JAKE’S POV
DALA KO SA PAG-UWI ANG KAKAIBANG SAYA SA AKING PUSO. Paulit-ulit na umuukilkil sa isipin ko ang huling sinabi ni Erina.
“You mean, payag ka na ligawan kita?”
“Only my Mom and Dad can answer that.”
“Uy, Erina. Seryoso ako.”
“At seryoso rin ako.”
Mariin kong ipinikit ang mga mata bago tumigil sa harap ng gate.Naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking mga balat at tila bumubulong sa mga tainga ko. Pati yata ang hangin ay nakikiramay sa kasiyahan ng aking puso.
This is real, this is me
I’m exactly where I’m supposed to be now
Gonna let the light shine on me
And now I’ve found who I am
There’s no way to hold it in
No more hiding who I want to be
This is me
Sa pagmulat ko ay nabungaran ko ang nakangiting si Tita Marissa na nakatayo sa pintuan. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya napakamot ako sa ulo. Dahan-dahan kong binuksan ang gate saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
“Hey, hey, hey!”malakas na sabi ni Tita. “Nakalimutan mo yatang batiin ang Tita mo?”
“Good evening po Tita,”bati ko saka hinagkan siya sa pisngi. “Pasok na po ako Tita.”
“Kumain ka na ba?”
“Opo, Tita.”
“Jake,”tawag muli ni Tita kaya napatigil ako sa paghakbang.
“Bakit po Tita?”tanong ko.
“Mukhang masaya ka ngayon ah. May kailangan ba akong malaman?” Nakangiti pa rin ito.
“Kasi Tita…”
“Gusto mo na ba si Erina?”
“Sa tingin ko po Tita,”nakayuko kong sabi.
“Don’t worry, tutulungan kita. Isang himala yata na may nagustuhan ka ng babae!” Inakbayan ako ni Tita at umupo kami sa mahabang sofa. Hindi maikakaila ang kasiyahan nito sa mukha. “Tiyak na matutuwa ang Mommy at Daddy mo kapag nalaman nila na may napupusuan na ang unico hijo nila!”
“Tita, hindi po ba nakakahiya na malaman agad nila Mommy at Daddy?”
“Ano ka ba Jake? Kabisado ko ang mga magulang mo. Hindi pa ako nagkakamali ng mga hula ko sa kanila. Matutuwa ang mga iyon, sigurado ako.” Kinindatan pa siya ng tiyahin. Pakiwari ko mas masaya pa sila sa akin. Pero ang hindi lang nila nararamdaman ang kabog at sigla sa aking puso ay nagsasabi ng walang hanggang kaligayahan.
“Alam mo ba na kapag naging kayo na ni Erina, ako ang unang magiging masaya para sa iyo?” Bigla akong napatitig kay Tita na kulang na lang ay maiyak. “Parang anak na ang turing ko sa iyo kaya kung ano ang makapagpapasaya sa iyo ay doble ang support ko.”
“Tita, hindi pa naman po kami ni Erina. Kailangan kong magpaalam sa Mommy at Daddy niya.”
“Ganoon ba?” Nanlaki ang mga mata nito. “Di bale, ako mismo ang kakausap sa kanila,”mabilis nitong sabi.
“Mas maganda po na ako mismo ang magpaalam Tita para malaman po nila ang sincerety ko.”
“That’s the best! Ibig sabihin ay seryoso ka kay Erina.”
“Opo,”nakangiti kong tugon.
“Iyang ganda mong lalaki, tatanggihan ka na ni Erina?” Natawa ako sa sinabi ni Tita. Sobra niya talaga akong pinagmamalaki. “Pero ang swerte mo rin kay Erina kasi nasa kanya na ang lahat.”
“I agree Tita. She’s indeed every man’s dream.”
ERINA’S POV
HINDI KO INASAHAN ANG BILIS NG MGA PANGYAYARI. Hindi rin ako sigurado kung papayag si Mommy at Daddy na ligawan ako ni Jake. Marahil iisipin ng mga parents ko na napakabata ko pa para pumasok sa isang relasyon. Susunod na lang ako sa agos ng mangyayari. Hindi ko maikukubli ang katotohanan ang espesyal na pagtingin ko kay Jake ngunit mahalaga ang magiging bahagi ng kanyang Mommy at Daddy.
