ang pawis ko, napanaginipan ko si Sabrina. Ang sabi ni Sabrina ay alagaan ko daw ang babaeng papakasalan ko at mahalin ko daw katulad ng pagmamahal ko sa kanya, matapos nyang sabihin yun ay naglakad na sya palayo sa'kin. Balak ko sana syang habulin kaso bigla nalang sya nawala. Mula nung mawala si Sabrina ay ngayon ko na lang ulit sya napaginipan. THANK YOU FOR READ MY STORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD