CHAPTER 7 - SPECIAL MOMENTS WITH YOU

1066 Words
ERINA’S POV HINDI KO NA MABILANG KUNG ILANG BESES NA DUMAGUNDONG ANG NAGRARAGASANG KURYENTE SA PUSO KO. Mula ng payagan kong ligawan ako ni Jake ay lagi na itong pumupunta sa bahay ni Lola Feliza. Madalas naman kaming iniiwan ni Myra para makapag-usap. Sinasadya yata ng kaibigan kong iyon sa dami ng dahilan na makasama kami. Marami akong natuklasan sa totoong pagkatao ni Jake. Mahilig siyang magkwento ng maraming bagay lalo na ang mga hindi niya makakalimutang experiences mula pagkabata. Bakas din sa mukha nito ang lungkot nang ibahagi nito ang madalas niyang ginagawa kapag hindi nakakasama ang mga magulang. He really loves his parents’ so much dahil malayo man ang mga ito sa kanya ay wala siyang nararamdamang hinanakit sa pagki-kwento nito. Hinayaan ko lang na ibuhos ang lahat ng nararamdaman niya. “Alam mo ba na muntik na silang dumating noong seventh birthday ko? Ginawan ng paraan ni Tita Marissa para makauwi sila. Ngumiti lang daw ako nang dumating sila.” Saglit niya akong tinitigan sa mga mata. “I hate the feeling of being alone. “ Nagbabadya ang mga luha sa mga mata nito. “Nandito naman ako eh.” Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi nito. “I mean, kung gusto mo ng makakaisap, nandito lang ako.” “Pangako?” “Pangako?” balik tanong ko sa kanya. “Promise mo sa akin na nandiyan ka lagi para sa akin?”malambing niyang tanong. “May mobile phone naman to contact you. Pwede rin sa socmed hindi ba?” “Is that a promise?” Tumango siya. Itinaas niya ang hinliliit at inilapit sa akin. “Bakit?” “Nangako ka sa akin hindi ba? It’s a pinky promise.” Naaliw itong nakatitig sa nagtataka kong mukha. “Yes, I promise you,” sagot ko ngunit malakas itong tumawa. “Bakit na naman?” “You should do this,” sabi pa nito saka inabot ang kamay ko. “Ito ang hinliliit mo and this is mine. Ang pangako ay pangako so let’s combine it.” He curled his finger on me at marahang pinisil. “Iyan ba ang sinasabi mong pinky promise?” Nakangiti itong ngumiti. “Oh! I didn’t get it,” sabi ko saka inihilamos ang mga kamay sa aking mukha. Hiyang-hiya ako. Bakit hindi ko agad na-gets? Madalas ko pa naman nakikita ang ganoon sa mga romance movies. Minsan pa nga itong pinag-usapan nila ni Myra. Parang ayaw ko siyang tingnan dahil sa hiya hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang inilibot sa akin. “It’s okay. Can I hold your hand like this?” Bahagya pa nitong itinaas ang mga kamay naming naging isa. “Is it part of your courting?” “Kung papayagan mo,” lumalam pa yata lalo ang magandang mata nito matapos sabihin iyon. “Makakahindi pa ba ako eh, hawak mo na?” “I feel like I am already in heaven.” “Paano mo nasabi?” “Ang sarap sa feeling eh. Tipong magaan lang ang lahat ng bagay.” Nakatingala na ito sa maaliwalas na kalangitan. May inusal na kung ano saka muli akong tiningnan. “What did you do?” “Nagpasalamat lang ako kay Lord. Binigyan niya kasi ako ng pinaka-espesyal na regalo.” Makahulugan itong tumitig sa akin saka ngumiti. Oh, God! Para na akong matutunaw sa uri ng pagtitig niya sa akin. “Thank God I found you,”sabi nito matapos