Lauren Point of View
Habang naliligo ako ay biglang tumunog yung cellphong ko, senyales na may tumatawag.
Pinatay ko muna yung shower at nagpunas ng kamay bago ko kinuha yung cellphone. Si Iris lang pala.
Pinindot ko yung green atsaka tinapat sa tenga ko.
*Iris Calling*
"Hello besh."
"Bat napatawag ka?"
"Mall tayo."
"Gaga! May pasok tayo."
"Wag ka munang pumasok."
"Ayoko nga."
"Please."
"Ayoko!"
"Please."
"Ayoko."
"Please!"
"Fine! Ang kulit mo."
"Sunduin kita dyan sa bahay nyo a."
"Okay."
*Calling Ended*
Tinabi ko na ulit yung cellphone ko at pinagpatuloy na yung pagligo. Halos isang oras din ang tinagal ko sa pagliligo.
Nagtungo ako sa closet ko at naghanap ng dadamitin. Nagsuot lang ako ng denim shorts na kulay white, tas black v-neck shirt and white nike shoes.
Kinuha ko na rin yung jacket ko na kulay black at sinuot ko na, kinuha ko din yung wrist watch ko na kulay white at sinuot ko din.
Saktong pagbaba ko ay nakita ko si ate Bianca at Papa na masayang nagkwe-kwentuhan.
"Goodmorning po." Bati ko sa kanila.
Tumingin sila sa gawi ko. "Goodmorning sis."
"Goodmorning hija."
"Hindi ka papasok bunso?" Tanong ni ate Bianca.
"Hindi, may lakad kami ngayon ni Iris ate." Saad ko.
"Cge, mag-iingat kayo anak." Paalala ni Papa.
Lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa cheeks. "Nasan po pala si Mama?"
"Nauna na sa Office anak." Sagot ni Papa.
"Ah okay. Cge alis na ko." Paalam ko.
Lumabas na ko at nakita ko agad yung kotse ni Iris sa harap ng bahay namin. Sumakay na ko agad sa passenger seat nito. "Hi."
Inirapan ako nito. "Problema?"
"Kanina pa ko andito tas ang tagal-tagal mo!" Inis nyang saad.
"Sorry, san tayo pupunta?" Pag-iiba ko ng topic.
"Mall tas EK tayo." Natutuwa nitong saad.
"Okay." Tugon ko.
Buong byahe namin ay tahimik lang at tanging yung busina lang ang maririnig mo.
Kai Point of View
Nagising ako bandang 11:30AM na dahil medyo napuyat ako kagabi, madami kasi akong inasikasong paper para sa university at marami din akong inaasikaso sa company na iniwan samin ni Papa.
Si Gail naman ay masyadong busy rin kaya halos isang buwan na kaming hindi nagkikita, bukod kasi sa hospital na pagmamay-ari nya ay tumutulong sya sa pagma-management sa company.
Pag naikasal na kami nung anak ni Mr. Willson ay mababawasan ang trabaho ko dahil tatlo na kaming hahawak nung company, balak ko kasing pag-isahin nalang yung company ko atsaka company ni Mr. Willson, sa ganun mas lalago ang company ko at ganun din yung kay Mr. Willson.
Oo nga pala! Bukas ko na mami-meet yung anak ni Mr. Willson. Mabait kaya yung anak nya?
Maganda kaya?
Tsk!
Tumayo na ko at dumeretso sa CR. Mabilis lang akong naligo dahil baka kailangan na ko sa university.
Matapos kong maligo at magbihis, bumaba na ko at nadatnan ko sa Sala si Manang. "Oh hija, hindi kaba kakain?"
"Hindi na po, sa university nalang." Sagot ko.
"Oh sya, mag-ingat ka." Humalik muna ako sa pisngi nito bago lumabas at tinungo yung garahe.
Sumakay na ko sa James bond ko at pinaandar na yun papunta sa University.

After minutes of driving nakarating na din ako at maraming tao na sa hallway dahil lunch na.
Pumasok na ko sa office at umupo agad ako sa swivel chair. Ipipikit ko sana ang mata ko pero biglang may kumatok.
*TOK!*TOK!*TOK!*
"Come in!"
Bumukas naman yung pinto. "Ms. Stanford pasensya na po sa abala pero may meeting po tayo sa coference room." Sabi ni Ms. Cruz.
"Susunod nalang ako." Sagot ko kay Ms. Cruz.
Tumango lang ito at sinara na ulit yung pinto. Tumayo na rin ako at kinuha yung cellphone ko sa bag atsaka nagtungo sa conference room.
Lauren Point of View
Nandito kami ngayon sa mall, kanina pa kami paikot-ikot dito, mukhang naikot na nga namin itong buong mall eh.
"Bes pwede ba tayo maupo muna?" Pakiusap ko kay Iris.
Napaisip naman ito. "Cge na nga."
Hinila ko agad ito patungo sa isang bench at naupo kami. "Bes may problema ba?"
"Huh? Bat mo natanong?" Tanong ko.
"Halata kasi sa mukha mo." Sagot nito. "Remember matagal na tayong mag-kaibigan kaya kilalang-kilala na kita."
Pagdating talaga kay Iris, wala akong maitatago.
Siguro kwe-kwento ko na lang sa kanya, tutal may tiwala naman ako sa kanya.
"Sobrang laki ng problema ko bes." Sabi ko.
"Anong problema?" Tanong nito, kita ko sa mata nito ang pag-aalala.
Buti nalang walang masyadong tao rito sa bandang pwesto namin. "Ikakasal na ko."
"What?!!" Napasigaw ito dahil sa bigla.
Tinakpan ko naman ang bibig nito at tumingin sa mga taong nakatingin samin. "Sorry."
Bumaling ako ng tingin kay Iris na hanggang ngayon ay nanlalaki parin yung mata. "Ang ingay mong babaita ka."
Tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig nya. "I-ka-ka-sal ka-na."
"Oo nga, paulit-ulit." Inirapan ko ito.
Hinampas naman ako nito. "Kanino besh? Gwapo ba?"
Bigla naman lumungkot yung mukha ko dahil naalala ko na naman kung kanino ako ni Daddy ipapakasal.
"Hindi sya gwapo, hindi sya lalaki." Nanghihina kong saad.
Kita ko sa mukha nya ang pagkagulo, hindi nya siguro gets. "Lesbian ang ipapakasal sakin."
"f**k!" Hinampas ko ito sa braso.
"Bibig mo." Sita ko.
"Pumayag ka naman?" Tanong nito.
"Oo, no choice eh." Malungkot kong saad.
Tinapik ako nito sa balikat. "Wag kang mag-alala, nandito ako para sayo." Buti nalang may mabait akong bestfriend. "Text mo lang ako kapag may problema ka." Natatawa nitong sabi.
"Baliw!"
Hinila ako nito patayo nito. "Kain muna tayo, tsaka ngayon bawal kang malungkot, dapat magsaya ka muna ngayon."
Napangiti naman ako sa sinabi nito. "Okay."
Lumakad na kami papunta sa isang restaurant.
THANK YOU FOR READ MY STORY