Lauren Point of View
Halos 2:30PM narin kami nakarating dito sa EK dahil sobrang traffic. Nandito ako ngayon sa gilid, hinihintay ko si Iris.
Kanina pa nga yun eh, parang bibili lang ng ticket pero inaabot ng kalahating oras.
Biglang nagvibrate yung phone ko, senyales na may nagtext. Tinignan ko yung text.
"Nasan kayo?" Text ni Marck. Goshh! Nasa puso mo ko.?
"Nasa EK, bakit?" Reply ko.
Maya't-maya tumunog ulit yung phone ko.
"Sakto! Papunta kami dyan ng kaibigan ko." Hanudawww?!! Papunta sila rito?!??
"Talaga?" Reply ko.
Maya't-maya nakatanggap ulit ako ng text galing kay Marck.
"On the way na kami, kitakits☺" Reply nito.
Yipeee!?
Maya't-maya dumating na din si Iris. "Bat ang tagal mo?" Kunot noong tanong ko.
"Ang haba ng pila eh." Dahilan nito.
"Pasok na tayo." Aya ko.
Nauna na kong pumasok at kumuha narin ako ng mapa, kumuha rin ng mapa si Iris.
"Besh san tayo unang sasakay?" Tanong ni Iris sa'kin.
"Sa roller coaster!!" Masaya kong saad.
"Let's go!" Tugon nito.
Pumila na kami sa roller coaster, halos kalahating oras din kami pumila dahil masyado maraming tao.
"Besh are you ready?" Kinakabahan na tanong ni Iris.
"Oo naman." Sagot ko habang nakangiti.
Nagsimula ng umandar yung roller coaster. "Besh ayan n--" hindi na natapos ni Iris yung sasabihin nya dahil biglang bumilis.
"WHAAAAAA!!" Sigaw ni Iris.
"WHOOOOO ANG SAYA!!!" Sigaw ko.
"TANG*NA IHINTO NYO 'TOH!!!!" Sigaw ni Iris.
"NAHIWALAY YUNG KALULUWA KO SA TAAS!!!" Sigaw nung nasa likod namin.
"TANG*NA MO GERALD!! MAMATAY KANA!!" Ayt! Bitter si ateng.?
Maya't-maya tumigil narin at halos hindi na makalakad si Iris dahil sa hilo. "Besh okay ka lang?" Hinimas ko yung likod nya.
Hinawakan nya yung kamay ko. "O-okay l . . ang a-ako."
Inalalayan ko sya paupo sa isang bench. "Bibili lang ako ng tubig." Paalam ko.
Lumakad na ko papunta sa isang stool store. "Ate pabili ng tubig dalawa."
Inabot naman sakin nung ale yung dalawang tubig, bubunot na sana ako ng pambayad ng biglang may nagbigay ng pera. "Ito po yung bayad."
Tumingin ako sa taong nagbayad, para akong nanigas ng makita ko kung sino ang nagbayad. "Marck."
"Hi." Sabi nito.
"Bat binayaran mo?" Tanong ko habang nakatitig sa mata nyang kulay brown.
"Wala lang, may nakita kasi akong babae na maganda, maputi, matangkad at pointed nose tas bumibili sya ng tubig kaya ako na ang nagbayad." Nakangiti nitong paliwanag.
"Salamat." Nahihiya kong sabi.
Goshhh! For sure namumula na ko.?
"Actually kanina pa kita hinahanap." Sabi nito.
Shit! Lalong uminit yung pisngi ko.?
"B-bakit n-naman?" Nauutal kong tanong.
"May kasama kaba?" Tanong nito.
"Yup! Kasama ko yung bestfriend ko." Sabi ko at pinilit ko talagang hindi mautal.
"Yuwn! Actually may kasama rin ako." Nakangiti nitong sabi. "Can i join?"
"Sure." Mabilis kong sagot. "Tatawagin ko lanh yung friend ko."
"Samahan na kita." Sabi nito.
Tumango lang ako sabay naming tinungo ang kinaroroonan ni Iris.
Halatang nagulat si Iris nung makita kaming magkasama ni Marck. Si Iris lang yung kaibigan kong may alam na may gusto ako kay Marck.
"Besh oh." Inabot ko sa kanya yung tubig.
Kinuha nya naman yun. "Hi." Sabay ngiti ni Marck kay Iris.
"Wait lang Marck ah." Sabi ni Iris at hinila ako palayo kay Marck. "Besh bat kasama mo si Marck?" Kinikilig na tanong ni Iris.
"Nagkasalubong lang kami, actually yung tubig na hawak mo sya ang nagbayad." Sabay ngiti ko.
"Ayieee." Asar nito.
"Besh tumigil ka." Saway ko.
Hinatak ko na si Iris pabalik kay Marck. "Marck puntahan na natin yung friend mo." Sabi ko.
"Sure." Tugon nito.
Naunang maglakad samin si Marck, habang kami ni Iris ay nasa likod nya.
"Bro." Tawag ni Marck sa isang lalaki na gwapo, pero mas gwapo si Marck.?
"Oh Bro nahanap muna sila." Tanong nung lalaki kay Marck.
Tumingin samin si Marck at sinenyasan kaming lumapit ni Iris, lumapit naman kaming dalawa. "Bro ito pala si Iris, kaibigan ni Lauren." Sabi ni Marck habang nakaturo sa gawi ni Iris. "Ito naman si Lauren." Sabi naman ni Marck at inakbayan pa ko.
Shemayyy!!?
"Hi Girls. My name is Drake, bestfriend ni Marck." Pakilala nung Drake.
"Hi." Sabi ko.
Si Iris naman ay ngumiti lang ng tipid.
Kai Point of View
Halos 5:30PM na ako nakauwi dahil pinag-aralan ko pa yung mga lesson ni Mr. Thomson.
Grabe!
Ang hirap pala maging teacher.
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si Manang na nakaupo sa sofa. "Hi po."
Tumingin ito sa gawi ko, nang makita ko nito ay tumayo sya at lumapit sakin. "Hija ang aga mo naman ata." Sabi ni Manang at kinuha yung bag na dala ko.
"Dapat nga po kanina pa ako nandito, kaso nagkaron ng problema kaya natagal po." Paliwanag ko.
"Maayos naba ang problema mo?" Tanong nito.
"Opo manang." Sagot ko. "Akyat po muna ako."
Tumango lang ito. Umakyat na ko at pumasok na sa kwarto ko, naupo agad ako sa couch at binuksan ko rin ang TV ko.
THANK YOU FOR READ MY STORY