CHAPTER 1-THE DAY WE FIRST MET

1740 Words
ERINA’S POV Taong 2009 Ako si Erina Montero, 16 na taong gulang. Katamtaman lang ang height ko na 5’4”. Maputi ang balat ko na minana ko sa mommy ko . Maraming nagsasabi na cute raw ang aking mga mata lalo na kapag tumatawa na binagayan pa ng matangos na ilong na minana ko naman sa daddy ko. Daddy’s girl at mommy’s girl ang tawag sa akin ng mga parents ko dahil nag-iisang anak lang nila ako. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot. Sa akin lahat inilalaan ng mommy at daddy ko ang buong atensyon nila kapag nasa bahay sila pero madalas na mag-isa lang ako kapag pumapasok sila sa trabaho. Mabuti na lang may mabait kami na kasama sa bahay na si Aling Rosita at ang anak nito na si Myra na kaibigan ko na rin. Mahilig akong magbasa ng iba’t ibang klase ng aklat madalas kasi na nasa bahay lang kapag walang pasok sa school. Puno rin ang playlist ko sa mobile phone ng mga favorite songs ko. Kapag tapos na ako sa mga Gawain ko sa maghapon ay patutugtugin ko saka naman ako makakatulog sa aking silid. Paborito ko rin manood ng mga romance movies kasama si Myra. Nagkakasundo kami sa ganoong hobby. Natatawa pa ako kapag lagi nitong hinihiniling na sana ay gwapo, matangkad at mayaman ang makatuluyan niya pagdating ng panahon. Well, hindi naman masama ang mangarap. Pero wala pa kasi sa isip ko ang mga ganoong bagay. Ang iniisip ko araw-araw ay ang maging successful katulad ng mga magulang ko. Kahit na madalas silang wala sa bahay, hindi nila kinakalimutan na kamustahin ako. “Erina! Tumatawag si Maam Marian!”napalingon ako dahil sa malakas na pagtawag sa akin ni Myra. Kasalukuyan kaming nanonood sa living room.Inabot niya sa akin ang mobile phone ko mula sa center table at agad ko naman pinidot ang green button. “Hello, mommy!”masayang sabi ko. “Kumusta ang big baby ko? Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon, my dear?” “Nanonood lang po kami ni Myra, mommy. Kumusta po kayo ni daddy?”tanong ko naman. “Okay naman kami, my dear. Kaya lang ay matatagalan pa bago kami makauwi diyan. May mga kailangan lang kaming tapusin na trabaho ng daddy mo.” “Okay lang po,my. Nasaan po si daddy?” “Nasa meeting pa siya. Lumabas lang ako saglit para kumustahin ka.” “Ah. Don’t worry about me, mommy. Semestral break pa naman po namin so I’ll stay here lang muna sa bahay.”sabi ko. “Thank you, anak. Hayaan mo,ipapasyal ka naming kahit saan mo gusto pag-uwi namin ng daddy mo.” “Sapat na po sa akin na makauwi kayo ng ligtas, my.” “Kinausap ko nga pala si Rosita na isama ka sa pag-uwi nila. Nagkasakit ang lola ni Myra kaya kailangan nilang bisitahin.” “Kailan po, my?” “Bukas na iyon, dear. Ihanda mo ang mga gamit mo dahil baka abutin kayo doon ng isang linggo.” “Yes, mommy.” “Balita ko presko doon kaya maganda iyon para sa iyo. Hindi ba ay gusto mo iyon?” “Wow, talaga po? Naku, siguradong mag-eenjoy ako doon mommy. I’ll behave po, promise iyan.”excited niyang sabi. “Alam namin na behave ka. So, make sure to prepare your own things ha?” “Opo mommy, pakisabi po kay daddy na mahal na mahal ko kayong dalawa.” “We love you so much rin, my dear. I gotta go na, tatawag na lang ako ulit.” “Bye, mommy!”nawala na sa linya ang kausap. Nasanay na siya na ganoon ang set-up ng kaniyang mommy at daddy. Isang project manager ang mommy Marian niya at engineer