“Erina, gising ka na pala!” Nakita ko si Myra na nasa kusina kasama ni Aling Rosita. Nagluluto ang mga ito. ”Ang aga mo gumising ah!”dagdag na sabi ni Myra.
“Ah, maaga kasi ako nakatulog kagabi.” Lumapit ako sa kanila. Amoy na amoy ang sinangag na niluluto ni Aling Rosita samantalang inilapag naman ni Myra ang fried egg at hotdog. “May maitutulong po ba ako?”
“Malapit na itong sinangag, Erina. Maupo ka na sa mesa para makakain na tayo,”nakangiting sabi ni Aling Rosita.
“Opo.” Napansin kung hindi pa gising si Lola Feliza. “Si Lola Feliza po?”
“Maagang nag-jogging. Para lumakas raw ang katawan niya. Alam mo naman, galing sa trangkaso at pagaling na kaya iyon maligalig na.”
“Ah, kaya po pala.” Tumango-tango ako.
“Pero tiyak na pabalik na iyon dahil bilin niyang sasabay sa pagkain ng almusal. Nag-kape lang ang Lola Feliza ninyo kanina.” Bigla itong napalingon sa may pinto. “Nandito na pala sila eh.”
Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Paano ba naman kasi kasama ni Lola Feliza si Jake. Kahit pawis na pawis ay nangingibabaw ang gandang lalaki nito lalo na ang dimple nang ngumiti ito. Pwede ng maging magician ang lalaki sa mahikang hatid nito sa kanya. Dagdagan pa ng pinagsamang magnet at hipnotismo. Umabot na yata ng higit pa sa isang minuto ang pagkakapako ng mga mata ko sa kanya.
“Jake, tara sumabay ka na sa amin kumain ng almusal!”malakas na tawag ni Myra. Saka lamang ako nagbitaw ng tingin. Mabilis na nagsi-upuan ang mga ito maliban kay Jake na sa tabi niya uupo. Agad na inukopa nila Myra, Aling Rosita at Lola Feliza ang mga upuan at tanging bakante ay ang nasa tabi niya.
“Okay lang ba, Erina?”tanong ng lalaki sa kanya. Hindi ko alam kung para saan ang tanong nito pero agad rin naman akong tumango.
“Pawisan na kasi ako kaya…”
“Okay lang iyan, Jake. Hindi naman maarte si Erina,”sabad ni Myra.
“Sige, kumain na tayo. Nagutom ako sa kaka-jogging namin ni Jake.” Bakas ang saya sa mukha ni matanda. “Salamat Jake ah,”sabi pa ni Lola Feliza.
“Wala pong anuman Lola Feliza. Sanay naman po akong maagang gumising sa umaga at mag-jogging,”sagot ng lalaki. Akma kong kukunin ang sinangag ngunit naunahan ako ni Jake saka inabot sa akin. “Lagyan ko na ba?”tanong nito sa akin. Tipid akong tumango. Sunod na nilagyan ni Jake ng fried hotdog at egg ang plato ko.
“Salamat,”sabi ko.
“Walang anuman basta para sa iyon.” Biglang tumayo si Myra hawak-hawak ang plato.
“Nay, Lola, doon na lang tayo kumain sa sala. Mukhang nakakaistorbo tayo sa dalawang ito eh!”pabiro nitong sabi.Tuluyan na akong natawa. “Uy, Jake! Huwag mong kalimutan na may kasama kayo sa mesa ah! Nakaka-out of place eh!”
“Pasensiya na po! Pasensiya na po talaga sa inyo!” Nag-ala Japanese ito na nagsasabi ng “Arigato.”
“Naku, nagbibiro lang iyan si Erina,”singit ni Lola Feliza. “Pero parang mas bagay nga kami sa sala.” Sabay-sabay sila nagtawanan.
UMUWI RIN AGAD SI JAKE NGUNIT BABALIK DAW PAGKATAPOS MANANGHALIAN. Inanyayahan ako at si Myra na pumunta muli sa overlooking. Pumayag naman si Aling Rosita at Lola Feliza. Nagbilin lang ang mga ito na huwag kaming magpaabot ng dilim at baka maiwan naman ako sa daan.
