CHAPTER 2-INFATUATION

1461 Words
ERINA’S POV Nakilala ko ang lola ni Myra na sobrang masayahin. Hindi ito nagsasawa na kausapin siya sa tuwing tahimik lang ako kaya ang ending namin ay puro kwentuhan. Nakakatuwa dahil nagkakasundo kami tungkol sa usaping kapaligiran. Tanging kasama lang nito ang kapatid ni Aling Rosita at madalas abala rin sa gawaing bahay kung kaya’t ito lang ang nag-aasikaso sa mga halaman na tanim. “High school ka na ba Erina? O college?”tanong ni lolo Feliza. “College na po lola.Semestral break po namin kaya wala po akong pasok.”sagot ko. “Pareho pala kayo ni Jake na pamangkin ni Marissa. College na rin ang batang iyon.”biglang tumahip ng mabilis ang t***k ng kanyang puso. Parang may mga dagang nakakita ng pusa kaya nagtakbuhan.Iba talaga ang dating sa kanya ng lalaki. “Ah. Napansin ko po na malapit kayo sa pamilya nila Tita Marissa.” “Oo naman. Magkaibigang matalik si Rosita at Marissa eh. Kaya palagay ang loob ng pamilya namin sa kanila. Si Jake naman ay nagpupunta lang diyan kapag walang pasok. Ang mga magulang ng batang iyon ay parehong nasa ibang bansa.”tumango-tango ako. “Tahimik lang iyon sa una pero kapag nagkapalagayang loob na kayo ay tiyak na hindi iyon titigil magkwento sa iyo.” “Parang suplado nga po sa akin iyon eh.” “Naku, baka crush ka ‘nun!” “Paano ninyo naman po nasabi lola Feliza?” “May mga lalaking ganoon dahil nabigla siguro ng makita ang isang katulad mo. Ang ganda mong bat aka eh!” “Hindi naman po siguro ganoon lola. Para po kasing naiilang siya.” “Iyon na nga iyon, anak! Crush ka ni Jake!” “Hindi lang po talaga kami close agad.”depensa ko. Ayokong umasa. “Si Myra ay parang kapatid lang ni Jake. Wala kasing kapatid ang batang iyon at nakagiliwan si Myra kaya naging malapit sila na parang magkapatid.”napayuko siya. Tila nahiwatigan ng matanda ang iniisip niya. “Bagay kayo ni Jake. Bagay na bagay.”dagdag pa na sabi ni lola Feliza. Tipid akong ngumiti. Ayokong isipin ni lola na umaayon ako. Para ko na rin sinabi na totoo ngang may gusto ako sa lalaking matapos magsuplado ay ngingiti ng kaakit-akit. “Erina! Erina!”sabay kaming napalingon sa bintana dahil sa malakas na tawag sa kanya. Kasama ni Myra si Jake na papasok ng gate. “Lola Feliza, may dala pong merienda si Jake. Nagluto ng empanada si Tita Marissa.” “Bakit lalo yatang bumibilis ang t***k ng puso ko? May sakit na yata ako.”napahawak ako sa aking dibdib na dinadaga. “Magandang araw po Lola Feliza. Pinabibigay po ni Tita, pang-merienda ninyo raw po.”sabi ng nakangiting si Jake. “Naku, nag-abala pa kayo ng Tita mo. Pero salamat ha? Hindi ninyo kami nakakalimutan.”kinuha ni lola ang inaabot ng lalaki. “Masarap ito, Jake pakibigyan nga si Erina.” Tila natigilan ito. Ilang beses na tinitigan ang hawak na Tupperware bago dahan-dahan na inabot sa akin. “Empanada oh,”nahihiyang sabi nito. “Empanada para sa mg pusong nais manligaw.”si lola Feliza. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jake saka dahan-dahan akong ngumiti. Hindi nagtagal ay sumilay ang nakakaakit nitong ngumiti sabayan pa ng dimple nitong lalong dumagdag sa angkin nitong kagwapuhan. “Lola, ang galing ng hugot mo ah! May nais bang manligaw?”saka ako biglang nag-iwas ng tingin kay Jake. Pakiramdam ko ay isa akong yelo na natutunaw sa mga titig nito. “Salamat sa empanada, ang sarap.”sabi ko na lamang. “Uy, kayong dalawa ah. May hindi ba ako alam?”tanong ni Myra na sabay pa kaming inakbayan. “Ano’ng hindi alam?”tanong ni Jake. “Parang nag-uusap kasi ang mga mata ninyo eh!”tudyo pa ni Myra. Muli kaming nagkatinginan ni Jake na nakangiti sa bawat isa. “Naku! May magandang anghel ang dumaan!