naman ang daddy Andrew niya. Napanatili ng mga ito ang pagiging professional sa trabaho kahit pa mag-asawa na ang mga ito. Masyado siyang inlove sa love story ng mga magulang na nagsimula sa pagiging magkaklase sa college, naging magkatrabaho at nagkatuluyan bilang mag-asawa. Kinikilig pa siya sa tuwing nahuhuli niyang sweet ang mga ito sa isa’t isa. “Erina…Uy, Erina!”bigla siyang bumaling sa namimilog ang mga mata na si Myra. “Kanina ka pa ngumingiti diyan samantalang wala ka ng kausap sa mobile phone. Ano ang nangyari sa iyo?” “Ha? Wala ah!” “Asus. Kitang-kita sa mga ngiti mo na kinikilig ka eh.” “Siyempre happy ako kasi tinawagan ako ni mommy at saka sabi pa niya sasama raw ako sa pag-uwi ninyo.” “Talaga?!”agad akong tumango. “Yehey, makakapamasyal din tayo doon!”bakas ang saya sa mukha ng kaibigan. “Sige, aayusin ko lang ang gamit ko para handa na bukas.”tumayo ako. “Sandali Erina! Paano na itong pinapanood natin? Ang ganda pa naman.”turo nito sa pinapanood nila na 'One Tree Hill.' “We can still watch it. Dalhin na lang natin iyan para doon panoorin sa inyo.”tugon niya habang umaakyat sa hagdan. “Wala naman kaming dvd player sa bahay. Paano natin mapapanood?” “I’ll copy na lang mamaya sa hard drive ko then dadalhin ko na lang ang laptop. Okay na ba iyon, Myra?” “Okay na okay!”naka-thumbs up pa ito sa kanya. Napangiti na lamang siya at dumiretso na siya sa kanyang silid. MAAGA KAMING UMALIS KINABUKASAN. Sakto naman na bumalik na si Manong Simon na family driver namin. Galing ito sa isang probinsya sa Bicol dahil may mahalagang inasikaso tungkol sa mga lupain. “Good morning Maam Erina!”bati nito sa kanya. “Good morning po Manong Simon! Kumusta po ang bakasyon ninyo sa probinsya?” “Maayos naman po Maam.May mga dala po akong pasalubong na pili nuts at ibang specialty ng mga taga-Bicol.”sabay abot sa kanya ng isang malaking paper bag. “Maraming salamat po! Bibigyan ko na lang po sila Aling Rosita at Myra.” “Talaga Erina?”patakbong lumapit sa kanya si Myra na kalalabas lang ng gate. “Ikaw talagang bata ka, ang takaw-takaw mo!”saway ng ina nito na kasunod ng anak. “Binigyan na nga tayo ni Manong Simon eh, hihingan mo pa si Maam Erina.” “Nay naman, ang sarap kaya ng pili nuts! Favorite koi yon eh.” “Marami naman po ito Aling Rosita, hindi ko rin po ito mauubos.”sagot ko. “Alam mo Maam Erina, sinasanay mo iyan. Sige ka, uubusin niya lahat iyan.”natawa na lamang siya sa tinuran ng ginang. “Si nanay naman eh. “nakanguso na sagot ni Myra. “Binubuko talaga ako eh.” “Maam Erina, sakay na po kayo. Aalis na po tayo.”tawag sa akin ni Manong Simon. Umupo ako sa loob ng sasakyang Innova namin katabi si Myra samantalang si Aling Rosita naman ay nasa front seat sa tabi ni Manong Simon. May katagalan din ang biyahe namin kaya minabuti kong matulog na lang habang nasa tainga ko ang earphone ko. Mas mae-enjoy ko talaga kapag may music kahit gaano ka kalayo ang pupuntahan. Hinayaan ko na lang ang katabi ko na kumain na kumain samantalang maganang nagkukwentuhan naman ang magkasundong driver at si Aling Rosita. Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal nakatulog. Naramdaman ko na lang ang marahang tapik sa aking balikat.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at napagtantong ako na lang ang hinihintay na makababa ng sasakyan. “Nandito na tayo Erina! Welcome sa aming munting tahanan.”masiglang sabi ni Myra. “Wow, ang ganda naman dito!”bulalas ko. Tunay ngang munting tahanan lamang iyon kumpara sa bahay nila sa Laguna pero napapalibutan naman ng iba’t ibang klaseng halaman na tila naging disenyo na ng buong paligid. Ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak ang mas nagpadagdag pa ng kagandahan nito. ”Mahilig sa halaman ang lola ni Myra, Erina. Sa sobrang pagkahillig ay nagkasakit siya.”binuksan ni Aling Rosita ang kahoy na gate upang maipasok ni Manong Simon ang sasakyan. “Anak,dalhin mo nga pala kay Marissa itong mga tela na pinabili niya. Kailangan niya raw sa paggawa ng gown ng inaanak niya.” “Sige nay, isama ko na si Erina.” “Kung gusto ni Maam Erina.” “Ayos lang po.”sagot ko. Magkahawak-kamay kami ni Myra habang naglalakad.Tuwang-tuwa ako na nililipad-hangin ang hanggang balikat kong mga buhok.Napapikit pa ako sa pagsamyo nito.. Sobrang sarap sa pakiramdam.Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Myra dahil abala ang buong sistema ko sa napaka-preskong hangin na parang unang beses iyon na naranasan ko. “Erina, nakikinig ka ba sa akin?” “Ha?” “Hi, Jake!”sigaw nito sa isang lalaking naglalakad papalapit sa amin. “Si Tita Marissa?” “Ikaw pala, Myra. Nasa loob si Tita Issa.”nakangiting tugon ng lalaki. Bigla niyang naalala ang Taiwan teleserye na “Meteor Garden.” Ang buhok nito ay kapareho ng buhok na paborito niyang si Hua Ze Lei ang kaibahan nga lang pakiwari niya ay mas gwapo ito sa kanyang paningin. “Ah, oo nga pala Jake. Si Erina, kaibigan ko at siya ang anak ng pinagtatrabahuhan ni nanay. Erina, si Jake nga pala. Pamangkin ni Tita Marisaa. Nandito lang iyan dahil semestral break din nila sa eskwelahan.” “Hi.”bati ko pero saglit lang siyang tinapunan ng tingin saka ngumiti. “Tara sa loob. Pasok kayo.”sabi nito saka binuksan ang malaking gate.Mukha naman itong mabait at sobrang nakakaakit ang mga mata nito lalo na kapag ngumingiti.Matangkad din ito at sa aking tantiya ay aabot ito ng 5’7” o higit pa. Magiliw naman ito sa pakikipag-usap kay Myra ngunit napaka-suplado naman ang dating sa akin. “Sayang, ang cute pa naman niya.”nasabi ko na lamang. “Erina! Halika na sa loob!”tawag sa akin ni Myra. Pakiramdam ko ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip at hindi ko magawang humakbang man lang. Tiningnan ko si Jake ngunit sa ibang direksyon ito nakatingin. Ewan ko ba kung bakit parang nalulungkot ako. Parang kaybigat ng nararamdaman ko at hindi ko mawari kung bakit.Hinintay nila ako sa may pinto saka mabilis na hinawakan ni Myra ang kamay ko. “Hindi man lang kayo nag-shake hands kanina. Oh, ayan!”magkahawak na pala ang mga kamay namin ni Jake. Sa takot kong mapahiya ay agad akong nagbitaw. “Nice meeting you ulit, Jake. Pasensiya ka na kay Myra, makulit eh.”nakangiting sabi ko. Sagllit lang itong ngumiti saka ibinaling muli ang atensyon kay Myra.Sa kabila ng pagbilis ng t***k ng puso ko ay muli akong nakaramdam ng kalungkutan. Napayuko na lang ako sa kalituhan. “Nice meeting you too, Erina.”sabi nito. Hinintay pala ako nito bago pumasok sa pinto matapos unang papasukin si Myra. Napahugot ako ng malalim na paghinga saka marahang ngumiti. “Pasok ka na.” “Salamat.”sagot ko. Bumaliktad yata ang pangyayari. Sa simpleng gesture nito ay gumaan ang pakiramdam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD