Kai Point of View Nagising ako ng bandang twelve thirty. Late na pala ako. Mabilis akong pumasok sa CR at halos limang minuto lang ako naligo. Nagbihis na ko at inayos ko na yung mukha at buhok ko. Kinuha ko na yung blazer ko at sinuot. Kinuha ko narin yung wallet, cellphone at susi ng kotse ko. Lumabas na ko at nadatnan ko sa sala si manang. "Manang aalis na po ako." Napatingin ito sakin. "Hindi kaba kakain ng lunch?" "Dun nalang po sa office." Sabi ko. "Sure?" Paninigurado nya. "Opo manang, cge po malelate na ko." Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi. Lumabas na ko at dumeretso sa garage, sumakay na ko sa kotse ko at pinaandar yun papunta sa university. Habang nagmamaneho ako, biglang nag-ring yung cellphone ko kaya kinuha ko yung earpiece dun sa gilid at sinuot ko. •Ginger Callin