“malakas na sabi ni lola Feliza. Buong pagtataka naman kaming napatingin. “Maganda kasi ang mga ngiti ninyo.”dagdag pa nito. “Ehem!Ehem!Ehem!”napahawak sa baba si Myra. “Sino kaya iyong magaganda ang mga ngiti dito!”kunwari pa ito nagpalinga-linga.”Oo nga pala, pupunta kami sa overlooking mamayang hapon, di ba Jake?” “Ha?”pinanlakihan ito ng mga mata ni Myra. “Ah, o…oo nga pala.”napakamot sa ulo si Jake. “Sama ka mamaya Erina, ha?”si Myra. “Sige ba.”sagot ko. Natatawa ako sa patuloy na pagkamot ni Jake sa ulo. No choice siya kaya wala siyang magawa. Puno ng excitement ang batang puso ko. Siguro kasi dahil sa bagong karanasan sa buhay ko na hindi ko na hindi ko pa lubos pang nauunawaan. MALALAKAS NA HANGIN ANG SUMALUBONG SA AKIN. Nakakawiling panoorin ang mga punong nagsasayaw dahil sa malakas na hangin. Maraming maga tao rin ang nadatnan nila sa mataas na bahagi ng lugar na iyon. Di naman kalayuan ito mula sa bahay ng lola ni Myra. Kitang-kita ang mga nagtataasang mga gusali sa malayo at makikita ang ganda ng maaliwalas na kalangitan. Parang kaysarap guhitan ito sa sobrang lawak na habang marahang gumagalaw ang mga ulap.Maraming mga bata rin ang nagsisitakbuhan sa malawak na kalsada. Bago pa lang dine-develop ang lugar na iyon kaya pwede pang tumambay ang mga tao at may mangilan-ngilan pa lang ang gumagawa o nagpapatayo ng bahay. “Ehem.”nabasag ng pinagmulan ng boses na iyon ang kanyang pagninilay-nilay. “Okay ka lang ba?”tanong ni Jake. “Oo naman. Ang saya pala dito no? Nakakatuwa na makita ang ganitong kapaligiran.”sabi ko at muling ibinalik ang mga tingin sa kulay-asul na langit. “Iyan din ang sinabi ko noong unang punta ko sa lugar na ito. Kaya kapag bakasyon sa eskwela ay dito talaga ang punta ko.”lumapit ito sa kanya. “Nasa college ka na ba?” “Yeah.”sagot nito ngunit sa malayo nakatingin. “Pareho pala tayo.” “Ano ang course na kinukuha mo?” “Business Management.Ikaw?” “Clinical Medicine.”sagot nito saka niya ako tiningnan. “Wow! Magdo-doktor ka?”napatakip ako sa aking bibig sa amusement. “Bakit? Hindi ba bagay sa akin?”natawa ito pagkakita sa ekspresyon ng mukha ko. “Hindi ko naman sinabi sa iyon ah! Nagulat lang ako.”inirapan ko siya saka ako humalukipkip. Itinuon ko ang atensyon kay Myra na masayang nakikipag-usap sa ibang mga tao na nakaupo sa malaking bato. Pagkakita sa akin ay agad akong kinawayan. “Talagang malapit kayo sa isa’t isa no?”nilingon ko siya. “Kayo ni Myra.” “Sinabi mo pa. Kaya nga doon na rin siya pinapasok sa eskwelahan na malapit sa amin. Sayang nga lang kasi ilang taon siya tumigil kaya hindi kami naging magkaklase.” “Parang kapatid na rin ang turing ko kay Myra. Ganyan lang iyan pero sobrang ma-kwela.”pinaghalong emosyon ang naramdaman ko matapos marinig ang sinabi ni Jake. Nakikita ko ang fondness sa mga nito. Marahil ay sabik itong magkaroon ng kapatid. “Teka, hindi ka ba napapagod sa pagtayo. Tara, maupo tayo.”tinuro nito ang malaking bato na malapit sa amin. Agad akong sumunod. “Bakit gusto mo maging doctor?” “Kagaya ng sinasabi ng iba, gusto ko gamutin ang mga may sakit.”tumango-tango ako. “So, hindi ka muna pwedeng magkaroo ng girlfriend niyan kasi masyadong abala ka sa pagiging doctor.” “Kung may darating na mapapatibok ng puso ko, bakit hindi pwede?”makahulugang tinitigan niya ako. “Bakit, hindi ba tumitibok naman ang puso mo dahil buhay ka?”sabi ko at iniwas ang tingin sa lalaki. “Nakakatuwa ka rin pala no? Ang ibig kong sabihin, kung may darating na magpaparamdam sa akin ng pagmamahal ay liligawan ko parang maging girlfriend.”napalunok ako sa sinabi nito. Bigla akong nakaramdam ng kaba. “Ah. Anway, bata ka pa naman. Mahirap magseryoso sa isang relasyon kapag nasa batang edad. Ang ending, maghihiwalay lang.” “Ano ba ang preferred mo?”pinagmasadan ko lang siya ng pumulot ito ng isang maliit na bato. “First and last na?” “Uhmmm…Sana. Kahit sino naman di ba? Investment rin kasi ang pakikipagrelasyon kaya kung hindi ka sigurado, huwag mo ng ituloy.” Tatawa-tawa itong inihagis sa malayo ang hawak na bato. “Bakit?” “Wala lang. Unang beses ko lang siguro na marinig ang ganyang dahilan. Kung sabagay may point ka naman pero mapipigil mo ba ang puso mo kung tumibok ito sa iba? Halimbawa, nasa isang relasyon ka pero may iba kang nagustuhan out of nowhere. Ganoon pa rin ba ang gagawin mo?” “Siyempre naman.Kung minsan kasi pagsubok ang ganoon. Sinusubukan ang pagmamahalan ng dalawang nag-iibigan. Kaya dapat sa una pa lang malinaw na sa magiging first boy friend ko na hinding-hindi ako bibitaw hanggang sa pagtanda namin.”napakagat-labi ako. “Sana ay ganoon din siya.” “For sure, ganoon din iyon.”tumayo ito at pinitas ang isang bulaklak ng d**o. “Ang isang tulad mo ay dapat alayan ng pag-ibig na pang-habang buhay.”saka ibinigay sa akin ang maliit na hawak nitong bulaklak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD