Lauren Point of View
Kakatapos lang namin ni Iris kumain at agad nya akong hinila patungo sa parking lot.
Nagmamadali itong sumakay sa driver seat habang ako ay nakatitig lang sa kanya, nang makapasok na ito, pumasok na rin ako sa driver seat.
"San ba tayo pupunta?" Tanong ko habang sinusuot yung seatbelt.
"Sa EK." Sagot nito habang ini-istart yung makina.
Tinotoo nga nya yung sinabi nya.
Nasa kalagitnaan kami ng traffic nang biglang nagvibrate yung cellphone ko, senyales na may nagtext.
Kinuha ko sa bulsa ko yun at tinignan kung sino ang nagtext.
"Hi. Bat hindi ka pumasok?" 09236781265. Sino 'toh?
"Sino ito?" Reply ko.
"Sino yan besh?" Biglang tanong ni Iris.
"Hindi ko kilala, baka wrong number lang." Sagot ko.
Tumango lang ito at pinaandar na yung kotse dahil green light na. Ibubulsa ko sana yung cellphone kaso nagvibrate ito ulit, kaya tinignan ko na yung reply.
"Sorry, i forgot introduce myself. This is Marck." s**t! Yung crush ko tinext ako.?
Biglang nawala sa isip ko yung problema ko at ngayon ay pinoproblema ko kung anong irereply kay crush.
"San mo nakuha yung number ko?" Reply ko.
Mabilis naman itong nagreply.
"Sa ate Bianca mo." Reply nito.
Hanudawww?!!
"Kilala mo si ate Bianca?" Reply ko.
Pa'no nya nakilala si ate Bianca??
"Diba lagi kayong magkasabay pumasok kaya nakilala ko ang ate mo." Reply nito.
Napangiti naman ako. "Anong ngini-ngiti mo dyan?" Tanong ni Iris.
"Wala." Sagot ko.
"Weh?" Tanong nito.
"Wala nga, magfocus kana lang dyan sa pagdadrive." Sabi ko.
Hindi na muli ito nagsalita kaya nireplyan ko na si Marck ng 'okay'.
Kai Point of View
Halos lahat ng teacher ay nandito sa conference room, pinag-uusapan nila yung tungkol sa pagreretired ni Mr. Thomson.
"Anong gagawin natin nyan?" Tanong ni Mr. Cruz.
"Sinong papalit na teacher kay Mr. Thomson?" Tanong ni Mr. Keith.
"Wala daw kasing makuhang teacher kaya mahihirapan tayo." Sabi ni Ms. Tui.
"Pa'no na yan?!" Problemadong tanong ni Mrs. Fel.
Tsk!
Naririndi na ko sa kanila, kanina pa!
*BLAG!!*
Pinalo ko yung lamesa. "Tahimik!"
"Sorry Ms. Principal." Pagpapaumahin ni Mrs. Fel.
"Ang dami nyong pinagtatalunan!" Tumayo ako. "Ako na ang papalit kay Mr. Thomson para wala na kayong problema."
Halatang nabigla sila sa sinabi ko. "Are you serious Ms. Stanford?" Tanong ni Mr. Keith.
"Mukha ba kong nagbibiro?" Tanong ko.
"Hindi po." Sagot ni Mr. Keith.
Binalingan ko nang tingin si Ms. Cruz. "Pakibigay sakin ang schedule at lesson ni Mr. Thomson."
Tumalikod na ko at lumabas na ng conference room. Bumalik na ko sa office ko.
Habang nakaupo ako sa swivel chair, biglang may kumatok.
*TOK!*TOK!*TOK!*
Baka si Ms. Cruz na. "Come in!"
Dahan-dahan bumukas ang pinto, bigla akong napangiti nung makita ko kung sino ang kumatok.
Tumayo ako. "Hi." Bati nito.
"Anong ginagawa mo rito Gail?" Tanong ko.
"Wala ka talagang galang sa ate mo!" Masungit nitong sabi at naupo sa couch.
Naupo na rin ako ulit. "So ano nga nakain mo? Bakit pumunta ka rito?" Sabay cross arms ko.
"Wala lang, almost one month narin kasi tayong hindi nagkikita." Sabi ni Gail.
"Namiss mo ko?" Sabay ngisi ko.
"Of course not!" Sabay irap nito sakin.
Defensive much!?
"May balita pala ako sayo." Pag-iiba ko ng topic.
"Goodnews or badnews?" Tanong nito.
"Badnews." Sagot ko.
"Anong badnews?" Tanong nito ulit.
"Ikakasal na ko." Sambit ko.
"Patawa ka?" Halatang hindi sya naniniwala.
"I'm serious Gail." Seryoso kong sabi.
"Pero pa'no?" Nagtataka nitong tanong.
"Kilala mo si Mr. Willson diba?" Tanong ko.
Tumango ito. "Buddy ni Daddy." Sagot nito.
"Humingi sya ng tulong sakin at ang kapalit ay ipapakasal nya sakin yung anak nya." Paliwanag ko.
"Talaga?!" Natutuwa nitong tanong.
"Bat parang masaya ka?" Kunot noong tanong ko.
"Atleast hindi kana tatandang dalaga." Nang-aasar nitong sabi.
"Baliw!" Sabi ko.
"San ang kasal?" Tanong nito habang nakangiti.
"Sa papel." Sagot ko.
Binato ako nito ng clip. "Sira!"
"Totoo naman, sa papel lang kami ikakasal." Sabi ko.
"Maganda yung girl?" Tanong nito.
"Hindi ko pa sya nami-meet." Sagot ko.
Tumayo ito. "Well, uuwi na pala ako."
Tumayo rin ako. "Ang aga pa ah."
"Pupunta pa kasi akong hospital."
"Okay, ingat ka."
Lumapit ako sa kanya at bineso muna sya bago sya tuluyan lumabas. Naupo na ulit ako sa swivel chair ko. Maya't-maya may kumatok.
*TOK!*TOK!*TOK!*
"Come in!"
Bumukas yung pinto at pumasok si Ms. Cruz habang may dalang mga folder.
Lumapit ito sa'kin. "Ms. Stanford ito po yung lesson at schedule." Nilapag nya ito sa desk ko.
"Salamat."
Tumango lang ito at lumabas na.
THANK YOU FOR READ MY STORY