CHAPTER 5 - A SERIOUS TALK

1147 Words
ERINA’S POV MALAPAD NA MGA NGITI ANG SUMALUBONG SA AMIN NANG MAKARATING KAMI SA BAHAY NI LOLA FELIZA. Sabay pa kaming nagkatitigan ni Jake sa labis na pagtataka. Kasama ni Myra si Aling Rosita at Lola Feliza na waring nag-aabang sa aming pagdating. Nang muli kong sulyapan si Jake ay nakangiti na ito.Hindi ko mapigilan ang mapangiti rin. “Akala namin ay kung napaano na kayong dalawa. Naligaw ka ba Erina?”nag-aalalang tanong ni Lola Feliza. “Opo, Lola Feliza. Tiyak po na hindi ako makakabalik dito kung hindi ako hinanap ni Jake,”sagot niya. Nakangiti itong napatungo. Hindi maikubli ang kasiyahan sa mga labi kahit na parang nahihiya. “Naku, mabuti na lang at kasama ninyo si Jake. Ang apo ko kasing mabait ay iniwan kayo.”Kinurot ni Lola sa tagiliran si Myra. “Aray! Lola naman eh!”sigaw nito. “Naalala ko kasi ang bag na pinapakuha mo sa akin kay Tito Michael.” “Pwede naman ipagpabukas iyon, talagang bata ka!” “Lola Feliza, huwag ninyo na po pagalitan si Myra. Ayos lang naman po ako eh,”sabad ko. “Kung ganoon ay dito ka na kumain ng hapunan Jake. Ako na ang sasama sa iyo pag-uwi. May kailangan din akong sabihin sa Tita Marissa mo,”nakangiting sabi ni Aling Rosita. “Tayo na sa loob, tiyak na gutom na si Myra.” “Nay naman eh!”nakasimangot na sabi ni Myra. “Kunwari ka pa.”Malakas na nag-alboroto ang tiyan nito. “Iyan ang ebidensya.”Natawa silang lahat sa nasaksihan. Kahit na madalas wala ang Mommy at Daddy ko ay kasama ko naman ang mga taong maituturing ko ng pamilya. Hindi ko kailanman naramdaman na nag-iisa dahil alam kong mga mga taong handa akong mahalin at tanggapin na higit pa sa isang kapamilya. “Erina, tara na sa loob.”Napalingon ako sa aking tabi. Kami na naman pala ang naiwan ni Jake sa may pinto. “Kakain na daw tayo.”Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nito sa labi. “Nami-miss mo ba ang Mommy at Daddy mo?” “Bakit mo naman naitanong?” “Bigla ka kasing natahimik. Kaya inisip ko na na-miss mo ang parents mo.” “Nababasa mo pala ang iniisip ko. Manghuhula ka ba?”pagbibiirong sabi ko sa kanya. “Pwede na ba ako maging manghuhula?”Tinitigan niya ako saka sabay kaming tumawa. “Pwede na rin.” “Kidding aside, pareho kasi tayo ng sitwasyon. Ganyan din madalas ang nararamdaman ko.” Biglang lumungkot ang mga mata nito. “Nakikita ko sa mga mata mo eh. Isap pa, pareho rin tayong nag-iisang anak.” “Siguro nga. Marami tayong pagkakapareho.” “Kaya nga bagay tayo eh.”Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi ni Jake. Ang ngiti sa mga labi nito ay unti-unti nawala. Napalunok na lamang ito.Marahil napagtanto nito ang mga sinabi. “I mean…” “Tama ka naman eh. Bagay tayo kasi pareho tayo sa lahat ng bagay.” Humakbang na ako papasok sa loob. Parang natuklaw naman ang mukha nito ng ahas.”Ano pa hinihintay mo diyan?”Nginitian ko ito saka iniwan. Alam ko naman kasi na susunod na ito papuntang hapag-kainan. JAKE’S POV MAGANA AKONG KUMAIN NG ADOBONG MANOK NA LUTO NI ALING ROSITA. Hindi pa rin ako nakaka-get over sa sinabi ni Erina. Bigla yatang lumaki ang dalawa kong tainga nang sabihin nitong bagay daw sila. Nagkaroon yata ng pakpak ang puso ko sa paulit-ulit na pagtibok nito ng mabilis. “Masaya ka yata Jake,”puna ni Myra sa akin. Lihim akong napatingin kay Erina na abala sa pagkain. “Sino ba naman ang hindi sasaya sa pagkain ng napakasarap na adobo ni Aling Rosita?”sabi niya. “Ang adobo nga ba talaga ang dahilan, Jake?”tanong ni Lola Feliza.”O dahil nakasama mo ang isang magandang dilag?”Bigla akong nabulunan. “Naku at nabulunan pa si Jake! Nanay at Myra, huwag ninyo naman ibuko ang tao. Andiyan lang si Erina oh,”sabad ni Aling Rosita na lalong ikinangiti ng tatlo. “Inom ka muna ng tubig.”Nakita ko ang baso na inaabot ni Erina. “Kunin mo na, Jake. Sige ka, baka mangawit si Erina,”tudyo ni Myra. Dahan-dahan kong kinuha ang baso mula kay Erina. Ayokong ipahalata na bahagyang nanginginig ang kamay ko. Dala yata ng labis na pag-aalala na magdikit ang aming mga balat. Ang iniiwasan kong mangyari ay nangyari kaya lalo kong hindi nakontrol ang aking kamay. “It’s okay. Dahan-dahan ka lang at baka mabitawan mo ang baso. Lagot ka kay Lola Feliza kapag nabasag iyan.” Sumilay ang napakagandang ngiti nito. Marahan akong tumango. Sadyang may kakaiba sa balat ko nang madikit it sa balat ni Erina. Parang napaso ng kakaibang init na may halong lamig. Nakita ko ang makahulugang tinginan ni Myra at Lola Feliza. “Salamat.”sabi ko. Wala na yata nais na lumabas sa bibig ko kung hindi ang mga salitang iyon. “Mauna na akong pumunta sa Tita Marissa mo, Jake. Sabihin ko na lang na kumakain ka pa,”sabad ni Aling Rosita at tumayo na ito. “Myra, ikaw na bahala sa paghuhugas ng mga pinggan at iba pang pinag-kainan.” “Ako na lang po ang maghuhugas Nay Rosita,”nakataas kamay pa na sabi ni Erina. “Tutulungan ko na rin po si Erina.”Itinaas ko rin ang isa kong kamay. Pinaglipat-lipat muna ni Aling Rosita ang tingin sa aming dalawa ni Erina bago muling nagsalita. “Kung mapilit kayong dalawa, sige bahala kayo.” Sumunod na nagpaalam si Lola Feliza at si Myra kaya kami ang naiwan sa hapag-kainan. Nagkasya na lamang ako sa pagsulyap-sulyap sa maganda niyang mukha habang baghuhugas kami ng pinagkainan. Siya naman ay nakangiti lang sa akin kahit pa nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. “Pwede magtanong?” Hindi na ako makatiis. “Sure. Ano iyon?”mabilis nitong sagot. “Nagkaroon ka na ban g boy friend?”nilakasan ko na ang loob ko. Iyon lang kasi ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Bigla itong natigilan dahil sa sinabi ko. “Bakit mo itinatanong?”nakangiting sagot ni Erina. “Wala lang. Kung sakaling manliligaw ba ako ay wala akong masasagasaan?” Naningkit ang mga maganda nitong mata. Waring tinatantiya kung nagsasabi ako ng totoo o sadyang biro lang. Sa pagkakatitig niya sa akin ay unti-unting lumitaw ang dimple nito sa kaliwang bahagi ng labi saka ngumiti. “Huwag mo nga akong binibiro ng ganyan.” Muling ibinaling nito ang mga atensyon sa paghuhugas. “This time, hindi ako nagbibiro.”Seryoso akong tumingin kay Erina. “To answer your first question, wala akong boyfriend.”Nagdiwang ang puso ko nang marinig iyon.”And to your second question, masasagasaan mo ang parents ko. So, siguro mas maganda na sila ang tanungin mo.” “You mean, payag ka na ligawan kita?”Nasobrahan yata ang excitement sa boses ko dahil biglang natawa si Erina. “Only my Mom and Dad can answer that.”Natatawa pa rin ito. “Uy, Erina. Seryoso ako.”nakalabing sabi ko. “At seryoso rin ako.”Lalong lumuwang ang pagkakangiti sa mga labi ko. Nabuhay ang isang pag-asa sa aking puso. Ang umiibig kong puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD