ERINA’S POV KUNG TODO ALALAY SA AKIN SI JAKE NANG PUMASOK KAMI NG SINEHAN. Hindi talaga binibitawan ang kamay ko na mahigpit na hawak nito. Pakiramdam ko ay espesyal ang treatment na ibinibigay sa amin ng mga staff ng mall. Pero pinilit ko na lang balewalain sa pag-aakalang marahil ay dahil iyon sa kaarawang pa rin ni Jake. The Twilight Saga: New Moon ang pinanood namin. Hindi ko alam na mahilig pala sa ganoon si Jake na labis naming pinagkasunduan. Panaka-naka akong sinusulyapan nito habang tutok na tutok naman ako sa panonood. Hanggang sa matapos ang pinanood namin ay hawak pa rin ni Jake ang kamay ko. Sa akin ay ayos lang naman. Feeling ko ay ligtas ako sa mga kamay nito just like a princess with a prince. Tiyak akong walang masama sa ginagawa namin at pareho naming gusto iyon. “N