“Mauna na kayo doon.” Tinapik ako ni Myra gayundin si Jake. “May bibilhin lang ako sa tindahan.”
“Samahan ka na namin,”sagot ko.
“Hindi. Ako na lang.”
“Sigurado ka?”tanong ni Jake.
“Oo naman. Susunod din ako agad.” Tumalikod na ito at hindi na hinintay ang sasabihin nila ni Jake.
“Tara, Erina. Siguradong susunod naman si Erina sa atin.” Sinabayan niya ako sa paghakbang.
“Bakit may dala kang bag?”
“Pinadala sa akin ni Tita Marissa. Sabi niya doon ko na lang daw buksan sa pupuntahan natin.”
“Ah.”
“Ganito na lang. Paunahan tayo makarating sa puno na iyon.” Isang puno ng mangga ang ibig nitong sabihin. Malapit iyon sa bato na dati nilang inupuan. “Para mas may thrill ang paglalakad natin.”
“Lakad ba talaga ang gagawin o takbo? Naka-ready ka na eh.”
“Ano sa tingin mo?” Pagtingin ko sa kanya ay bumunghalit ako ng tawa. “Bakit? Ano ang nakakatawa?”
“Parang hindi na ako mananalo sa iyo eh. Handang-handa ka na oh,”natatawa kong sabi. Kulang na ang magbilang para magsimula na iting tumakbo.
“Kung gusto mo para fair naman sa iyo, sabay tayong tatakbo. Okay lang ba na hawakan ako ang kamay mo?” Napako ang tingin nito sa mga kamay ko.
“Deal!” Inilahad ni Jake ang kamay niya sa akin at hindi ako nagdalawang-isip na hawakan iyon. It feels good. Ang init ng palad nito ay naghahatid ng libo-libong boltahe sa bawat himaymay ng aking ugat.
“Ready?”tanong nito.
“I’m ready.” Kasabay ng pagngiti ni Jake ang paghigpit nito sa paghawak sa aking kamay. Masaya lang sa pakiramdam na ma-experience ang isang feeling na dayuhan sa akin. Ang masarap na feeling kasama si Jake.
“Malapit na tayo. Kaunti na lang Erina!” Pinapalakas ng lalaki ang loob niya. Sobrang pagod na siya dahil pataas ang direksyon ng tinakbo nila.
“Hin--di ka ba maru--nong mapagod?”Hinihingal kong tanong. Nakarating na kami sa puno ng mangga at napapikit sa pamilyar na lamig ng hangin. Nakaramdam ako ng kaginhawaan.
“Ang sarap sa feeling no? Lalo na ang mahawakan ang kamay mo.” Napamulat ako saka natitigan ang magkahawak pa rin naming mga kamay. “Sana mahawakan ko ito habang buhay.” Kitang-kita ko kung paano nito nais na ipahiwatig ang nararamdaman sa akin. Lalo pang hinigpitan ang kamay ko na para bang ayaw na nitong ng pakawalan pa.”Nararamdaman mo rin ba?” Napalunok ako nang matitigan ni Jake. Seryoso ang anyo nito ngunit kumikinang ang mga mata na nakatingin sa akin.
“Ano kasi…” Tila nahuhulog ako sa malalim na balon dahil hindi ko maapuhap ang tamang sagot sa tanong nito.
“I’m willing to wait, Erina. Huwag kang mag-alala.” Sumilay ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin ni Jake. “To be honest, sa iyo ko lang naramdaman ang saya na katulad nito. Hiling ko lang na sana ay bigyan mo ako ng chance.” Isang ngiti ang tugon ko na siyang lalo pang ikinasaya nito. Abot tainga na ang ngiti ni Jake. “Totoo?”
“Ayaw mo ba?”
“Siyempre, gustong gusto ko! Wala ng bawian iyan ah!”
“Oo nga. Ang kulit mo!” Bigla itong tumayo hawak-hawak pa rin ang kamay ko.
“Yes!!!”malakas nitong sigaw. “Thank you Lord!!!” Parang tumama ito ng jackpot sa lotto. Sadyang napakasaya nito at hindi ko mapigilan ang mapagmasdan ito. At masaya ako. Iyon ang sinisigaw ng puso ko.