pisilin ang hawak na kamay ko. MYRA’S POV “HEY, LOVERS! ESTE MY FRIENDS!” tawag ko sa dalawang kanina pa nagtititigan. Ayaw ko na sanang abalahin ang dalawa ngunit tumawag si Tita Marissa. Pinapauwi si Jake dahil may biglaang lakad ito. “Pasensiya na kung naabala ko kayong dalawa, Jake si Tita Marissa.” Inabot ko ang mobile ni Nanay kung saan tumawag ang tiyahin nito. “Hello Tita!”masiglang sagot ni Jake. Tumabi naman ako kay Erina na nakatingin sa malayo. Mukhang masaya ito kung pagbabasehan ang maganda nitong ngiti. “Okay ka lang Erina?” tanong ko. Nilingon niya ako saka humilig sa balikat ko. “Bakit?” “I just want to hug you,”sabi nito. “We’re like sisters hindi ba?” “Oo naman! Magkaiba lang ang parents natin pero magkapareho naman ang dugo natin. Dugong maganda,”sabi ko at tumawa ito. “Mas maganda ka sa akin,”natatawa pa rin na sabi nito. Abala pa rin sa mobile phone si Jake. Ang haba yata ng ibinilin ni Tita Marissa. “Huwag ka ngang ano diyan Erina, alam mo naman na pang beauty queen ka at ako ay pang Flores de Mayo lang. Ang iyong buhok ay abot na hanggang Amerika samantalang ako dito lang sa bahay ni Lola Feliza,”mahabang sabi ko. “Uy, hindi ah! Ang ganda mo nga eh!” Mahigpit pa niya akong niyakap. Ganoon ang madalas nitong gawin kapag nami-miss ako kahit araw-araw naman kami nagkikita. “Ehem, ehem!” Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakanguso si Jake na nakatingin samin. “Sali ninyo naman ako sa ka-sweetan ninyong dalawa.” Tumabi it okay Erina. “Oo nga pala Myra, pumayag na si Erina na ligawan ko siya.” Nang magtama ang mga mata ng mga ito ay parang may magnet na kusang naa-attract sa isa’t isa. Tama nga ang hinala niya sa simula pa lang. Bagay na bagay ang dalawa at tiyak na magiging masaya ang mga ito kapag ito ang nagkatuluyan pagdating ng tamang panahon. “Talaga Erina?!” Nahihiyang tumango naman ang kaibigan. “Uy, Jake! Libre mo naman ako!” “Sige ba? Kapag sinagot na ako ni Erina, ililibre kita!”nakangiting sagot ni Jake. May pakindat-kindat pa itong nalalaman. “Asa ka pa! Hindi ka agad sasagutin ni Erina no?” pang-aasar niya. “We’ll see. Magpapaalam muna ako sa Mommy at Daddy niya para maging legal kami.” Bahagy itong humilig sa balikta ni Erina. “Asus, aagawin ko sa iyo si Erina. Ako yata ang sisteret niya for life!” “Wala naman problema doon, sisteret din naman kita. Huwag ka ng komontra Myra alam ko na ang kailangan mo. Tara na nga, ililibre na kita!” Tumayo ito. “Siyempre kasama dapat ang…” “Ang?”tanong ni Erina. Hinihintay nito ang sasabihin ng lalaki samantalang natatawa siya sa reaksyon ng dalawa. Tamang kilig lang muna sa love birds na ito. Ang ku-cute nila! Sarap kuhaan ng litrato. Naalala niya ang mobile phone ng kanyang nanay na ibinalik ni Jake and capture the beautiful moment of her truest friends. “Ang soon to be girl friend ko,”kagat-labi si Jake ng sabihin iyon. “Ayiee! Kayo na talaga! Kinikilig naman ako sa inyo!” Dali-dali niyang hinila si Erina patayo. “Tayo na Erina at baka magbago pa ng isip iyan si Jake!” Mahinang hagikhik ang tanging naging tugon ni Erina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD