Kai Point of View Uupo na sana ako pero biglang kumirot yung ulo ko sa sakit, kaya nanatili nalang akong nakahiga. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko agad si Lauren na may hawak na isang gamot at tubig. "Hangover." Nakangisi nyang sabi. Sinubukan ko ulit umupo pero sobrang sakit talaga ng ulo ko kaya napahiga ulit ako. Hinawakan ko yung ulo ko dahil parang binibiyak. "Inumin mo 'toh." Sabi ni Lauren at inabot sakin ang gamot at tubig. Inalalayan ako nitong umupo. "Salamat." Ininom ko na yung gamot at tubig. Matapos kong inuman, binigay ko na ulit kay Lauren at humiga muli. "Wala ka bang naaalala na ginawa mo kagabi?" Tanong nya kaya't napatingin ako sa kanya. "Wala, bakit? May ginawa ba kong kalokohan kagabi?" Tanong ko. Mabilis itong umiling. "W-wala, cge labas na

